Isang beses pa lang ako nakakapanuod ng Showtime pero hindi ko ipagkakaila ang sadyang sikat na ang komedyanteng si Vice Ganda at ang tangyag niyang pananalitang "May nag-text...". Kung maririnig mo ang mga text na sinasabing natatanggap ni Vice Ganda ay tiyak na mapapangiti ka o di kaya'y hahalakhak ka.
Pero sa totoong buhay, hindi naman lahat ng text na matatanggap mo ay nakakatuwa. Minsan sadyang panira ng araw ang mga text na mababasa mo. Sa sobrang panira ng mga ito, parang gusto mong hagilapin ang taong pinanggalingan ng text at ibato ang celfone niya sa mukha niya. Teka, parang hindi dapat ibato...dapat 'ata ipagsasampal sa mukha eh.
Hindi naman akong marahas na tao. Pinagpapalagay ko na normal ang pagkulo ng dugo ko sa isang taong hindi ko naman kakilala ngunit text ng text ng kung anu-ano tungkol sa isa sa mga matalik kong kaibigan. Sinabi ko sa aking FaceBook na malalaman ko din kung sino siya. Aba, mukhang may natamaan sa isa sa aking mga "kaibigan" sa FaceBook dahil, tulad ng sinasabi ni Vice Ganda, may nag-text...
*Ipinagpalit ang mga pangalan para maprotektahan ang mga taong kasangkot sa pangyayari*
"Wag ka masyadong mainggit sa sitwasyon ni *W*. Magpasalamant ka nalang na kahit nilalandee ni *K* si *C*, hnd siya kumakagat. *W* deserves this. *V* has the right to know. Hindi mo naman alam anung nangyari sa offsite. Hindi mo naman alam anung conversation nila sa text. Wag ka ng mangarap na mahuhuli mo ako."
Hindi ko na sana siya papatulan ngunit sinabit niya ang aking pinakamamahal na si Cesar (oo, siya si *C* sa text). Kahit na mas maputi at mas maganda nga si *K*, ako pa rin ang may magandang hinahaharap...este, kalooban. Isang linggo rin ang pang-e-epal ng di-kilalang texter sa aking buhay.
Ang huli niyang text sa akin:
"NAsAn NA fB pOstS mO! UmAgA Na! MAlAmAnG GiSiNg kA nA! NaSaN nA rEpLy KO!! MaMaYa HiNdI Na akO FB, NaKiKiTiNgIN lAng AkO sA fRiEnD ko! AYaw mO ko add! BAGAL mo!"
Aba, aba, aba...mula sa mga texts na napakaayos at puro Ingles, biglang iniba niya ng todo! Inaakala niya bang malilinlang niya ako?! Pero iniisip ko, baka hindi naman niya ako nililinlang. Nabasa ko kasi ang naisulat ni ka-tropang Douglas nung isang araw. Baka naman napadaan ang aking di-kilalang texter sa "zTarVuckZ" kung saan nagtitipon ang mga katropa ni Li'l Khupz. Hmmm...
Pinagpapalagay kong kilala ko na ang anonymous texter. At naiisip ko na ring alam niyang alam ko kung sino siya dahil tumigil na ang kanyang mga mensaheng puno ng kabaliwan at tinanggal na niya ako sa listahan niya sa FaceBook. Kung 100% ngang malaman kung sino siya, tsaka ko na kukunin ang celfone niya at isasampal sa mukha niya. Pero sa ngayon, mag-ingat siya at baka naman sa kanya ang may mag-text.
Napakwento lamang,
Kuting.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment