Wednesday, March 31, 2010

Follow Up: Rampant na pagtae

gaya ng naikwento ko sa inyo kanina.
pagkadating ko dito at pagpunta sa CR
may tumatae heheh



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Tuesday, March 30, 2010

Walang Gana

may natanggap na mail...

nalungkot...

nawalan ng pag-asa sa isa pa...

nawalan na ng gana...


kailangan ng Appebon,
Emong

ECG results

Nagpatingin ako nung Wednesday last week ng puso ko kasi sumasakit ang hindot at nagpapalpitate ako ng bonggang bongga. Masakit. Shit.

Tapos sinabi sa akin na bumalik na lang daw ako ng friday para sa results. Galing no? Pano kung may butas na pala puso ko at mamamatay na ako sa friday, sa friday ko pa malalaman na mamamatay ako ng araw na yun kasi sa friday pa yung results.

E di bumalik ako ng friday. Kasama si kepyas. Inabot ang claim stub shit para makuha ang results. Umupo at naghintay. Tapos biglang balik ng stub sa akin na may numero na nakalagay at sabi sa akin na sa lunes na lang daw kasi walang titingin ng results ng ECG ko. Tawag daw muna ako bago ako pumunta. Nice.

Tumawag ako ng Lunes. Wala pa din.

Ngayon Tuesday, pumunta na lang ako ng walang tawag tawag. nakuha ang results. Ang sabi.

"Normal naman ang heart mo, mabagal nga lang"

Kelangan ba ako matakot?

Mabagal ang Puso,
Douglas

muni muni

nakakatuwa sa kadahilanang may dereksyon ang buhay ko ngayon.
sa kadahilanang maayos kausap ang team lead ko, so far...




mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Monday, March 29, 2010

------------------------------

Kanina natatawa....

Kanina natutuwa....

Ngayon naiinis...

Ngayon nanggagalaiti...

Nababaliw na ata ako...


Nasisisa,
Emong

"JUMANJI"

Biyernes. Alas singko ng hapon. Naglalakad pauwi sa walkway papuntang edsa. May nakasabay na sobrang sexy. Hindi malaman kung babae o lalake sa kadahilanang madami na ding nakapanlolokong bading ngayon. Kaya ninais kong iconfirm ito bago manghusga. Ngunit hindi sya maabutan dahil sa bilis nyang maglakad at tila nagmomodel sa runway ang drama ng lola mo dahil sa gitna pa talaga sya naglalakad at tinodo ang pagkafierce nya. Lahat ng nakakasalubong namin at nauunahan nya sa paglalakad ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kanya dahil na din siguro sa angkin nitong alindog. Pero ako'y napabulalas ng bigla syang lumingon at ako'y namangha. Ang tangi ko na lang nasambit ay "MAMA! TSUP! TSUP!" Dambuhalang joga ang muntik ng sumampal sa aking pagmumuka. Kaya naman pala nagsisipagtinginan sa kanya ang mga tao dahil tinatawag ang kanilang pansin ng mahiwagang bola. Mapa-babae o lalake ay hindi maiwasang magcomment sa nakikita. May mga nagbubulungan at natatawa. May edad na ang babae. Mga nasa 40 na sya. At halatang operada ang iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Pati na din ang kanyang ilong. Kawangis nya si Anita Linda (Douglas). Sobrang liit ng kanyang bewang kaya lalong lumulutang ang dalawang globo. At ang laki ng kanyang pwet at balakang. Nagpupumilit na maging barbie ang kanyang katawan ngunit hindi nagaya ang mukha. Ang highlight ng kaganapan na ito ay ng may nakasalubong kaming grupo ng bading at isang babaeng bakla. Hindi nya napigilan matawa at biglang nasambit, "JUMANJI!"

Proud sa ga-tigyawat na boobs,
Kepyas.

ano na nga ulit?

hay paulit ulit na lang. nakakapagod na.

ayoko na.
ayoko na.
ayoko na.

(repeat 10x then fade)


Ang Dating Kulot,
Pelomena.

Day 6

sana naman sa araw na ito, pumasok na ang
aking team lead kundi mukha na naman akong
tanga kaka-research ng mga bagay bagay na
di ko alam



mabuhok ngunit makatas,

rambutan


p.s. naghihintay pa rin ako sa reply nila regarding sa trip ko

Saturday, March 27, 2010

Ako ay Nagahasa...

... ang ID ko, nagahasa.

Dapat di ko na pinakita kay RAMBUTAN at kay KEPYAS kasi imbis na maawa sila sa akin ay pinagtawanan pa nila ako.

Ngunit... ako ay natatawa din, parang ibang tao ang nasa ID ko, nakakatakot.

Didikitan ko ng ibang 1x1 na picture, tapos papalaminate ko uli.

Ang nagahasa,
Douglas

Ang Buhay ay parang gulong ng isang sasakyan

nakakasagasa ka ng tae



yun lang



mabuhok ngunit makatas

rambutan

Friday, March 26, 2010

Taxi Drama No. 187 - Epilogue

Mula nung sumakay pa lang kame sa cab ng damuhong driver
eh kinuha na namin ang plate number at phone number ng operator.

Matapos ang kagilagilalas na mga pangyari, pagbaba namin ng cab
at habang nag-aattempt sumuot sa mga kanto ng san juan ang
tarantadong driver:

Diane: Tignan mo yung plate number
Ako: O? Anong meron?
Diane: Iba dun sa nakasulat sa loob.


At doon ko na naisip, na sana nga ay kinaladkad ko na
ang gago sa presinto. Tinawagan ko ang number na nakuha namin sa cab
at pinaalam sa kanila ang nangyari sa aming byahe.

Ako: Ah teka, so wala kayong taxi na PXI155?
TaxiOperator: Nako sir, wala po.
Ako: So sinasabi mo ba sakin na iba yung plate number
sa loob ng taxi nyo sa nakasulat sa labas?
TaxiOperator: ...
Ako: Sige, alam naman na natin pareho na may posibleng may
modus kayo, kaya sabihin mo jan sa gago mong driver kung me
plano syang rumesbak eh idadamay ko kayong lahat jan. Ayos?
TaxiOperator: Ayos po.


Kay ingat po sa taxi operator na ito:
Jonaanne Cab.
Ang plate number ng gagong driver na si Mr. Bonaohan ay
PXY156
Green na sedan, muka pang bago

Taxi Drama No. 187

Nung Lunes, tulad ng araw araw na ginagawa namin ng aking
commander-in-chief eh nag-taxi kame pauwi. At tulad ng karamihan
ng mga taxi sa Maynila, ito ang drama noong araw na yon:

Driver: San kyo?
Ako: Sa San Juan, bago lang mag Blumentrit.
Diane: Boss, pwedeng wag tyo dito sa gitna ng kalsada mag-usap,
nasa gitna ka kase sa kalsada sa Makati.


