Nung Lunes, tulad ng araw araw na ginagawa namin ng aking
commander-in-chief eh nag-taxi kame pauwi. At tulad ng karamihan
ng mga taxi sa Maynila, ito ang drama noong araw na yon:
Driver: San kyo?
Ako: Sa San Juan, bago lang mag Blumentrit.
Diane: Boss, pwedeng wag tyo dito sa gitna ng kalsada mag-usap,
nasa gitna ka kase sa kalsada sa Makati.
At sinakay naman nya kame. Pero sa kalandian ng manong
driver eh hindi namin maintindihan kung bakit sya nagte-text
at tumatawag pa gamit ang kanyang celphone habang nagmamaneho.
Diane: (bulong sakin)bawal magtext
habang namamaneho, diba?
Ako: Yep, bayaan mo na, traffic naman eh.
Paglagpas namin ng traffic, habang humaharurot kame sa tulay ng Makati-Mandaluyong:
Ako: Ser, hindi ba bawal mag telepono habang nagmamaneho?
Driver: Ah, oo, pag nahuli, pag nakita..
Ako: O, eh diba nakikita kita? Ano pang ginagawa mo?
Driver: ah, cge po..
Ako: (sabay tingin sa metro) At yang metro mo mabilis.
Araw araw akong nagtataxi pauwi at 60-80 pesos ang pamasahe,
kasama na traffic don. Wala pa tayo sa kalahati ng byahe 82.50 na yan?
Diane: (pabulong sakin) Ah shit, oo nga no..
Ako: Pag umabot ng 120 yan hindi kita babayaran.
At biglang ayos si gagong driver.
Ang normal na binababaan namin ay sa bahay mismo,
ngunit sa pagkakataong iyon, sa ibang lugar namin planong magpababa.
Pagdating sa bababaan:
Ako: (tingin sa metro, sabay abot ng saktong 100 pesos)
Sisingilin mo pa ba kame nyang sobrang 12 pesos
kahit alam nating pareho na dinudugas mo kame?
Driver: Kung mabigat sa loob nyo eh..
Ako: Eh gago ka pala eh, tinatarantado mo kame,
malamang mabigat sa loob ko.
Diane: (*!*&!*^!(!)%^%&^!$!
Ako: *sabay bagsak ng pinto*
At dahil hindi naman siya makapalag, nag-attempt na lang
syang mag-asar. Binaba na lang nya ang kanyang bintana:
Driver: Baka naman po mabasag yung bintana,
konting ingat naman po *kupal na ngiti*
Ako: Aalis ka na ba? O babasagin ko muna yang muka mo bago
kita kaladkarin dyan sa prisinto?
At nagulat na lang siya na prisinto nga ng pulis ang pagtawid ng
aming binabaan. Sabay liko at tago sa kung sang kanto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment