yung kasabay ko naman pumunta ng opisina (buknoy) ay mas maaga pa sa akin nagising kaya maganda ang aking pakiramdam na maaga nga kami makakapasok. ngunit nang pasakay na kami ng bus sa EDSA, bukod pa sa maraming tao, eh wala yung biyaheng bus na dapat namin sakyan. ang tagal rin namin naghintay at nung nakapara na kami, tayuan na at isa lang sa amin ang nakaupo.
pagbaba sa ayala, pumila na kami sa ayala loop jeep (na gusto ko sabihin for the record...ay jeep na saksakan ng MAHAL. hindi naman gumagana ng maayos yung aircon at ang lakas pa ng loob magtaas ng pamasahe simula nung nagkaroon ng e-jeepney. mga peste) ok naman ang biyahe namin...kaso nung malapit na kami sa babaan, may isang babae ang nauna sa amin mag para...pasunod na sana ako sa kanya bumaba kaso biglang sabi ni manong "huwag muna rito (sounds annoyed)" kaso...naka semi-tayo na ako at yung hawak kong planner ay nabitawan ko. dahil sa may pinto ako nakaupo, nalaglag ang planner sa kalsada (nakabukas pa kasi yung pinto nya). wala akong choice kundi ang bumaba na lamang dahil hindi naman pwde iwan ko yung gamit ko na nakatiwangwang sa kalsada.
wala rin nagawa si manong. nagalit na lamang sya.
at wala rin ako pakelam. nagbayad naman ako.
at panget siya.
yun lang.
pagkarating ko sa opisina, malaman laman ko na hindi ko pala dala yung credit card kong pang grocery.
yehey!
Ang Dating Kulot,
Pelomena
No comments:
Post a Comment