Matapos ang isang sakay sa jeep, lrt, mrt at taxi, nakarating din ako sa aking destinasyon. Dumating ako ng sobrang aga na hindi ko akalain. Nagtanong ako sa naka-uniporme ng Teleserve, mga alas-otso pa daw sila magsisimulang magtrabaho. Nang tignan ko ang aking orasan/psp, ala-sais pa lamang ng umaga. O di ba? maaga kung sa maaga... Wala akong nagawa kundi maghanap ng mauupuan at dun pumatay ng oras gamit ang aking psp...
Makalipas ng isang quest sa Monster Hunter 2 at isa o dalawang kanta sa Project Diva, naisipan ko ng kumain ng agahan. Hamonadong tapa at itlog ang aking napiling kainin. Na-weirduhan lang talga ako sa tapa nilang lasang hamonado, kaya ko siya tinawag na hamonadong tapa (duh?!). At sa wakas, alas-otso na!!
Lumapit ako ulit sa booth ng Teleserve at ginabayan na nila ako sa buong proseso... Isang pirma at tig-isang thumbmark galing sa magkabilang hinlalaki ang unang pinagawa sa kin. At dahil MALABO DAW yung binigay kong litrato, nagpakuha pa ko sa kanila. Matapos akong kuhanan ng litrato, siningil na ko nung parang bossing nila. Nagulat ako sa presyo, tumataginting na 150 pesos daw yun. Nagulat ako kasi akala ko tatlo lamang yun. Ano yun, SINGKWENTA ISA??? Nang ipasa ko yun at pinauwi na ko, tinignan ko kung ilan ba talaga yun. Anim pala sila!! Pero san ko naman gagamitin yung natitira pa???
Anyway, nakarating naman ako sa opisina ng halos mag-aalas-otso... Eto ako ngayon bangag, antok... Pero at least nagawa ko misyon ko sa araw na ito.
Naglalaslas,
Emong
No comments:
Post a Comment