Nung isang beses ay may nagtanong sa akin kung bakit ako maaga pumapasok. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit naitanong sa akin yun. Gusto ko itanong pabalik "bakit late ka pumasok?". At dahil nga "Miguel" ako, ay hindi ako sumagot ng the usual na sagot ko at ngumiti na lamang ako. Ang galing.
Obyus na meron tayong bente kwatro oras araw araw. Mukhang mahaba pero ako ay naiiksian. Minsan ay kinekwestyon ko pa ang dahilan kung bakit ako dapat matulog, e ang dami ko pa dapat ginagawa! Pero tanga ka naman pag hindi ka matulog.
Ibreakdown natin ang 24 hours.
8 - Tulog, pahinga, idlip. Maaring maging 10 hours. Depende sa mood. Pero yan daw ang minimum. Pero hindi ako nakaktulog ng ganyang kahaba. Pero 8 na lang.
8 - Trabaho. Dahil Napilitan.
2 - Exercise. Kasama jogging at weights.
----------------------
Para sa grand total na: 18 HOURS! - Ayan ang dapat kong i-allot na oras araw araw. Ibig sabihin meron na lang akong 6 hours para gawin pa ang kung anu ano pang bagay.
So meron pang
5 - Internet, movie, gala, edit, computer, landian. Halo halo yan at di yan ginagawa lahat sa isang araw. pero may mga pagkakataon na nangyayari yun.
1 - Kung anu ano pang maliliit na bagay: lakad pauwi, lunch break, kain, dinner, ligo atbp.
Assuming na ako ay late palagi. So papasok ako ng 12pm. Work hanggang 9pm. Tapos ano pa ang gagawin mo sa gabi? Sarado na ang mall. Hindi naman ako gumigimik sa mga bar at diskuhan. So uuwi. Movie, internet at kung anu ano pang bagay hanggang 2am. Tulog hanggang 10am. Tapos may 2 oras ka na lang na spare.
Sige i-usog natin ng 10am. Work hanggang 7pm. Kung anu anong bagay hanggang 10pm Matutulog ng 12. Gigising ng 8am. Tapos handa na kasi magwork ka na uli ng 10am.
Pagganyan ako gigising araw araw, andaming oras ang nasasayang. Una. Walang masyadong nagagawa sa gabi, unless gimikero ka at nageenjoy ka sa night life. Pangalawa. Dahil ako nga ay mapagpanggap na movie director, walang natural light paggabi, bukod sa buwan at stars. At dahil cheap ang aking camera hindi umaaninag yun sa camera ko. Pangatlo at pinakahuli, hindi ka gumigising araw araw para lamang magtrabaho. Ayaw ko ang pakiramdam na "I live to work". Kagaguhan yun. Maganda yung nagtatrabaho ka para matustusan ang mga bagay na magpapasaya sayo. Sobrang laking bonus na lamang kung gusto mo ang trabaho mo. Which is not always the case.
Kaya sa susunod. Walang magtatanong kung bakit maaga ako pumapasok. Kahit na mainit pagmaaraw, masaya ako ng umuuwi ako at nakikita ko pa ang araw. Nagagamit ko pa sya sa shooting. Hindi nasasayang ang araw ko. Yun lang.
I do not live to work,Douglas