Ang komento ko lang naman ay di mo naman kontrolado kung tawagin kang Mike ng magulang mo noong ika'y isilang kaya wala kang magagawa doon. Pwede mo pa namang baguhin kung yun ay palayaw lang sa iyo. Pero kung ang tunay mong pangalan ay Mike ay talaga namang kailangan mo nang isilang muli para mabinyagan ulit at maiba ang iyong pangalan. Maari mo rin namang pagkagastusan para lamang mabago ang tunay mong pangalan sa iyong birth certificate. Hanap ka na ng pikser sa madaling panahon kung ganoon.
Kung ang tawag sa 'yong Mike ay may nakabuntot na kabastusan o katuksuhan at ikinatutuwa ng mga nakapaligi sa iyo. Aba eh nakakatawa este nakakainis nga 'yan. Magpunta ka na lamang sa ibang bansa; sa isang bansa na hindi nakakabasang mabuti ang mga tao para ma-realize na nakakatawa ang iyong pangalan.
Ang kabastusan ay pwede mong ihalintulad sa naiisip ng karamihan sa nasa ibaba:
Ayun. Di naman bastos pero iba ang naiisip ng karamihan. KANDUNGAN po ang titulo ng larawan sa itaas. Mabalik pala tayo sa paksa sa paskil na 'to. Masama nga bang Mike ang pangalan? Hala sige hayaan na natin ang larawan sa ibaba ang sumagot sa ating katanungan...
Ang nagpaskil,
Mike
No comments:
Post a Comment