Wednesday, February 17, 2010

Siga sa Banketa

ang larawan na ito ay hindi ako ang kumuha. nakuha ko lamang ito sa net. ngunit nakakatuwa silang tingnan na nagmomotor na walang helmet.

pag traffic enforcer, bakal ang ulo!



Kaninang umaga, papunta sa trabaho. Sakay sa aming butihing malapit nang masirang sasakyan. Nakakita ako ng SIGA SA BANKETA. Grabe. Kung may definition ng astig at siga sa kanto ay yong nakita kong yun ang pinaka definition na yun.

Bakit?

Magkekwento ako ng background saglit. Napadaan kami nun sa Pasong Tamo, Makati. Malapit sa McDonald's at ExportBank. Napatigil kami dun sa area na yun kasi nga, trapik.

TAPOS!

Sa banketa sa amin kanan ay nakakita kami ng SIGA! Nakakapanindig balahibo! Sigang MAPSA. Sigang traffic enforcer! Nagmomotorsiklo sa banketa! Kasabay ng mga taong naglalakad! Kung sa EDSA ay may daanang pantao na hindi nadadaanan ng mga sasakyan (unless aksidente), sa MAKATI (oh well, ganito kami sa makati) PWEDE! WOO!

Kung makasagasa sila or may aksidenteng makabangga, makasagi, makasakit dahit sa kakaibang gawain nila, pananagutan kaya nila yon? O isisisi kasi hindi tumitingin sa daanan ang mga tao? Ang laki nga naman ng motorsiklo para hindi makita, so TANGA ka pagnabangga ka ng motor sa banketa. Pero kakaiba pag nakalagay ka sa headline ng tabloid o ng mga dyaryo at iba pang pahayagan na:

"Lalake Nabangga Sa Banketa!"
Isang lalake ang naaksidente sa banketa nang masagasaan ng sigang MAPSA na nagmomotorsiklo ang lalakeng ito. Ang catch! MAPSA + motorsiklo + banketa! WOO!

BAAAAAANG!


Kakaibang pangyayari. Ang Saya.

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

No comments:

Post a Comment