Showing posts with label marydaisy. Show all posts
Showing posts with label marydaisy. Show all posts

Wednesday, August 24, 2011

Zonrox! Zonrox! Pang-alis ng Anne-Anne

Huli na yata ang lahat. Hindi ko alam kung pwede bang bawiin ang pangalan ng baby na pinanganak sa ospital. Actually hindi pa yun ang problema ko, dahil kailangan ko pang kumbinsihin ang ate ko na pangit ang pangalan na gusto nya para sa anak nya.

Rox Anne. Hindi na lang ginawang Roxanne kung Roxanne. Tapos ang palayaw daw Rox. Hindi talaga cute. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na kung gusto talaga nya na nakahiwalay yung Anne, gawin na lang n'yang Roxy Anne. Sinisisi ko si Roxanne Ritchie (hindi si Tina Fey) ng Megamind. Siya ang nagbigay ng idea.


Hindi ko s'ya naman anak, so dapat 'di ko pinuproblema. Pero kawawang bata. Naranasan ko nang tawaging Irene Peste. Tsk tsk tsk.

Ang nagmamagandang loob,
marydaisy

P.S. Labing siyam na ang pamangkin ko. Aabot kaya sila ng dalawang dosena?


Update: Roxy Anne naman pala pinangalan sa kanya



Sunday, August 14, 2011

True Story

Kagabi nakapagdecide na ko. Tumatawa lang ako pag nagkekwento ako pero nahihirapan talaga ko. Ilang linggo ko din tiniis yung hindi nya ko pinapansin na parang hindi nya ko girlfriend. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para makipaghiwalay. Feeling ko tatanggapin lang nya, tapos aalis na. Pero tumayo sya, sabi mag-usap daw kame.

Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi pa masisira ang halos sampung taon na pagsasama.

Nagsorry sya sakin. Sinadya nyang lumayo, umiwas at wag ako pansinin. Gumaan ang loob ko. Tapos bigla nyang sinabi, na hindi nya lang magawang makipaghiwalay sakin, kaya iyon ang ginawa nya. Hindi ako emo. Pero sobrang bigat ng loob ko nang narinig ko yun. Nanlamig ang bibig ko. Hindi ko alam ang iisipin. Ayoko.

Ang sabi nya mahal nya pa din ako, importante ako sa kanya. Pero di na daw nya makita na magsasama kame habang buhay. Bago sya umalis hinawakan pa nya yung kamay ko. Lalo akong nahirapan. Di ko kayang bumitaw. Tinanong ko sya bakit ayaw nyang subukan ulit, kung mahal pa nga nya ko. Kailangan nya daw yun gawin, dahil kahit anong pilit daw nya, hindi na nya kayang isipin na kame pa din sa future. Ok, gets ko na. Hindi na nya talaga ko mahal. Bumitaw na ko.

Umiiyak ngunit di kawawa,
marydaisy

Friday, August 27, 2010

3000-pc Jigsaw Puzzle



2am na ko natulog dahil sa putanginang puzzle. naalala ko dahil sa isang drawing mula sa isang sprint retro ng julia ay bigla kong ginustong bumuo ng puzzle na bonggang-bongga ang bilang ng piraso, mga 1000. ganun.. kaya ng madaan ako sa robinsons galleria kagabi at nakita na ang 3000-pc jigsaw puzzle ay P150 lang (sa naaalala ko P900+ yung 1000pc), hindi na ko nagdalawang-isip, binili ko na agad. kaya eto ko ngayon. bangag.



ang kulang sa tulog (at sex din),
marydaisy

Monday, August 16, 2010

ANG SAKIT NG PUSO KO.

PAKIBUNOT PLEASE.

