Showing posts with label Emong. Show all posts
Showing posts with label Emong. Show all posts

Monday, March 29, 2010

------------------------------

Kanina natatawa....

Kanina natutuwa....

Ngayon naiinis...

Ngayon nanggagalaiti...

Nababaliw na ata ako...


Nasisisa,
Emong

Wednesday, March 17, 2010

Shuttle!!

Ang gandang panimula ng araw ang aking dinanas sa lecheng driver ng nasakyan kong shuttle. Ang driver na ito ay sobrang galing magmaneho. Sa sobra niyang galing, kada pepreno siya, lahat kaluluwa ng kahabaghabag niyang mga pasahero eh napupunta na sa windshield ng sasakyan. Galing di ba?!

Well, hindi pa yun yung masama. Ang masama nun may dala akong food (yum!) at sa kasamaang palad medyo tumapon yun isa sa kanila, well yung oil lang naman. Kahit na, medyo nangamoy siya sa shuttle. At ang magaling na driver ay nagalit at pinagpunas ako ng sahig ng maganda niyang sasakyan. Leche!

Hindi na nga masyadong maganda ang tapos ng araw ko kahapon tas ganito pa sasalubong sa kin. Hay......


Naleche,
Emong

Friday, March 12, 2010

Panaginip

Ano ba yan?!

Minsan na nga lang managinip bat ganun pa?!

Buwisit lang talaga....

Pero at least masarap at mahaba-haba naman ang tulog ko...


Nais managinip,
Emong

Tuesday, March 9, 2010

"What?! Your Charmander is evolving....."

Sa pagitan ng alas-diyes at alas-onse ng umaga, ika-9 ng Marso, kamuntik na pong mag-evolve ang isang Charmander.

Naiulat na ang dami niyang binugang apoy noong mga oras ding yun. May mga saksi na nagsasabing ang hirap daw iwasan ang mga pagbuga niya ng apoy. May nagsabi ring hindi lang Flamethrower ang nagawa niya kundi Dragon Rage na. Lahat na ginawa nila, ngunit naapektuhan pa rin sila. Salamat na lang kay Professor Oak at kumalma kahit papaano ang nasabing Charmander.

Kaya, mag-ingat sa nagwawalang Charmander na kamuntik ng mag-evolve.

Nag-uulat,
Emong

Monday, March 8, 2010

Sino?! Sino?!

Sino na magdodrawing tuwing Sprint Retro??? :(

Nagtatanong,
Emong

Emong's Adventure in Wonderland

Sabado. 3:00 PM. SM North EDSA \ Trinoma.


Ang aga kong nakarating sa Trinoma. Habang naghihintay, bumili na ko ng tickets namin ni Wena para manood ng Alice in Wonderland. Matapos ang halos 30 minuto, nakabili na ko ng tickets at nandun na rin si Wena. Dahil Halos dalawang oras pa bago ang palabas, hinanap muna namin ang sapatos na gusto kong bilhin. Matapos ang ilang sawing paghahanap, pinagpasyahan ko ng bilin na lang ang kaparehas na style ngunit ibang kulay. Eto siya,

Habang pumapatay ng oras para manood ng Alice in Wonderland sa Trinoma, naisipan muna namin ni Wena na mag-ikot-ikot sa SM. Naglalakad kami ng tamihik noon sa cinemas ng SM nang biglang nawala si Wena sa tabi ko. NAng lumingon ako sa bandang kanan, nagulat ako sa aking nakita. May sinusugod si Wena na babae. Sa sobrang pagkagulantang, wala akong nagawa. Nagsisigaw siya ng, "Bat mo ko ninanakawan?!?!?!". Kaya pala, sinubukan pala siyang nakawan ng lecheng babaeng yun. Nang nag-sink in na sa kin ang lahat, tsaka ko lang naisip ang mga gusto kong gwin nung mga panahong yun. Hinalahin sa buhok ang babaeng yun papunta sa gaurd. Ihampas yung dalang bag ni Wena sa pagmumukha nung babae. Nagulantang lang talaga ko ng makita kong may inuupakan na si Wena. Jejejeje!!!

Nanood ng 3D.

Kain sa Tokyo Cafe.

Ikot.

Kwentuhan.

Uwi.


Ang nagulantang,
Emong

Friday, March 5, 2010

Kinou

Kinou.

Kahapon.

Walang size ng sapatos na gusto.

Nanghihina na yung kwago.

Malas.

Kainis.

Bwisit.


Muntik ng matuluyan,
Emong

Thursday, March 4, 2010

Magandang Panapos ng Araw

Kahapon, Miyerkules, leche!!!

Sinimulan ng malapugon na shuttle at muntik na tapusin ng dami ng tao sa Araneta Center dahil ata sa isa basketball game... Ang pilang hindi halos humahaba ng limang katao, humaba ng bongga dahil sa kanila... LECHE!!! May nangyari pa in between na mas nakakaleche!!! kainis!!!

