Wednesday, March 17, 2010

Alter Ego

Sa aking mapagpanggap na buhay sa ibang kumpanya, ako ay isang superhero. Katulad ni Peter Parker a.k.a. Spider-Man, nagbabago ako ng personalidad kapag ako ay nagiging superhero.

Una. Ang normal na Douglas ay mapanglait, mapangasar at mahilig mambara. Ang superhero na Douglas ay aksidente lamang na nakakapanlait, siya pa ang inaasar at hindi na nambabara.

Pangalawa. Ang normal na Douglas kapag tinalo, nangaaway. Ang superhero na Douglas, kapag tinalo, ngumingiti na lamang.

Pangatlo. Ang normal na Douglas, maingay. Ang superhero na Douglas, tahimik.

Pangapat. Ang normal na Douglas, nakikipagunahan pumasok. Ang superhero na Douglas, hindi na nakikipagkumpitensya. Panalo na kagad.

Panghuli. Ang normal na Douglas, pagkauuwi ng maaga, keber! Ang superher na Douglas, pagkauuwi ng maaga, nahihiya, kasi siya pa lang yung uuwi.

I do not live for IT,
Douglas.

No comments:

Post a Comment