marydaisy

Wednesday, June 9, 2010

Ang buhay na madrama ay parang 1, 2, 3

  1. Two weeks ago, Martes, bumaba na ng barko ang demonyong asawa ng ate ko.
  2. Nang dumating ang Friday ay pumunta sila ng Sual, Pangasinan kung saan nakatira ang nanay ng demonyo.
  3. Lunes, bumalik na ang demonyo pero wala ang ate ko. Naglayas daw at tangay ang lahat ng kinita sa barko.
  4. Unang linggo na wala ang ate ko: nagpapaawa ang demonyo. Hindi daw makakapag-aral ang tatlo nilang anak na nag-aaral. Nagsisimula na kong mabuwiset sa ate ko, dahil ako ang sumasalo sa ibang gastusin ng mga anak nya.
  5. Makalipas ang ilang araw pumayag ang isa ko pang ate na kunin ang isa sa anak nila.
  6. Makalipas ang ilang araw pumayag na akong kunin ang baby (pang-apat na anak)
  7. Makalipas ang ilang araw nagbago ang isip ng demonyo. Naiinis na dahil hindi pa nagpapakita ang ate ko. Kinausap ang nanay ko at sinabing "Sunugin ko na lang kaya tong bahay kasama yang mga anak ng anak mo".
  8. Makalipas ang ilang araw nalaman ko na ang totoo. Nagtatago ang ate ko dahil nabugbog sya ng bonggang-bongga nang nasa Pangasinan pa sila. Hindi pa lumalabas dahil naghahanap ng tulong dahil baka bugbugin lang sya ulit at baka idamay pa ang magulang namin (nanunugod ang demonyo ng itak)
  9. Ni minsan hindi pumunta ang mga pamangkin ko sa bahay namin kahit kapitbahay lang namin sila at normal naman na lagi silang nasa bahay namin.
  10. Nang maghahalos dalawang linggo na ang nakakalipas dumating ang ate ko na may kasamang dalawang pulis. Takot ang demonyo mamatay. Sumama ng maayos.
  11. Sa byaheng papuntang presinto kasama ang isang anak (yung grade 3). Hindi pinapansin ang nanay nya. Kahit nang dumating na sa presinto hindi pa din umiimik.
  12. Sinabihan ng pulis ang bata na magpaalam na sa nanay nya dahil pinili ng bata na sumama sa tatay. Yumakap ang bata sa nanay nya at bigla nang nag-iiyak.
  13. Mas magaling umarte ang matanda. Hindi iniimik ng dalawa pa nilang anak ang ate ko. (First year college at third year highschool)
  14. Umalis ang demonyo papuntang probinsya para kunin ang bunso (utos sa kanya ng pulis). Isinama ang panganay para may hahawak sa bata pag pabalik.
  15. Sinamantala ang pagkakataon, kinausap ang anak na naiwan. Umamin. Tinuturuan daw sila kung anong gagawin at anong sasabihin. Umamin din na isang beses nang galit na galit na ang demonyo, sinabi sa kanila na kapag dumating ang nanay nila, bugbugin daw nila.
  16. Marami akong natuklasan: 1) Yung aksidente ng ate ko na nadulas daw at nabali ang kaliwang kamay, hindi talaga aksidente. Hinahampas ng walis tambo ang ate ko at naimpansalag nya ang kaliwang kamay nya. 2) Minsan nang nangyari na inutusan ng demonyo ang mga anak nila na pagpapaluin ng sinturon ang ate ko. Wala silang magawa, inutos na din ng ate ko na sumunod sila. 3) Hindi kinuha ng ate ko ang pera. Alam ng pamangkin ko dahil sya ang may hawak ng pera. 4) Sinabihan sila ng demonyo na kapag inamin nila na sinasaktan nya ang nanay nila ay makukulong sya.
  17. Humarap na sa DSWD ang mga bata, hindi  ko pa alam kung ano ang balita.
  18. Pero hanggang ngayon nangingilag pa din ang panganay.
  19. The End.

P.S. Putangina kayong mga demonyo kayo. Mamatay na kayong lahat!

Thursday, May 6, 2010

Sabi ni Lady Gaga

Fa-fa-fa-fuck her face, Fa-fa-fuck her face
Fa-fa-fa-fuck her face, Fa-fa-fuck her face


kahitanona,
marydaisy

Thursday, April 22, 2010

GIBO


ATING IBOTO!

ang ayaw masabihan ng putanginanyo,
marydaisy

Monday, April 12, 2010

JULIA BUCKET LIST

JULIA BUCKET LIST
(minus Mike)

***
Magpaaral ng bata for one academic year.
    Dapat ang pangalan ay Julia.

***
Mag-inom.
    ...Like super.

***
Mag-comedy bar.

***
Out of town.
    Somewhere South na walang putukan.

***
Out of the country.
    Ang target ay next year. Within SEA.


Ito ang napag-usapan. Pero pwede pang baguhin.

ako,
marydaisy

Monday, March 15, 2010

killer confidence

Bad manners daw kaya di ko na tinuloy.
Pero eto sya : yummie b.


ang napilitan magpost,
marydaisy

Mint with Chocolate


Mint with Chocolate = Dynamite Choco Blast
At least alam ko na kung anong lasa nya.

ang napilitang magpost,
marydaisy

Wednesday, March 10, 2010

raichu



Tama na ang charmander. Nakakasawa na...


ang napilitan magpost,
marydaisy

Saturday, March 6, 2010

aking mga bisita

Sorry, pero adik talaga ko sa kanila.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Tuesday, March 2, 2010

3 dahilan para mabadtrip ng bunggang-bungga

1. Pumasok ka ng 7:30 am para walang gawin. Malapit ka ng umuwi, biglang mag-eemail ang kliyente: "Mali ang ginawa nyo". 8:34 pm na nagrarun ka pa din ng pesteng b*tch.


