Nuong unang panahon, matiwasay sa baryo "Pulang Lupa". Tahimik at masayang naninirahan ang mga tao doon, lahat magkakaibigan. Pinamumunuan ang baryo ng isang matikas na ginoo na ang pangalan ay Karimadon Lenggua. Maliit lang na baryo ang "Pulang Lupa" ngunut ito ay unti unting lumalaki dahil maraming tao ang gustong manirahan dito.
Isang araw, may dalawa sa baryo ay may ginawang karumaldumal. Sa sobrang karumaldumal ay hindi ko na sasabihin kung ano. Dumating si Zorro. Tinulungan ang baryo. Naging OK naman ang lahat. Makalipas ang ilang mga linggo ay dumating na din si Babaluga. Hindi nila alam na magkapatid sila sa tadhana, hindi man sila magkamukha ay magkaparehas ang ugali nila dahil sila ay kambal sa kumag.
Inakala ng lahat na sila ay may mabuting kalooban. ngunit panlabas lamang iyon. Unti unting naghasik ng lagim ang kambaluga. nabrainwash nila ang pinuno, hanggang sa naging trio sila ng kabalbalan.
Naghari ang kadiliman. lahat ng sumuway ay hinihiwa ni Zorro ang leeg gamit si Babaluga. May angking kapangyarihan ang kambaluga. Si Zorro ay may kapangyarihang umiyak ng bongga ahanggang sa makagawa sya ng baha ng luha. Si Babaluga ay mala palakol ang panga at mala Excalibur ang baba. Pagnagsama sila ay daig pa ang pinaghalong lakas ni Zenki at Badzula.
Dahil sa lagim na kumakalat. Nagsilisanan ang mga tao.
Ano pa kaya ang mangyayari? Abangan...
Monday, March 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang mangyayari... Maiiwan ang magkapatid, dahil sa simula para silang mga reyna. Di lang nila alam, ang kaharian na yun ay nasa utak lang nila. Tsk. Iba na pag ang IQ ay walang kasing baba.
ReplyDeleteHaha. Salitang baba. Parang simula ng pangalan ni Babaluga.