At sinakay naman nya kame. Pero sa kalandian ng manong
driver eh hindi namin maintindihan kung bakit sya nagte-text
at tumatawag pa gamit ang kanyang celphone habang nagmamaneho.

Diane: (bulong sakin)bawal magtext
habang namamaneho, diba?
Ako: Yep, bayaan mo na, traffic naman eh.


Paglagpas namin ng traffic, habang humaharurot kame sa tulay ng Makati-Mandaluyong:

Ako: Ser, hindi ba bawal mag telepono habang nagmamaneho?
Driver: Ah, oo, pag nahuli, pag nakita..
Ako: O, eh diba nakikita kita? Ano pang ginagawa mo?
Driver: ah, cge po..
Ako: (sabay tingin sa metro) At yang metro mo mabilis.
Araw araw akong nagtataxi pauwi at 60-80 pesos ang pamasahe,
kasama na traffic don. Wala pa tayo sa kalahati ng byahe 82.50 na yan?
Diane: (pabulong sakin) Ah shit, oo nga no..
Ako: Pag umabot ng 120 yan hindi kita babayaran.


At biglang ayos si gagong driver.

Ang normal na binababaan namin ay sa bahay mismo,
ngunit sa pagkakataong iyon, sa ibang lugar namin planong magpababa.

Pagdating sa bababaan:

Ako: (tingin sa metro, sabay abot ng saktong 100 pesos)
Sisingilin mo pa ba kame nyang sobrang 12 pesos
kahit alam nating pareho na dinudugas mo kame?
Driver: Kung mabigat sa loob nyo eh..
Ako: Eh gago ka pala eh, tinatarantado mo kame,
malamang mabigat sa loob ko.
Diane: (*!*&!*^!(!)%^%&^!$!
Ako: *sabay bagsak ng pinto*


At dahil hindi naman siya makapalag, nag-attempt na lang
syang mag-asar. Binaba na lang nya ang kanyang bintana:

Driver: Baka naman po mabasag yung bintana,
konting ingat naman po *kupal na ngiti*
Ako: Aalis ka na ba? O babasagin ko muna yang muka mo bago
kita kaladkarin dyan sa prisinto?


At nagulat na lang siya na prisinto nga ng pulis ang pagtawid ng
aming binabaan. Sabay liko at tago sa kung sang kanto.

Sir Douglas

wag na phow ikaw tampo. post naman me

kung excitement sa buhay ang hinahanap mo saken
sa palagay ko eto na un, ang mag post dito at
sumabay maglunch sayo.

technical side: punyemas! inaaral ko ang hibernate
ng walang spring! kasi need ko sya potek.



ang pinagkaitan ng ym, gmail, gtalk at facebook
mabuhok ngunit makatas

rambutan

Post

Matagal na din ako hindi nakakapagpost dito. Lalo na yung iba jan hindi na talaga nagpopost. Sa bagay. Mahirap magpost lalo na kung wala naman magandang nangyayari sayo. Lalo na yung kakwento kwento.

kahapon, may sakit ako. Nung isang araw, depressed ako. Ayan. Yan na ang summary ng buhay ko sa mga nakaraang araw. Ang saya.

Dakila ngunit hindi lumpo,
Douglas

Thursday, March 25, 2010

2nd Shift

T_T kasalukuyan ginawa po akong 2nd shift na ang oras ay 8:30-5:30 instead of 7:30-4:30. hindi ko na madalas makikita ang Araw sapagkat may malaking chance na umalis na sya paglabas ko ng building.


on the other side: learning EJB3 phow me eh.



ang pinagkaitan ng gmail, gtalk, facebook at ym
at ang mabuhok ngunit makatas

rambutan

Wednesday, March 24, 2010

Sa Bahay ni Kuya

Kumakailan lang ang nagbabadyang ma-evict ang ilan sa kasambahay ni Kuya.
Nakatatlong strikes na kasi ang mga kasambahay.

Bagama't iyon ay bahay ni Kuya, ang kanyang butihing maybahay, si Ate, ang namamahala nito. Alamin natin sa mga larawan ang kanyang mensahe.

Strike I
Isa ako sa may gustong laging nakasara ang pinto at ito'y alam ni Ate. Pero ba't nga kaya di magawang isara ito palagi ng mga kasambahay. Nababale-wala kasi ang mga screen sa bintana kaya gusto ko ring nakasara ito palagi. Sa ganitong paraan walang bumubulong-bulong na lamok sa tainga ng luhat tuwing matutulog na sa gabi.

Strike II
Kung may oras para kumain ay siguro naman may oras din para makapaghugas ng kinainan. Di na dapat hintayin ang mga ipis para linisan ang mga plato sa lababo. Nakapagsumbong 'ata ang mga ipis kay Ate kaya niya ito nalaman.

Strike III
Ay wala po akong alam diyan. Sa labas ako kumakain parati. Natuto ako sa amin kung paano maglinis at di na dapat sinasabihan ang mga tao sa bagay na ganyan.

Talagang lumalabas ang mga tunay na ugali
pag matagal na magkakasama na sa bahay ni Kuya. Haaaay....

Ating abangan ang susunod na kabanata....

- Ang Nagpaskil
P.S. Di ko alam kung anong mga font ang ginamit ng may-ari. Pero maayos naman ang pagkasulat ng mga titik. :)

TRIVIA:
Si Ate
ang asawa ng kuya ni S.
Si S yung umalis
matapos pagtulungan ni Z
at ng kanyang mga inakay
na Uruk-khai
sa lupain ng ____R.
Gets?

3rd day

@_@ confirmed no ym, gtalk, gmail



mabuhok ngunit makatas

rambutan

Tuesday, March 23, 2010

Ang Paglisan

Aalis na si Nanay sa Charity.

Sa pagkakaalam ko ay dalawa ang kadahilanan.
Una, siya ay nasampal. Sino ba namang hindi aalis kung ikaw ay biglaang masampal sa panahong di mo inaasahan.

Pangalawa, bagama't sa tingin ko ay kasama ito sa unang dahilan ay ilalagay ko na lang dito sa pangalawa.
Magsi-sixty na kasi siya. Sa madaling salita, siya magiging ganap nang senior __________.
Nais niya man o hindi ay kailangan na talaga niyang mag-sixty.

- Ang Nagpaskil

Hindot na Bus Driver, Hindot na Taxi Driver, Hindot

Kanina ako ay may "pinuntahan" para sa ikasasaya sana ng akin buhay ngunit hindi natuloy dahil sa kahindutan nila. Hay. Hindot. Yung ang pinakahindot ngayong araw. Ayaw ko muna ikwento kasi sobrang hindot. Pero uunahin ko muna yung mga naunang mga hindot ngayong araw.

Maaga aga ako umalis. tumambay sa madalas kong tambayan para maghintay ng taxi. Pumara sa taxi. Pagkasakay, sabi ko "Buendia, MRT". Makalipas ang malamang na isang kilometro at pagkatapos mabungaran ng kahindot hindot na dami ng sasakyan, sabi ng hindot na taxi driver "LRT Buendia kayo diba sir?", sagot ko "M-R-T". Pinababa ako ng hindot na taxi driver kasi akala nya "L-R-T". Ang masasabi ko lang ay hindot sya. Hinihindot nya ang tambutso ng hindot nyang taxi. Hindot sya. Hindot.

Nasa Buendia na ako. Ayaw ko na magtaxi. Nagbus ako. Sobrang puno. Siksikan parang sardinas na walang sabaw. Pinipilit kami isiksik sa gitna kahit na hindi na kami kasya. Pano ba naman. Ang hindot na bus driver ay nagpapapasok pa din ng pasahero. Punung puno na ang bus. Nung magbabayad na ako. Sabi ko "pababa na ako". Sabi ng driver "Dyan lang dyan lang, pag dyan na lang bumaba na kayo kagad, lakarin nyo na lang!". Sagot ko "kaya nga ako sumakaya para makarating dun sa pupuntahan ko tapos paglalakarin mo ako? tsaka di pa ako nagbabayad, ano pababain mo na ako? Gago ka pala e!". Sabay baba. Takbo. Baka sagasaan ako. Ang putanginang hindot na bus driver. Bastos! Mukhang high! MERSAN BUS Plate Number PYJ-815! Wag kayo sasakay dyan kung ayaw nyo mahindot ang araw nyo.

Yun lang.

Ang sira na ang araw,
Douglas

Pagbabago sa Katauhan

nais ko po lamang ipaalam sa mga ka-blog ko na 6:45AM take note AM ay nasa office na po ako. pero pakiramdam ko ay kulang pa rin ang oras ng aking preparasyon sa pagpasok sapagkat nagawa kong sumakay ng "cab" shushalan us here eh.

neway, magandang umaga!

ipagdasal na lang natin na kayang kong hugutin mamaya lahat ng lakas na makalabas ng 4:00 or 4:30 pm

hanggang sa muli


ang walang gmail, gtalk at yahoo messenger,
pero higit sa lahat
mabuhok ngunit makatas

rambutan

Monday, March 22, 2010

Kinakain na ako ng konsensya ko

Ang hirap talaga magtago ng isang bagay lalo na kapag camera ito. Ilang beses ng muntikan madulas si mama at mga kapatid ko sa pinakamatanda namin na kapatid. At parang na kokonsensya na rin ako. Kanina gusto ko sana hiramin yung bago nya na hat kaso naisip ko wag na lang. Feeling ko ang sama ko kapag pinahiram nya ako kasi ako hindi ko siya pinapahiram ng camera ko. Gaano kaya toh tatagal? Gusto ko na talagang sabihin pero yung image sa utak ko na sira yung camera ko ang nagpipigil sa akin. Ano sa tingin nyo? Itigil ko na ba ang kasinungalingan na ito?

"BASURA ANG ULAM KO KAGABI.."

5:45 umalis ako kaninang umaga para pumasok.dahil sa lunes nga, mahirap sumakay.traffic.walang choice kundi magordinary.walang panahon para mag-inar.kaya parang konduktor na sumabit sa bakal.nagmamadaling makasakay para may maupuan.nakaupo nga.pero nagtatampo ang kabilang pisngi ng pwet ko.nagrereklamo."bakit ako hindi pwede makaupo?"kung sinuswerte ka nga naman.may bumabang babae sa katapat kong dalawahang upuan.akala ko lang pala na swerte na ako at makakaidlip man lang.pero bakit ganun ang kapalaran?pilit kong tinatanong kung bakit sa dinami-dami ng mamalasin ng lunes na lunes ng umaga, ako pa!nakatsamba ko ng bagong uwing construction worker.maasim-asim pa at bilasa(isda?)kahit pinipilit kong intindihin na sya ay pagod at wala ng panahon para maligo,hindi 'yun ang binubulong ng nagmumura kong bagong laba at plantsang uniform.tiniis ko ang lahat.ginulo ang utak sa pilit na panonood ng pelikula ni eddie garcia na pinalalabas sa bus.panandaliang naimmune ang malaki kong ilong sa sinampalukang kili-kili ni manong.pero hindi pa doon nagtatapos ang paghahasik nya ng lagim.hindi pa sya nakuntento at habang naghihilik ay nagpakawala sya ng amoy ng coastal sa kanyang bunganga.PUTANGINA!ngayon bumubilib ako sa manong dahil kahit natutulog sya ay MALAKAS pa din ang kanyang kapangyarihan.gusto ko sana syang gisingin upang itanong kung basura ba ang ulam nya kagabi.ngunit pinili kong manahimik na lang at baka isumpa nya ko at isalin sa akin ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng halik(blek!)

hindi tao,hindi hayop,basta cute,
KEPYAS

first day

sa araw na ito, ako ay hindi na po kasama sa malaking porsyento ng unemployed citizens ng bansang Pilipinas.

dalawang araw po akong naging professional bummer. masaya ngunit alam mong wala kang pera, kaya eto papasok na ako sa bagong kumpanya na aking in-apply-yan o ni-apply-yan (para cute).

magkahalong kaba at tuwa ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. kaba: sapagkat di ko alam malalaman ko pa lang ang expectations nila pagdating ko sa lunggang iyon. tuwa: sa kadahilanang nagawa kong lumayas sa mga galamay ni agent 001 at sa kanyang pekengkeng queen.

naway ma-stroke sana ang dalawang ito ngayon


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Sunday, March 21, 2010

Nainggit

Nitong nakalipas na Disyembre, nainggit ako sa ka-opisina kong bumili ng malapad na pang-display para sa computer. Kanina lang, sa wakas, pagkalipas ng tatlong buwan, nakabili na rin ako ng kahalintulad na pang-display. Na mas mura ng kaunti.

Ang daming espasyong walang laman pag tumitingin ako ng pahina sa facebook. o kaya ng blog na ito.

Girl Power

Fact 544: Girls have unique powers they get wet without water, bleed without an injury and make boneless things get hard.

Nabasa ko to sa facebook. Isa sa mga status ng aking friends. Gusto ko lang i-share. =)

Saturday, March 20, 2010

Ipagpatawad niyo

humihingi po ako ng paumanhin sa aking mga kasama sa blog na ito, sa kadahilanang hindi ako nakapagpaskil ng kahit isang artikulo.

neway phow, since last thursday phow qxe wla na ako trabaho at wla na phow me laptop eh. kaya di phow agad me nakacheck sa blogZ <-- o ha parang agneZ lang ang dating

dalawang araw po akong walang trabaho pero masaya naman dahil nakapagpahinga ako at nakalayas na rin sa walang kwentang kumpanyang iyon.

kaya para kay agent 001: it's not my loss :P


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

may nag-text...

nasa opisina pa kasi ako ngayon. dito ako natulog kasi may "bonding night" ang PMBA team kagabi at natapos ito ng umaga, as in available na yung breakfast sa mcdo ng ganung oras. kaso kailangan ko gumising nang mga 9AM dahil mag-aayos ako ng gamit (read: KALAT) na dapat ko nang iuwi. nalalapit na kasi ang aking pag-alis kaya kailangan maghanda. sinuportahan naman ito ng tatay ko at sabi susunduin niya raw ako. natuwa ako rito.

pagkagising ko, dali dali akong nag-ayos ng gamit. akala ko kasi marami. hindi pala. kaya natapos na ako agad. kaso nung pagtawag ko sa tatay ko, sabi niya eh nasa ortigas siya at kailangan magpa-advertise sa isang dyaryo. sabi ko OK hihintayin ko na lamang ang text niya.

in fairness, marunong ang tatay ko magbigay ng updates.

10:17AM
DADDY: Hi. Medyo madami. Relax ka muna. Txt u b4 i go there.

(sa loob looob ko...wow, alam ni daddy yung b4=before. bongga)

10:54AM
DADDY: Hi. Stil here a manila bulletin. Txt u when done. Rgds.


dito ako natawa. Rgds raw. wow....regards pala daddy ah. parang business letter lang.

ayun lang naman. parating na raw siya at kailangan ko na mag-toothbrush.

magandang sabado!



Ang Dating Kulot at may hangover,
Pelomena

Friday, March 19, 2010

Di Na Nahiya

Ang aga-aga pa
May namba-bad trip na.
Di pa ako nakaligo nun ah.
Wala na rin akong magawa kundi tumawa kanina.

Wala siyang karapatan.
Di siya nagpaalam.
At kahit siya'y magpaalam man.
Ba't ko naman siya papayagan?

Di naman sa madamot ako.
Di ko rin naman dapat pinoproblema libag ng taong 'to.
Isa siyang Baluga!
Di na siya nahiya.


Kung ba't kasi may mga taong nakikigamit ng panghilod ng iba.
Di ko pa naman ginamit, ang scrubber ay bula-bula na.
Sa apartment di lang pala siya nakikitulog, nakikihilod din pala.
Ba't di siya magpabili sa kuya niya.

Nakakainis lang talaga.

- Ang Nagpaskil

Thursday, March 18, 2010

Ang mahiwagang bilog sa nguso ng kahihiyan..

STARRING: Ako as Akoh
Siopao as Muning
Boss Chit as matandang hukluban

Ang pagsisimula:12:00 ng tanghali
Kasalukuyang kumakain at namamahinga ang lahat mula sa "PAGTATRABAHO" (ahem). Nang maisipin kong siopao na lang ang aking tirahin dahil sa pagpupumilit na magdiet. Ngunit sa kasamaang palad, dito pa pala maguumpisa ang hindi makakalimutang karanasan. Nang ako'y makabili na ng siopao sa 7 eleven, akin itong inumpisahang lantakan pagdating na pagdating sa opisina. Sa aking "kapatay-gutuman", hindi ko na napansin ang kapirasong papel na naiwan sa puwetan ng lintik na siopao. Hugis bilog ito at puti (syempre). Mabuti na lang at may pakialamerong matanda na pumunta sa aking pwesto at sya lang (sana) ang nakakita nito. Dahil gusto muna nya kong asarin bago nya sabihin ang nakita, humirit sya ng "may salamin ka?gusto mo pahiramin kita?" Napaisip na ko sa sinabi nyang ito at malamang may something sa mukha ko. Pero nagmatigas ako at sinabi kong, "busy ako eh. mamaya na lang." Naglakad pa ko patungo sa fax machine at sinabi na lang ng matandang hukluban na, "sige. Bahala ka." At pag-alis nya ay dali-dali akong kumuha ng salamin. At dun ko na nga natagpuan ang bagay na magmumulat sa aking kamalayan na ako pala ay marungis.

Mas mabuhok, mas makatas,
KEPYAS.

Super Dry = Love

Hindi ako santo na balde balde ang pasensya.

Ang nakapagpatawa lang sakin ng solid eh nang marealize
kong pwedeng gamiting cold compress ang malamig na lata ng beer.

At kinailangan ko ng cold compress dahil nakasuntok ako
ng konkretong pader dahil wala akong balde baldeng pasensya.

Hindi Masaya

Naiinis na ako sa saril ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa yung gma ginagawa ko. Ayaw ko naman gawin yun. Putangina. Ang hirap ng walang pera. Kung mayaman lang sana ako e di nagagawa ko yung mga gusto ko gawin, pero wala e, so go figure.

Araw araw gumisigising ako galit. Natutulog din ako na galit. Buong araw galit ako. Galit ako sa mga tao sa paligid ko. Galit ako sa bahay. Galit ako sa ginagawa ko. Galit ako sa internet. Galit ako sa metrobank. Galit ako sa Robinsons Manila. Galit ako sa PC ko. Galit. Galit ako. Iisa lang ang talagang nagpapasaya sa akin pero hindi ko naman siya kasama palagi. Kaya pagkatapos nun galit pa din ako.

Galit ako ngayon na pinost ko to. Galit ako kasi bukas absent ako e ayaw ko naman umabsent. Galit ako kasi mainit. Galit ako kasi masyadong maliwanag. Galit ako kasi araw araw, pare parehas lang ginagawa ko. Pagnamatay ako bukas, tapos hahayaan ako na tingnan yung mga nagawa ko sa buhay ko, wala akong accomplishment. Sayang lang na nagawa ako.

Sana mapagbigyan naman ako.

Shit.

Galit,
Douglas.

Wednesday, March 17, 2010

Alter Ego

Sa aking mapagpanggap na buhay sa ibang kumpanya, ako ay isang superhero. Katulad ni Peter Parker a.k.a. Spider-Man, nagbabago ako ng personalidad kapag ako ay nagiging superhero.

Una. Ang normal na Douglas ay mapanglait, mapangasar at mahilig mambara. Ang superhero na Douglas ay aksidente lamang na nakakapanlait, siya pa ang inaasar at hindi na nambabara.

Pangalawa. Ang normal na Douglas kapag tinalo, nangaaway. Ang superhero na Douglas, kapag tinalo, ngumingiti na lamang.

Pangatlo. Ang normal na Douglas, maingay. Ang superhero na Douglas, tahimik.

Pangapat. Ang normal na Douglas, nakikipagunahan pumasok. Ang superhero na Douglas, hindi na nakikipagkumpitensya. Panalo na kagad.

Panghuli. Ang normal na Douglas, pagkauuwi ng maaga, keber! Ang superher na Douglas, pagkauuwi ng maaga, nahihiya, kasi siya pa lang yung uuwi.

I do not live for IT,
Douglas.

retrenchment

di ko lubos maisip na magiging uso ito ngayon 2010 sa kumpanyang ito sa kasalukuyan balak na naman atang magtanggal ng bobong CEO na ito ng mga tao.

sapagkat ito lamang ang alam niyang gawin, bukod sa maghithit ng pekengkeng ng kanyang manager at magpalaki ng itlog



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Shuttle!!

Ang gandang panimula ng araw ang aking dinanas sa lecheng driver ng nasakyan kong shuttle. Ang driver na ito ay sobrang galing magmaneho. Sa sobra niyang galing, kada pepreno siya, lahat kaluluwa ng kahabaghabag niyang mga pasahero eh napupunta na sa windshield ng sasakyan. Galing di ba?!

Well, hindi pa yun yung masama. Ang masama nun may dala akong food (yum!) at sa kasamaang palad medyo tumapon yun isa sa kanila, well yung oil lang naman. Kahit na, medyo nangamoy siya sa shuttle. At ang magaling na driver ay nagalit at pinagpunas ako ng sahig ng maganda niyang sasakyan. Leche!

Hindi na nga masyadong maganda ang tapos ng araw ko kahapon tas ganito pa sasalubong sa kin. Hay......


Naleche,
Emong

Tuesday, March 16, 2010

Panoorin Nyo Sya Please

http://www.youtube.com/watch?v=b7OzXO2mnrM

Brrrrr

Ang lamig dito sa opisina ng kliyente.
Ngatatayuan na ang balahibo ko at naninigas ang aking mga daliri.
Wala akong dalang jacket... Boo!
Sabi ko kay Pelomena kung pupunta sya dito ay magdala sya ng pangontra sa lamig.
Gusto nyang dalhin yung kumot ko na nasa opisina... gusto ko din yun...
ngunit may punto syang nakakahiyang yun.

Hahaha

Ang hindi makapagisip dahil sa lamig,
Bow.

OJ

Nakatikim na ba kayo ng sobrang tapang na OJ from McDo?!?!?!
Hindi siya masarap.

-Budang

Common CR

Ang hirap na ang CR nyo sa floor ng opisina nyo ay iisa lamang. Napatunayan ko yan kahapon. Taeng tae na ako. Hindi ako makatae kasi nahihiya ako na baka mangamoy. Hindi tulad duon sa dati kong opisina na pwede ako tumae sa CR at magsisindi lang ako ng posporo pagkatapos.

Kakaiba ang pakiramdam sa common CR. Ganun din kasi ang CR sa mga sinehan, mall, restaurant atbp. Ibig sabihin, habang tumatae ka, pwedeng may ibang taong pumasok. E pano kung magingay ang pwet mo at gumaralgal at magpuputok putok at magsputter sputter pa? Nakakahiya.

Ang muntikan ng matae,
Douglas

Monday, March 15, 2010

may pores pala ako.

lagi na lamang ako inaasar ng mga tao na hindi raw ako pinagpapawisan. hindi po ito totoo. pinagpapawisan ako pero hindi lang sing dalas ng nakararami. pero dahil sa inet ng panahon ngayon, naranasan ko ang pawis na nararanasan ng iba.

ako ay hindi pumasok kanina dahil maglalakad sana ako ng mga kailangang papeles para sa bagong kompanya. nakalatag na ang mga gagawin ko nung gabi pa lang. at kung susunod ako sa schedule na ginawa ko para sa sarili ko, tapos na ako bago pa mag tanghalian. sa isip ko...ayos to, makakapaglaro ako ng sims buong araw (nerd!).

ang paggising ng maaga = FAIL.

nagkanda leche leche ang aking schedule. sa madaling salita, lagare ang biyahe ko. megamall-bahay-munisipyo-megamall-bahay. pootangina.

pero ang pinaka nakakainis sa lahat ay ang karanasan sa munisipyo dahil pinamukha na naman saken na ang mandatory na pagbawas sa sweldo ko gawa nang withholding tax ay sa walang katuturan lamang napupunta. ang BAGAL ng mga tao. chismisan ng chismisan. kamot ulo. kamot tiyan. at nagbebenta rin sila ng ballpen, naka-post sa window "BALLPEN. 10PESOS". wow lang ha.

kaya dumerecho na lamang ako sa megamall para sa nbi clearance renewal. madali lamang. eto ang paraan.

REQUIREMENTS:
1. kopya ng lumang nbi clearance (personal copy or yung original). kapag wala ka pa nito, dumerecho ka sa carriedo. at good luck na lamang sayo. hahaha.

STEP 1:
magbayad ng halagang Php115.00. pero bago ka makabayad, kailangan mo pumila. ang pila na ito ay umaabot mula lower ground floor ng megamall hanggang 5th floor (walang biro). kaya maghanda ka. magdala ng psp. mag-load ng cell phone. habang nakapila ka, may staff ng nbi na magdidikit ng bar code (high tech) sa luma mong nbi clearance. pagkabayad, bibigyan ka ng resibo. wag wawalain.

STEP 2:
magpa-picture. dun na rin yun mismo sa office na yun. sa likod lang nung pinilahan mo ng bayad. may pila rin rito. kukunin sayo ng magpi-picture ang lumang nbi clearance at babarilin ang bar code (parang supermarket lang) tapos sasabihan kang umupo para sa litrato. tip: HINDI sasabihin sa iyo ng nagpi-picture na kinukuhanan ka na nya. ramdam ko sinasadya nila ito para magmukha kang tanga sa nbi clearance picture mo (madalas naman ata ito sa lahat ng government id). bigla na lamang nya sasabihin "tapos na" ng wala kang kamalay malay. ang magandang gawin ay hintayin umilaw ang webcam. ito ang senyales na pwde ka nang ngumiti o kahit man lang tumingin na sa camera. wag magpapa-power trip.

