Wednesday, August 24, 2011

Zonrox! Zonrox! Pang-alis ng Anne-Anne

Huli na yata ang lahat. Hindi ko alam kung pwede bang bawiin ang pangalan ng baby na pinanganak sa ospital. Actually hindi pa yun ang problema ko, dahil kailangan ko pang kumbinsihin ang ate ko na pangit ang pangalan na gusto nya para sa anak nya.

Rox Anne. Hindi na lang ginawang Roxanne kung Roxanne. Tapos ang palayaw daw Rox. Hindi talaga cute. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na kung gusto talaga nya na nakahiwalay yung Anne, gawin na lang n'yang Roxy Anne. Sinisisi ko si Roxanne Ritchie (hindi si Tina Fey) ng Megamind. Siya ang nagbigay ng idea.


Hindi ko s'ya naman anak, so dapat 'di ko pinuproblema. Pero kawawang bata. Naranasan ko nang tawaging Irene Peste. Tsk tsk tsk.

Ang nagmamagandang loob,
marydaisy

P.S. Labing siyam na ang pamangkin ko. Aabot kaya sila ng dalawang dosena?


Update: Roxy Anne naman pala pinangalan sa kanya



Sunday, August 14, 2011

True Story

Kagabi nakapagdecide na ko. Tumatawa lang ako pag nagkekwento ako pero nahihirapan talaga ko. Ilang linggo ko din tiniis yung hindi nya ko pinapansin na parang hindi nya ko girlfriend. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para makipaghiwalay. Feeling ko tatanggapin lang nya, tapos aalis na. Pero tumayo sya, sabi mag-usap daw kame.

Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi pa masisira ang halos sampung taon na pagsasama.

Nagsorry sya sakin. Sinadya nyang lumayo, umiwas at wag ako pansinin. Gumaan ang loob ko. Tapos bigla nyang sinabi, na hindi nya lang magawang makipaghiwalay sakin, kaya iyon ang ginawa nya. Hindi ako emo. Pero sobrang bigat ng loob ko nang narinig ko yun. Nanlamig ang bibig ko. Hindi ko alam ang iisipin. Ayoko.

Ang sabi nya mahal nya pa din ako, importante ako sa kanya. Pero di na daw nya makita na magsasama kame habang buhay. Bago sya umalis hinawakan pa nya yung kamay ko. Lalo akong nahirapan. Di ko kayang bumitaw. Tinanong ko sya bakit ayaw nyang subukan ulit, kung mahal pa nga nya ko. Kailangan nya daw yun gawin, dahil kahit anong pilit daw nya, hindi na nya kayang isipin na kame pa din sa future. Ok, gets ko na. Hindi na nya talaga ko mahal. Bumitaw na ko.

Umiiyak ngunit di kawawa,
marydaisy

Friday, August 12, 2011

Kuma

pag ibang button ang mapindot mo kay Kuma, kadiri ang lalabas.

Yun lamang.

Nagtetekken,
Carl

Nakakatuwa naman pala

Mga limang minuto pa lamang ang nakakalipas at binasa ko ang ibang mga posts dito sa blog na ito.  Nakita ko kung papano ako kagalit noon at kung gaano ako masgalit ngayon.  Awaard.

Nabasa ko rin ang mga dating mga posts ni Pelomena at kung papano sya nagmukhang pera sa mga iba nyang posts.

Nabasa ko na masaya palang magpatuloy na magsulat dito, dahil ilang buwan o taon ang makalipas, nakakaliw pala syang basahin.  Nakakatuwa naman pala.

Ang natuwa ng Panandali,
Carl hindi Douglas