Last week, bumili ako ng underwear sa mall bago ako umuwi. Pagka-uwi ko
binuksan ko yung paperbag para pakita kay mama kung ano ba yung binili ko.
Pagsilip ko sa loob ng paperbag, SURPRISE SURPRISE!
May blouse sa loob na hindi ko naman binayaran. Natakot ako dahil baka maling
paperbag ang binigay sa akin ng cashier pero nakita ko nasa loob rin naman yung
iba kong binili at ako lang rin naman yung customer nila na nagbabayad non. Nung una ko yon nakita natuwa ako kasi may libre akong blouse. Pero nga lang pang elepante ang laki kasi size 18. Akala ko pa nga panglalake yon. So ibabalik ko na lang siya this week sa store na yon kasi sabi ni mama kawawa naman daw yung saleslady (BOO!). Nakakaawa nga pero ang tanga rin kasi nila! Na-guilty na rin ako kaya ibabalik ko na lang yung blouse at may kamahalan rin yon.
Sana bigyan na lang nila ako ng Gift Certificate kasi binalik ko yung blouse na pinamigay nila...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment