Kumakailan lang ang nagbabadyang ma-evict ang ilan sa kasambahay ni Kuya.
Nakatatlong strikes na kasi ang mga kasambahay.
Bagama't iyon ay bahay ni Kuya, ang kanyang butihing maybahay, si Ate, ang namamahala nito. Alamin natin sa mga larawan ang kanyang mensahe.
Strike I
Isa ako sa may gustong laging nakasara ang pinto at ito'y alam ni Ate. Pero ba't nga kaya di magawang isara ito palagi ng mga kasambahay. Nababale-wala kasi ang mga screen sa bintana kaya gusto ko ring nakasara ito palagi. Sa ganitong paraan walang bumubulong-bulong na lamok sa tainga ng luhat tuwing matutulog na sa gabi.
Strike II
Kung may oras para kumain ay siguro naman may oras din para makapaghugas ng kinainan. Di na dapat hintayin ang mga ipis para linisan ang mga plato sa lababo. Nakapagsumbong 'ata ang mga ipis kay Ate kaya niya ito nalaman.
Strike III
Ay wala po akong alam diyan. Sa labas ako kumakain parati. Natuto ako sa amin kung paano maglinis at di na dapat sinasabihan ang mga tao sa bagay na ganyan.
Talagang lumalabas ang mga tunay na ugali
pag matagal na magkakasama na sa bahay ni Kuya. Haaaay....
Ating abangan ang susunod na kabanata....
- Ang Nagpaskil

P.S. Di ko alam kung anong mga font ang ginamit ng may-ari. Pero maayos naman ang pagkasulat ng mga titik. :)
TRIVIA:
Si Ate
ang asawa ng kuya ni S.
Si S yung umalis
matapos pagtulungan ni Z
at ng kanyang mga inakay
na Uruk-khai
sa lupain ng ____R.
Gets?
Si Ate
ang asawa ng kuya ni S.
Si S yung umalis
matapos pagtulungan ni Z
at ng kanyang mga inakay
na Uruk-khai
sa lupain ng ____R.
Gets?
No comments:
Post a Comment