Thursday, February 25, 2010

Hah!

Nagkasalubong kame ng isang kaibigan habang pauwi ako kagabi
pagkatapos kong ihatid ang aking kasintahan sa San Juan.

Hindi ko naman talaga siya gustong tawagin na kaibigan dahil
ang unang kong naiisip pag nababanggit ang kanyang pangalan ay:

Kupal.
Kupal na manyak.
Kupal na manyak na puro hangin.
Kupal na manyak na puro hangin pero wala naman kayang gawin sa buhay.

At eto ang highlight ng aming 3 minutong chit-chat.

Siya: Oi pare *hihit ng yosi* inom naman tayo minsan, just like the old days.
Ako: Di nako lasenggo katulad dati ehehehe... *ngiting umay*
pero sched nyo at baka makapunta ako. Lagi akong busy eh.
Siya: Wow! Iba ka na nga. Narinig ko nga kina utol. Pero lam mo pre, parang TUMATABA ka ah. AHAHAHA! *Blah blah blah.. kung ano anong kayabangan, shit, etc.*
Ako: Ah ganon ba? Kase PARE ako may pera kaya nakakain ako ng masarap na pagkain, NAGTATRABAHO KASE AKO. Ikaw chong, bat mukha ka pa ring DUKHA?
Siya: *Di mapintang tawa*

Sabay tingin sa kawalan. Bow


-------

At dahil kelangan daw magpakilala..
Ako po ay isang super commuter,
na hinulog ng bobong pelican/stork sa maling chimineya sa QC.
Dapat daw sa Cainta. Kung doon dapat,
eh hindi ko rin alam kung bakit.

At putang ina oo, hindi ako marunong mag-bike.

No comments:

Post a Comment