Nagsimula ang lahat sa pagpapababa sa min sa bus... Sumakay kami nina Douglas, Pelomena at Bow ng bus pa-Boni sa Ayala... Una namin napansin sa bus ay ang kakaiba niyang amoy... Hindi siya amoy ng nakakahilong air freshner kundi amoy MMDA men's public urinal... haha!!! Tas napansin ko yung maliliit na ipis na naglalakad sa kabilang upuan at tinignan ang bintanang katabi ko kasi baka andun lungga nila... Anyway, makalipas ang ilang minuto sa traffic, biglang lumiko ang bus pa-C5 habang sinasabing sarado daw mula Ortigas gang Santolan kaya magsi-C5 na lang daw siya at Santolan na raw labas niya... Wala kaming nagawa at napababa na lamang kami ng bus... Ika nga ni Pelomena, siguro dahil na rin sa Pancit Canton na kinain namin, napagkaisahan naming baybayin na lamang ang kahabaan ng EDSA hanggang Boni at makipag-unahan kay Sta. Rita (bus po ito, hindi yung santo...)
Habang binabaybay ang EDSA, kung ano-ano na ata ang napag-usapan para malibang na rin... Kung ano-ano na ring billboard ang aking nabasa at tinignan... Hanggang sa ang basa ko na sa Cito Beltran ay Otto Beltran at napaisip kung siya pa ang may-ari ng OTTO shoes... haha!!! Makalipas ang sandamakmak na usok, alikabok, batang nagtatanong kung kailangan namin ng taxi (ay! isa lang pala siya...) at pawis, naunahan na kami ni Sta. Rita... Kahit na ganun, ilang hakbang na lang nasa Boni na kami... Dahil doon na halos ang bahay nina Pelomena at Bow, dun na sila nagpaalam at umuwi na... At kami naman ni Douglas ay sinimulan na ang dahilan kung bakit kami nagtungo doon, ang magshoot ng mga bulang na kumakanta sa bangketa...
Makalipas makaiusap at magbigay ng donasyon, sinimulan na ni Douglas ang kanyang pakay habang ako'y nanonood sa kanyang ginagawa at sa mga taong dumadaan... Matapos ang kanta ni manong, nagpaalam na kami at tumungo sa susunod naming destinasyon, Robinson's Galeria... Ngunit bago yung nag-aya muna si Douglas sa Megamall para magmeryenda... Matapos ang ilang donut at bunwich sa Megamall, naglakad na ulit kami pa Galeria... At sa bangketa sa gilid ng Poveda, nakakita ulit kami ng bulag na kumakanta, tulad ng ginawa namin sa may Boni, kinunan ni Douglas yung bulag at "look-out" naman ako... Matapos ulit ang ilang minuto, nagtungo naman kami sa may overpass sa may Galeria para tignan kung andun yung sinasabi ni Douglas na madalas niyang makitang bulag...
Sa kasamaang palad, naka-leave ata siya kahapon or baka nag-relocate lang siya... Dali kaming bumababa mula overpass at sumakay ng bus dahil HINDI NAMAN SARADO MULA ORTIGAS HANGGANG SANTOLAN at ayaw na rin naming maglakad... Matapos mapag-usapan ang tungkol sa eleksyon at sa mga walang kwentang politiko, nakarating na kami ng Farmer's Plaza, eto na ang huli naming destinasyon... Agad naming pinuntahan kung saan lumalagi ang sinasabing bulag ni Douglas... Habang tumatawid sa overpass sa intersection ng Aurora at EDSA, medyo paranoid ako sa kwento sa kin ng kaopisina ko dito tungkol sa mga nag-aalok ng "gimik"... Nakababa naman kami sa overpass na walang nag-aalok sa kin ng kahit ano maliban sa shades... Pagbaba namin, wala kaming naririnig na kumakanta... Masama to mukhang wala ang pakay namin dito... Hinanap namin siya, ngunit tulad ng nasa Galeria, mukhang nagleave din siya... Dahil dito, nagpaalam na kami sa isa't isa at tumungo na kami sa magkabilang direksyon...
Habang naglalakad tungo sa overpass, naisip ko ulit yung kwento sa kin at kinabahan muli... At tulad nga ng nasa kwento ng kaopisina ko, habang mag-isa akong naglalakad sa overpass, may babaeng (o baklang) lumapit sa kin at hinawakan ako sa braso habang sinasabing, "Gusto mo ng gimik?" o parang ganun... Lalo ko ng binilisan ang lakad hanggang sa bitawan na niya yung braso ko... Nakahinga na ko ng maluwag... Hay!!! Stress... haha!!! Sabi ko sa sarili ko, totoo pala yun... Kasi pag dumadaan naman ako dun dati, walang ganun... Siguro nga kasi halos alas-dose o ala-una na nun... At yun yung pangyayari na nashock ako...
Dahil na rin sa pagod na ko, dagdag pa ang natural kong katamaran, nagjeep na lang ako pauwi... Katamad umakyat pa-lrt at pumila sa inspeksyon ng bag... At makalipas ang ilang minuto, nakauwi na rin ako... Sa wakas!!! haha!!!
Pangatlong araw ng bangag,
Emong
No comments:
Post a Comment