Sunday, August 14, 2011

True Story

Kagabi nakapagdecide na ko. Tumatawa lang ako pag nagkekwento ako pero nahihirapan talaga ko. Ilang linggo ko din tiniis yung hindi nya ko pinapansin na parang hindi nya ko girlfriend. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para makipaghiwalay. Feeling ko tatanggapin lang nya, tapos aalis na. Pero tumayo sya, sabi mag-usap daw kame.

Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi pa masisira ang halos sampung taon na pagsasama.

Nagsorry sya sakin. Sinadya nyang lumayo, umiwas at wag ako pansinin. Gumaan ang loob ko. Tapos bigla nyang sinabi, na hindi nya lang magawang makipaghiwalay sakin, kaya iyon ang ginawa nya. Hindi ako emo. Pero sobrang bigat ng loob ko nang narinig ko yun. Nanlamig ang bibig ko. Hindi ko alam ang iisipin. Ayoko.

Ang sabi nya mahal nya pa din ako, importante ako sa kanya. Pero di na daw nya makita na magsasama kame habang buhay. Bago sya umalis hinawakan pa nya yung kamay ko. Lalo akong nahirapan. Di ko kayang bumitaw. Tinanong ko sya bakit ayaw nyang subukan ulit, kung mahal pa nga nya ko. Kailangan nya daw yun gawin, dahil kahit anong pilit daw nya, hindi na nya kayang isipin na kame pa din sa future. Ok, gets ko na. Hindi na nya talaga ko mahal. Bumitaw na ko.

Umiiyak ngunit di kawawa,
marydaisy

No comments:

Post a Comment