Buti na lang sinagip ng mabait kong kapatid na sa mga panahong yun ay nasa LB... Nagtext na kung gusto ko raw ng kwago o owl... Ako pa!!! Kung papipiliin ako ng gagawing aalagaang hayop, paniki o kwago pipiliin ko... Bakit? Bakit hindi!!! haha!!!! Isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng alagang kwago, paniki o, nga pala, unggoy... Hehe!!!

Ayun, mabalik sa aking kapatid, dahil may roommate siyang vetmed, may nagdala daw sa kanila ng sugatang kwago... Baka daw inatake ng predator niya... Kawawa naman siya... Anyway, naghahanap daw sila ng mag-aalaga matapos nilang ipagamot yung kwago... Sayang naman daw kasi kung wala kasi hindi raw ito makalipad dahil sa sugat niya at baka mamatay lang siya kung hindi muna aalagaan...




Ganyan din kaya itsura niya??? Excited!!!! Sana lang daw um-ok siya bago dalin sa min form LB... Hindi pa raw kasi siya kumakain... Daga daw ang diet niya kaya pasensya, kung sakali, sa mga kalahi ni Mickey Mouse dahil papakain ko sila sa kanya... hehe!!!

Sana lang talaga um-ok siya...


Excited,
Emong

Thursday, February 25, 2010

Adbencha~!!!

Medyo maraming nangyari sa kin kahapon... May stressful, may masaya, may nakakapagod, may nakakashock... Hindi ko na ikukwento yung stressful, simulan ko na lang dun sa masaya at nakakapagod...

Nagsimula ang lahat sa pagpapababa sa min sa bus... Sumakay kami nina Douglas, Pelomena at Bow ng bus pa-Boni sa Ayala... Una namin napansin sa bus ay ang kakaiba niyang amoy... Hindi siya amoy ng nakakahilong air freshner kundi amoy MMDA men's public urinal... haha!!! Tas napansin ko yung maliliit na ipis na naglalakad sa kabilang upuan at tinignan ang bintanang katabi ko kasi baka andun lungga nila... Anyway, makalipas ang ilang minuto sa traffic, biglang lumiko ang bus pa-C5 habang sinasabing sarado daw mula Ortigas gang Santolan kaya magsi-C5 na lang daw siya at Santolan na raw labas niya... Wala kaming nagawa at napababa na lamang kami ng bus... Ika nga ni Pelomena, siguro dahil na rin sa Pancit Canton na kinain namin, napagkaisahan naming baybayin na lamang ang kahabaan ng EDSA hanggang Boni at makipag-unahan kay Sta. Rita (bus po ito, hindi yung santo...)

Habang binabaybay ang EDSA, kung ano-ano na ata ang napag-usapan para malibang na rin... Kung ano-ano na ring billboard ang aking nabasa at tinignan... Hanggang sa ang basa ko na sa Cito Beltran ay Otto Beltran at napaisip kung siya pa ang may-ari ng OTTO shoes... haha!!! Makalipas ang sandamakmak na usok, alikabok, batang nagtatanong kung kailangan namin ng taxi (ay! isa lang pala siya...) at pawis, naunahan na kami ni Sta. Rita... Kahit na ganun, ilang hakbang na lang nasa Boni na kami... Dahil doon na halos ang bahay nina Pelomena at Bow, dun na sila nagpaalam at umuwi na... At kami naman ni Douglas ay sinimulan na ang dahilan kung bakit kami nagtungo doon, ang magshoot ng mga bulang na kumakanta sa bangketa...

Makalipas makaiusap at magbigay ng donasyon, sinimulan na ni Douglas ang kanyang pakay habang ako'y nanonood sa kanyang ginagawa at sa mga taong dumadaan... Matapos ang kanta ni manong, nagpaalam na kami at tumungo sa susunod naming destinasyon, Robinson's Galeria... Ngunit bago yung nag-aya muna si Douglas sa Megamall para magmeryenda... Matapos ang ilang donut at bunwich sa Megamall, naglakad na ulit kami pa Galeria... At sa bangketa sa gilid ng Poveda, nakakita ulit kami ng bulag na kumakanta, tulad ng ginawa namin sa may Boni, kinunan ni Douglas yung bulag at "look-out" naman ako... Matapos ulit ang ilang minuto, nagtungo naman kami sa may overpass sa may Galeria para tignan kung andun yung sinasabi ni Douglas na madalas niyang makitang bulag...

Sa kasamaang palad, naka-leave ata siya kahapon or baka nag-relocate lang siya... Dali kaming bumababa mula overpass at sumakay ng bus dahil HINDI NAMAN SARADO MULA ORTIGAS HANGGANG SANTOLAN at ayaw na rin naming maglakad... Matapos mapag-usapan ang tungkol sa eleksyon at sa mga walang kwentang politiko, nakarating na kami ng Farmer's Plaza, eto na ang huli naming destinasyon... Agad naming pinuntahan kung saan lumalagi ang sinasabing bulag ni Douglas... Habang tumatawid sa overpass sa intersection ng Aurora at EDSA, medyo paranoid ako sa kwento sa kin ng kaopisina ko dito tungkol sa mga nag-aalok ng "gimik"... Nakababa naman kami sa overpass na walang nag-aalok sa kin ng kahit ano maliban sa shades... Pagbaba namin, wala kaming naririnig na kumakanta... Masama to mukhang wala ang pakay namin dito... Hinanap namin siya, ngunit tulad ng nasa Galeria, mukhang nagleave din siya... Dahil dito, nagpaalam na kami sa isa't isa at tumungo na kami sa magkabilang direksyon...

Habang naglalakad tungo sa overpass, naisip ko ulit yung kwento sa kin at kinabahan muli... At tulad nga ng nasa kwento ng kaopisina ko, habang mag-isa akong naglalakad sa overpass, may babaeng (o baklang) lumapit sa kin at hinawakan ako sa braso habang sinasabing, "Gusto mo ng gimik?" o parang ganun... Lalo ko ng binilisan ang lakad hanggang sa bitawan na niya yung braso ko... Nakahinga na ko ng maluwag... Hay!!! Stress... haha!!! Sabi ko sa sarili ko, totoo pala yun... Kasi pag dumadaan naman ako dun dati, walang ganun... Siguro nga kasi halos alas-dose o ala-una na nun... At yun yung pangyayari na nashock ako...

Dahil na rin sa pagod na ko, dagdag pa ang natural kong katamaran, nagjeep na lang ako pauwi... Katamad umakyat pa-lrt at pumila sa inspeksyon ng bag... At makalipas ang ilang minuto, nakauwi na rin ako... Sa wakas!!! haha!!!

Pangatlong araw ng bangag,
Emong

Wednesday, February 24, 2010

Mas Masaya Kasi Daria...

Paano naman kasi?? Hindi naman hamak na mas masayang manood ng Daria kesa gumawa ng slides.... Pasensya na....

Dahil dapat may pagbabalik-aral kami para sa isang pagsusulit at ako ang nagboluntaryo para sa kabanata, kailangan kong gumawa ng slides. Para hindi matulog habang nagbabasa, nanonood ako ng isang episode ng Daria kapag pakiramdam ko matutulog na ko o pag-ayaw ng gumana ng utak ko...

Sa kabuuan, halos nakaapat na slides lang ako sa halos tatlong oras na paggawa... Wala akong magagawa eh... Kaantok magbasa... Mas nakakatuwa si Daria eh... Yun lang...

Bangag kahapon pa,
Emong

Tuesday, February 23, 2010

DFA: Panimula ng araw

Ang aga nagsimula ang araw ko... Halos alas-tres y medya pa lang ng daling araw, gising na ko... Well, gising pa lang pero wala pang planong bumangon.... Makalipas ang ilang pagbalik sa tulog, napag-isipan ko na rin bumangon, mag-ayos at yumao papunta sa DFA.

Matapos ang isang sakay sa jeep, lrt, mrt at taxi, nakarating din ako sa aking destinasyon. Dumating ako ng sobrang aga na hindi ko akalain. Nagtanong ako sa naka-uniporme ng Teleserve, mga alas-otso pa daw sila magsisimulang magtrabaho. Nang tignan ko ang aking orasan/psp, ala-sais pa lamang ng umaga. O di ba? maaga kung sa maaga... Wala akong nagawa kundi maghanap ng mauupuan at dun pumatay ng oras gamit ang aking psp...

Makalipas ng isang quest sa Monster Hunter 2 at isa o dalawang kanta sa Project Diva, naisipan ko ng kumain ng agahan. Hamonadong tapa at itlog ang aking napiling kainin. Na-weirduhan lang talga ako sa tapa nilang lasang hamonado, kaya ko siya tinawag na hamonadong tapa (duh?!). At sa wakas, alas-otso na!!

Lumapit ako ulit sa booth ng Teleserve at ginabayan na nila ako sa buong proseso... Isang pirma at tig-isang thumbmark galing sa magkabilang hinlalaki ang unang pinagawa sa kin. At dahil MALABO DAW yung binigay kong litrato, nagpakuha pa ko sa kanila. Matapos akong kuhanan ng litrato, siningil na ko nung parang bossing nila. Nagulat ako sa presyo, tumataginting na 150 pesos daw yun. Nagulat ako kasi akala ko tatlo lamang yun. Ano yun, SINGKWENTA ISA??? Nang ipasa ko yun at pinauwi na ko, tinignan ko kung ilan ba talaga yun. Anim pala sila!! Pero san ko naman gagamitin yung natitira pa???

Anyway, nakarating naman ako sa opisina ng halos mag-aalas-otso... Eto ako ngayon bangag, antok... Pero at least nagawa ko misyon ko sa araw na ito.

Naglalaslas,
Emong