STEP 3:
pumila ulit sa releasing. mabilis lang ang printing nila kaya pag nasa harap ka na ng pila, nakapila na rin ang bagong nbi clearance mo. ibigay ang resibo at mag thumb print. may option kang magbigay ng 3pesos para sa pamunas (kalahati lang ata ito ng isang wet wipe) at 5pesos para sa folder. nakapaskel pa ito sa harap ng releasing na may nakalagay pa na "KUNG GUSTO NIYO LANG PO." in fairness, may choice ka. kasi kung sa munisipyo ka nagpa-renew, sa malamang hiningan ka na lang ng pera para sa pamunas at folder nang hindi mo nalalaman na pwede namang hindi bumili.

ayun lamang.


Ang Dating Kulot,
Pelomena.

Unang Letra

Ang

salitang

"pulitika"

ay

nagsisimula

sa

letrang

Z

Bow....


- Ang Nagpaskil

Ang Kinsbikan

Tugon sa paskil na nasasabik

Di dumating ang inaabangan kong Huwebes.
Di ko man gugustuhin ay di mapipigilang dumating ang Sabado.


Hindi bale.
Maarte lang ang di matutuwa sa nangyari nung Sabado.
Mabuti na lang at naroon ang aking telepono.

Ngayong Lunes nangyari ang dapat na sa Huwebes.
Nagalak pa rin naman ako ng lubos.

- Ang Nagpaskil

killer confidence

Bad manners daw kaya di ko na tinuloy.
Pero eto sya : yummie b.


ang napilitan magpost,
marydaisy

3 days

meron na lang akong 3 araw para magtrabaho sa kumpanyang ito
pagkatapos nun babush!

wala na ako pakialam kay agent 001 :D

hindi namin kasalanan ang kinahinatnan ng kumpanyang ito sa kabobohan mo,
mag self retro ka na lang din araw araw



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Mint with Chocolate


Mint with Chocolate = Dynamite Choco Blast
At least alam ko na kung anong lasa nya.

ang napilitang magpost,
marydaisy

Bente Kwatro Oras


Nung isang beses ay may nagtanong sa akin kung bakit ako maaga pumapasok. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit naitanong sa akin yun. Gusto ko itanong pabalik "bakit late ka pumasok?". At dahil nga "Miguel" ako, ay hindi ako sumagot ng the usual na sagot ko at ngumiti na lamang ako. Ang galing.

Obyus na meron tayong bente kwatro oras araw araw. Mukhang mahaba pero ako ay naiiksian. Minsan ay kinekwestyon ko pa ang dahilan kung bakit ako dapat matulog, e ang dami ko pa dapat ginagawa! Pero tanga ka naman pag hindi ka matulog.

Ibreakdown natin ang 24 hours.

8 - Tulog, pahinga, idlip. Maaring maging 10 hours. Depende sa mood. Pero yan daw ang minimum. Pero hindi ako nakaktulog ng ganyang kahaba. Pero 8 na lang.
8 - Trabaho. Dahil Napilitan.
2 - Exercise. Kasama jogging at weights.
----------------------
Para sa grand total na: 18 HOURS! - Ayan ang dapat kong i-allot na oras araw araw. Ibig sabihin meron na lang akong 6 hours para gawin pa ang kung anu ano pang bagay.

So meron pang
5 - Internet, movie, gala, edit, computer, landian. Halo halo yan at di yan ginagawa lahat sa isang araw. pero may mga pagkakataon na nangyayari yun.
1 - Kung anu ano pang maliliit na bagay: lakad pauwi, lunch break, kain, dinner, ligo atbp.


Assuming na ako ay late palagi. So papasok ako ng 12pm. Work hanggang 9pm. Tapos ano pa ang gagawin mo sa gabi? Sarado na ang mall. Hindi naman ako gumigimik sa mga bar at diskuhan. So uuwi. Movie, internet at kung anu ano pang bagay hanggang 2am. Tulog hanggang 10am. Tapos may 2 oras ka na lang na spare.

Sige i-usog natin ng 10am. Work hanggang 7pm. Kung anu anong bagay hanggang 10pm Matutulog ng 12. Gigising ng 8am. Tapos handa na kasi magwork ka na uli ng 10am.

Pagganyan ako gigising araw araw, andaming oras ang nasasayang. Una. Walang masyadong nagagawa sa gabi, unless gimikero ka at nageenjoy ka sa night life. Pangalawa. Dahil ako nga ay mapagpanggap na movie director, walang natural light paggabi, bukod sa buwan at stars. At dahil cheap ang aking camera hindi umaaninag yun sa camera ko. Pangatlo at pinakahuli, hindi ka gumigising araw araw para lamang magtrabaho. Ayaw ko ang pakiramdam na "I live to work". Kagaguhan yun. Maganda yung nagtatrabaho ka para matustusan ang mga bagay na magpapasaya sayo. Sobrang laking bonus na lamang kung gusto mo ang trabaho mo. Which is not always the case.

Kaya sa susunod. Walang magtatanong kung bakit maaga ako pumapasok. Kahit na mainit pagmaaraw, masaya ako ng umuuwi ako at nakikita ko pa ang araw. Nagagamit ko pa sya sa shooting. Hindi nasasayang ang araw ko. Yun lang.

I do not live to work,
Douglas

Happy Birthday Daw

The usual, agahan sa Jollibee Insular kasama ang aking butihing boylet. Tuwing Lunes ay nanlilibre sya ng agahan, para makakuha ng libreng dyaryo. Mas gusto man nya ang Daily Inquirer kaysa Philippine Star ay sa Jollibee pa din kame nag-aagahan. Kase naman maraming options, at masarap talaga ang kanilang longganisa.

Anyway, habang nagtitingin-tingin sa Entertainment section ay nakita ko si Gerald Anderson. Happy Birthday Daw sabi ni Gold's Gym.



Hindi ko alam kung may bayad ba ito o wala. Pero sana naman may bayad sya para naman hindi sya mukang ginamit. O endorser ba sya talaga ng Gold's Gym. Hindi ko alam. Tatanungin ko na lang si Budang. Kung may bayad man ito, bongga sya. Binati na sya, may bayad pa sya. Sana artista din ako.


ang napilitan magpost,
marydaisy

Sunday, March 14, 2010

PMS

Hindi ako masaya kaya nagtakaw ako.
Wala naman nangyaring kahit ano, parang meron lang kulang.

Tinatamad akong magmuni-muni kaya
uubusin ko na lang tong Super Dry.

Putang ina napaka-pangit ng Max Payne(movie).

Bow.

Tinatamad

Ngayong araw na ito ay marami ang nakalista sa dapat kong gawin.
Gumising ako ng alas otso sa pagaakalang may darating na tao.
Ngunit alas onse na ay wala pa rin.
Tinamad na ako gawin ang iba pang gawain dahil sa paghihintay.
Gusto kong humiga na lamang...
Ngunit hindi din naman ako mapakali dahil iniisip ko ang mga dapat kong gawin...

Wahahahahaha tae. Tamad lang talaga.


Bow.

Friday, March 12, 2010

TEST

putanginamo test. pinasaya mo araw. putangina mo. talaga.

hay. Weekend. masaya sana ang weekend.

Douglas

Rent

I should tell you, Ca*en is a disaster

I should tell you, I should tell you


mabuhok ngunit makatas,

rambutan



hindi na tigang...

ang lupa...hahahaa! umulan na rin sa wakas!

gusto ko lang ipamahagi ang ka-engotan na naranasan ko kanina sa bus. hindi ko alam kung ano ang naging problema, kung mabaho ba yung pabango ko o talagang medyo may sayad yung konduktor pero parang iniiwasan nya ako. ayaw kunin yung bayad namin. at nung minsan tumigil sya sa may upuan namin kinuha yung bayad pero binalik ulit at sabi hawakan ko raw muna. ang laaaboooooo talaga. dalawang beses ito nangyari, kukunin ang bayad tapos ibabalik ulit. ilang beses rin kami nilaktawan at kinukuha ang bayad ng ibang tao. ramdam ko tuloy eh nasa isang restaurant ako at ayaw pansinin ng waiter. pwede ko ba i-label si manong konduktor na poor customer service? hahahahaha!!! pero kinuha rin niya yung bayad namin nung palapit na kami bumaba. pero di niya kami binigyan ng ticket. ni hindi rin kami masyado nilingon. parang kinuha lang yung bayad sabay alis. booo!!!

hindi naman sa nagrereklamo ako kung libre ang sakay. pero iba talaga ang dating. tsaka hindi naman talaga libre kasi kinuha naman yung bayad. wala nga lang ticket. tapos ang layo pa sa sm makati binaba na kami. hay mga leche talaga.


Natutuwa sa Dilig ni Mother Nature,
Pelomena.


Panaginip

Ano ba yan?!

Minsan na nga lang managinip bat ganun pa?!

Buwisit lang talaga....

Pero at least masarap at mahaba-haba naman ang tulog ko...


Nais managinip,
Emong

Thursday, March 11, 2010

Wala

Wala si Kuya bukas.
Huling liban nya'y matagal na nung nakalipas.

Eto lang ang masasabi ko,
"Maghahanap 'ata siya ng trabaho."

LOL :D

- Ang Nagpaskil

sugar high.

argh! na overdose ata ako sa asukal.


anyway.


gusto ko lang i-promote ang blog ko. sana magustuhan nyo.


yun lang muna. masakit pa ulo ko eh.


Ang Dating Kulot,
Pelomena

Shit

Shit

Grabe.

Shit.

Quote for the Day

Para sa inyo:
"Masochism is when you render your services to a company you no longer believe in"

translation:
"Masokista ka kasi nagtatrabaho ka..."

yan yata ang translation.

I do not live for IT,
Douglas

giyera

putang ina! kailangan ko ng tulong para bitbitin ang lahat ng ito patungo sa kliyente. charmander patay kang butiki ka





mabuhok ngunit makatas,

rambutan

pagbalik sa estados unidos

ang aking ina ay umalis na patungong Seattle sa araw na ito.
walang bahid ng kalungkutan ang aking nararamdaman
sapagkat alam ko na magkikita ulit kami ng mas madalas
simula ngayong taon na ito


kaya para sa aking ina hanggang sa muli :D


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Wednesday, March 10, 2010

Nasasabik



Malapit na malapit na...
Ba't ko nga ba inaabangan ang parating na Huwebes at Sabado sa linggong ito?

Kung tutuusin, kung di naman dahil sa Huwebes ay di rin naman ako masasabik sa Sabado.

Abangan...

- Ang nagpaskil

mang-away

sa madla, ipagpatawad po ninyo at may inaway na naman akong department sa kumpanyang ito. sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa sa kabobohan at katamaran nila

P.S.
di po ako sobrang matalino, bobo lang sila :D


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

TO WHOM IT MAY CONCERN

Kung sino man ang naglunch kanina na hindi sumama kasi daw may baon.

MAY ATRASO KA SA AKIN - BY MGMT

raichu



Tama na ang charmander. Nakakasawa na...


ang napilitan magpost,
marydaisy

Ang Aking Mga Mata


Ang Aking Mga Mata
ni Douglas

Ang Aking Mga Mata *bow*
.
.
.

Ang aking mga mata (uli)
ay tila nasira na.
Dahil sa takot sa liwanag
tila ako ay nabubulag.

O ilaw na marahas
Ikaw please ay lumayas.
O mahal kong kadiliman
kwartong ito, iyong takpan.

Ang aking mga mata
kung anu ano na ang nakikita
hindi ba pwede na
ang bintana ay isara muna.

Ang aking mga mata
ay papikit pikit na
O ilaw, hindot ka
baka pwedeng patayin muna kita

Hindi naman sa galit ako
pero pag ako ay nagtatrabaho
kadiliman ay nais ko
hay, tanginang liwanag ito.

Ang aking mga mata
ang isa ay kirat pa
kung sila ay nakapagsasalita
sasabihin nila: putangina!

Ang aking mga mata *bow*


Bulag at kirat,
Douglas

nawawala

ipagpaumanhin ang aking napakatagal na pagkawala...

ano na nangyayari? anong meron kay charmander? kung maaari po sana, ako ay inyong balitaan...

maraming salamat...^_^


ang palaging naliligaw na nilalang,
sayuri

Tuesday, March 9, 2010

woo!

hay charmander...kelan ka ba tatahimik? siguro hindi nya naiintindihan na iisa lang naman ang gusto natin mangyari...ang matapos ang kabaliwang ito.


tsk.




Ang Dating Kulot at Ngayon Amoy Araw,
Pelomena

"What?! Your Charmander is evolving....."

Sa pagitan ng alas-diyes at alas-onse ng umaga, ika-9 ng Marso, kamuntik na pong mag-evolve ang isang Charmander.

Naiulat na ang dami niyang binugang apoy noong mga oras ding yun. May mga saksi na nagsasabing ang hirap daw iwasan ang mga pagbuga niya ng apoy. May nagsabi ring hindi lang Flamethrower ang nagawa niya kundi Dragon Rage na. Lahat na ginawa nila, ngunit naapektuhan pa rin sila. Salamat na lang kay Professor Oak at kumalma kahit papaano ang nasabing Charmander.

Kaya, mag-ingat sa nagwawalang Charmander na kamuntik ng mag-evolve.

Nag-uulat,
Emong

Recent Photo

Mas recent na kuha.

Masakit na sa mata, masakit pa sa tenga.

migration


pigilan nyo ako at papatayin ko na to



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Ako Ay Introvert

walang kokontra!!!!!

WALANG KOKONTRA - BY MGMT

Hindi Anti Social

Sabi ko nung bago lumipat ay gagayahin ko ang aking dating katrabaho na sobrang tahimik at umaapaw ang katalinuhan sa katahimikan. Ang gagayahin ko lang ay yung katahimikan part. So far so good. OK din pala kasi ang kausap ko lang ay ang cellphone ko at ang PC ko.

Problema. Eto ang problema...

Sasakay na ako ng taxi kasama ang aking asawa, ngunit sabi nung mga kasama ko dun na ako sa taxi nila sumakay, pano yan nakapangako na ako sa aking asawa? Sana sinabi nung mga kasama ko na sasakay sila ng taxi nuon pa.

Hindi sa hindi ko gusto sumakay sa taxi nila, ang tawag lang dun siguro ay pagtupad sa usapan. Tsaka hello? Asawa ko yun, di ko yun pagpapalit.

Ang nagiinit pa din at hindi pa din nalilibugan
Douglas

Monday, March 8, 2010

Natakot

Eto na po. Ayokong may lumabas na hamster pag umupo ako sa toilet bowl. D:

Si Zorro at BABAluga: A Tale of Two Sisters

Nuong unang panahon, matiwasay sa baryo "Pulang Lupa". Tahimik at masayang naninirahan ang mga tao doon, lahat magkakaibigan. Pinamumunuan ang baryo ng isang matikas na ginoo na ang pangalan ay Karimadon Lenggua. Maliit lang na baryo ang "Pulang Lupa" ngunut ito ay unti unting lumalaki dahil maraming tao ang gustong manirahan dito.

Isang araw, may dalawa sa baryo ay may ginawang karumaldumal. Sa sobrang karumaldumal ay hindi ko na sasabihin kung ano. Dumating si Zorro. Tinulungan ang baryo. Naging OK naman ang lahat. Makalipas ang ilang mga linggo ay dumating na din si Babaluga. Hindi nila alam na magkapatid sila sa tadhana, hindi man sila magkamukha ay magkaparehas ang ugali nila dahil sila ay kambal sa kumag.

Inakala ng lahat na sila ay may mabuting kalooban. ngunit panlabas lamang iyon. Unti unting naghasik ng lagim ang kambaluga. nabrainwash nila ang pinuno, hanggang sa naging trio sila ng kabalbalan.

Naghari ang kadiliman. lahat ng sumuway ay hinihiwa ni Zorro ang leeg gamit si Babaluga. May angking kapangyarihan ang kambaluga. Si Zorro ay may kapangyarihang umiyak ng bongga ahanggang sa makagawa sya ng baha ng luha. Si Babaluga ay mala palakol ang panga at mala Excalibur ang baba. Pagnagsama sila ay daig pa ang pinaghalong lakas ni Zenki at Badzula.

Dahil sa lagim na kumakalat. Nagsilisanan ang mga tao.

Ano pa kaya ang mangyayari? Abangan...

Sino?! Sino?!

Sino na magdodrawing tuwing Sprint Retro??? :(

Nagtatanong,
Emong

HOY BOW

?tangina neng naghahanap ka ng katulong?

Ang nagiinit pero hindi nalilibugan,
Douglas

Summer Heat

Anak ng TUCHA. ANAK NG TUCHA!!! ANAK NG TUCHA ANG INIT!!!

22nd floor. Walang Aircon. Sira. Woo!

For the win!

At dahil dito pakiramdam ko ay mananalo nga si Sandra Bullock

Ang naiinitan,
Douglas

may isa ng lumisan sa bahay ni Q'ya

si Q'ya talaga di nag take care sa other housemate namin,
like Q'ya is so pabaya ayun tuloy nag gone with the wind na
si friendly friend namin.

me so happy naman at lumarga na sya noh, xe magiging happy
na sya dun


harharhar Q'ya its your loss po kya


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Sino na? Sino?!

Sino na ang magd-download ng series????


huhuhuhuh.....



Ang Dating Kulot,
Pelomena.

Sino na? Sino?!

Sino na ang magpapatugtog?!

ang napilitan magpost,
marydaisy

Paalala sa Hindi Nagbablog

Liliit ang butas ng mga pwet nyo na tatae kayo ng parang hamster.

Tutubuan kayo ng suso sa batok at titi sa noo.

-MGMT

Emong's Adventure in Wonderland

Sabado. 3:00 PM. SM North EDSA \ Trinoma.


Ang aga kong nakarating sa Trinoma. Habang naghihintay, bumili na ko ng tickets namin ni Wena para manood ng Alice in Wonderland. Matapos ang halos 30 minuto, nakabili na ko ng tickets at nandun na rin si Wena. Dahil Halos dalawang oras pa bago ang palabas, hinanap muna namin ang sapatos na gusto kong bilhin. Matapos ang ilang sawing paghahanap, pinagpasyahan ko ng bilin na lang ang kaparehas na style ngunit ibang kulay. Eto siya,

Habang pumapatay ng oras para manood ng Alice in Wonderland sa Trinoma, naisipan muna namin ni Wena na mag-ikot-ikot sa SM. Naglalakad kami ng tamihik noon sa cinemas ng SM nang biglang nawala si Wena sa tabi ko. NAng lumingon ako sa bandang kanan, nagulat ako sa aking nakita. May sinusugod si Wena na babae. Sa sobrang pagkagulantang, wala akong nagawa. Nagsisigaw siya ng, "Bat mo ko ninanakawan?!?!?!". Kaya pala, sinubukan pala siyang nakawan ng lecheng babaeng yun. Nang nag-sink in na sa kin ang lahat, tsaka ko lang naisip ang mga gusto kong gwin nung mga panahong yun. Hinalahin sa buhok ang babaeng yun papunta sa gaurd. Ihampas yung dalang bag ni Wena sa pagmumukha nung babae. Nagulantang lang talaga ko ng makita kong may inuupakan na si Wena. Jejejeje!!!

Nanood ng 3D.

Kain sa Tokyo Cafe.

Ikot.

Kwentuhan.

Uwi.


Ang nagulantang,
Emong