lagi na lamang ako inaasar ng mga tao na hindi raw ako pinagpapawisan. hindi po ito totoo. pinagpapawisan ako pero hindi lang sing dalas ng nakararami. pero dahil sa inet ng panahon ngayon, naranasan ko ang pawis na nararanasan ng iba.
ako ay hindi pumasok kanina dahil maglalakad sana ako ng mga kailangang papeles para sa bagong kompanya. nakalatag na ang mga gagawin ko nung gabi pa lang. at kung susunod ako sa schedule na ginawa ko para sa sarili ko, tapos na ako bago pa mag tanghalian. sa isip ko...ayos to, makakapaglaro ako ng sims buong araw (nerd!).
ang paggising ng maaga = FAIL.
nagkanda leche leche ang aking schedule. sa madaling salita, lagare ang biyahe ko. megamall-bahay-munisipyo-megamall-bahay. pootangina.
pero ang pinaka nakakainis sa lahat ay ang karanasan sa munisipyo dahil pinamukha na naman saken na ang mandatory na pagbawas sa sweldo ko gawa nang withholding tax ay sa walang katuturan lamang napupunta. ang BAGAL ng mga tao. chismisan ng chismisan. kamot ulo. kamot tiyan. at nagbebenta rin sila ng ballpen, naka-post sa window "BALLPEN. 10PESOS". wow lang ha.
kaya dumerecho na lamang ako sa megamall para sa nbi clearance renewal. madali lamang. eto ang paraan.
REQUIREMENTS:
1. kopya ng lumang nbi clearance (personal copy or yung original). kapag wala ka pa nito, dumerecho ka sa carriedo. at good luck na lamang sayo. hahaha.
STEP 1:
magbayad ng halagang Php115.00. pero bago ka makabayad, kailangan mo pumila. ang pila na ito ay umaabot mula lower ground floor ng megamall hanggang 5th floor (walang biro). kaya maghanda ka. magdala ng psp. mag-load ng cell phone. habang nakapila ka, may staff ng nbi na magdidikit ng bar code (high tech) sa luma mong nbi clearance. pagkabayad, bibigyan ka ng resibo. wag wawalain.
STEP 2:
magpa-picture. dun na rin yun mismo sa office na yun. sa likod lang nung pinilahan mo ng bayad. may pila rin rito. kukunin sayo ng magpi-picture ang lumang nbi clearance at babarilin ang bar code (parang supermarket lang) tapos sasabihan kang umupo para sa litrato. tip: HINDI sasabihin sa iyo ng nagpi-picture na kinukuhanan ka na nya. ramdam ko sinasadya nila ito para magmukha kang tanga sa nbi clearance picture mo (madalas naman ata ito sa lahat ng government id). bigla na lamang nya sasabihin "tapos na" ng wala kang kamalay malay. ang magandang gawin ay hintayin umilaw ang webcam. ito ang senyales na pwde ka nang ngumiti o kahit man lang tumingin na sa camera. wag magpapa-power trip.
STEP 3:
pumila ulit sa releasing. mabilis lang ang printing nila kaya pag nasa harap ka na ng pila, nakapila na rin ang bagong nbi clearance mo. ibigay ang resibo at mag thumb print. may option kang magbigay ng 3pesos para sa pamunas (kalahati lang ata ito ng isang wet wipe) at 5pesos para sa folder. nakapaskel pa ito sa harap ng releasing na may nakalagay pa na "KUNG GUSTO NIYO LANG PO." in fairness, may choice ka. kasi kung sa munisipyo ka nagpa-renew, sa malamang hiningan ka na lang ng pera para sa pamunas at folder nang hindi mo nalalaman na pwede namang hindi bumili.
ayun lamang.
Ang Dating Kulot,
Pelomena.

No comments:
Post a Comment