Alam ko naman na alam ng lahat na ako ay aalis na sa aking current na trabaho at lilipat sa malapit lang din na opisina. Isa sa malaking dahilan ko sa paglipat ay para kumita ng masmalaki. Kapag kumita ako ng malaki, magagawa ko ang mga ito....
- Makabili ng bahay/condo/apartment.
- Mabayaran na ng buo ang credit card bills.
- Makabili ng masmagandang video camera (yung HD sana)
- Gumawa ng isang full length movie
- Bumili ng maraming sapatos
Ngunit ngayon linggo, nabaliw ata ako. Nagiba ang gusto kong gawin. Katulad ng lagi kong sinasabi, ayaw ko magpanggap na "I live for IT". Ang IT ay pinaghuhugutan lamang ng kayamanan. Yung perang makukuha mo dun invest mo sa arts. Invested ako sa arts. Music and Film in general. Dahil dyan, ito na ang aking bagong mga gustong gawin...
- Mag ipon for film school
- Mabayaran na ng buo ang credit card bills.
- Tapusin ang thesis.
- Mag film school.
- Maghanap ng part time job.
- Gumawa ng isang full length movie.
Sana magawa ko ang mga ito. Sana matanggap ako sa UPFI. SANA SANA SANA. Hindi ko lang gusto ito, desperado na ako!
I do not live for IT,Douglas.
No comments:
Post a Comment