2. Nagtitipid ka. Kaya ka pumapasok ng maaga ay para makauwi ka ng maaga at para sa bahay na maghapunan. Apat at kalahating oras na ang nakakalipas ng plano mong oras ng pag-uwi ay nasa opisina ka pa din at pilit may tinatapos.


3. Tapos na. Na-run na ang pesteng b*tch. Mag-a-up ka na lang para makuha ng team mate mo ang changes mo dahil sabi nga ng kliyente ay mali. Pag tingin mo sa isang xml file, nakacomment out ang step na dahilan ng pagrarun mo ng b*tch. Putangina.


ang nagmumura ng malutong sa panahong ito,
marydaisy

Ang buwan

sinubukan kong kunan ng letrato ang buwan habang papasok ako ng opisina. Oo, kitang-kita pa sa langit ang buwan kapag umaalis ako ng bahay. Mas ok na 'to, kaysa maranasan muli ang byaheng fx. sana lang may maaninag kayo.


may puno kaya di makita ng buo yung buwan. may kotse din pala.

paglagpas sa puno

buwan sa tabi ng bahay

mas interesting sana ang pictures kong ipopost kung di kame hiningan ng permit kanina sa park. tsk tsk tsk. pasensya.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Monday, March 1, 2010

Lady Gaga O Tessa Prieto

Nitong weekend ay napanood ko sa news na si Jolina Magdangal, ang dating tinaguriang "walking christmas tree", ay nagpalit na naman ng image.

From being a "walking christmas tree" ay nagmature na sya.

At ngayon, wag ka! dahil si Lady Gaga na ang ginagaya nya.
(wow, rhyme)

Unfortunately, di ako makahanap ng videos or even pictures nung first time nyang lumabas as Lady Gaga. Well, ang comment ko lang ay medyo magkamuka naman yung suot nya at suot ni Lady Gaga sa Poker Face music video.

Lumabas na naman sya kagabe sa isang music game show (hindi ko alam ang pamagat). Pero mukang i-me-maintain na nya ang Lady Gaga look nya.

Ang nakakatawa lang, dahil sa OA ng pilik mata nya kagabe ay naging kamuka nya si Tessa Prieto.

Honestly, nainsulto ako sa ginawa nyang paggaya kay Lady Gaga. Wala syang karapatan. Wahahaha.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Friday, February 26, 2010

Double Choco Cake

Matagal ko ng pinagnanasahan ang Double Choco Cake ng Mister Pullman tuwing madadaan ako ng Ministop sa tapat ng office. At ngayon eto nga, nasubukan ko na at isa lang masasabi ko: Leche.

Kung ire-rate ko itech, 1.5 stars.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Thursday, February 25, 2010

ang nangyari

qoola. world chicken.

ayala triangle. FX. bahay.

sa amin sya natulog. sabay kame pumasok.
holding hands while walking.


ang napilitan magpost,
marydaisy

Wednesday, February 24, 2010

Date

Tama na ang stuffed toy, tama na Mobius strip, tama na ang chocolate.

Ayoko na. Naghihintay pa din ako.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Byaheng FX again

Tumutulong pawis. Masikip. Mahinang aircon. Trapik. Sobrang init. Nakakahilo. Nakakasuka. Nararamdaman ko na naglalaway na ko. Kinakabahan ako. Feeling ko hindi ko na mapipigil na masuka. Kung anu-ano na naiisip ko. Papara na ba ko kahit medyo malayo pa? O kakainin ko na ba yung baon kong hotdog para dun sa plastik sumuka? Nakakahiya. Makikita nila yung kakakain ko lang na hotdog sa plastik.

Nagconcentrate na lang ako. Focus. Mind over matter dude. At nagawa ko naman sya. Pagbaba ko ng FX nag-inhale-exhale muna ko bago tuluyang maglakad papuntang opisina. Nasusuka pa din ako, pero at least ngayon presko na at walang matabang babae na nang-iipit sakin.

Moral of the story: Pumasok ng maaga. Hindi mainit at hindi trapik.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Tuesday, February 23, 2010

Byaheng FX

Nalate ako ng gising. Inaantok pa ko pero kailangan ko ng bumangon. Kahit naligo na ko, inaantok pa din ako. Nagmadali na lang ako umalis para makatulog sa FX. Mahigit isang oras din ang byahe. Makakatulog ako ng mahaba-haba.

Kahit masikip sa gitna, dun ako umupo. Gusto ko ng nakasandal at ayokong mahirapan kung sakaling bongga mag-gas at bonnga mag-break ang driver.

Ang galing, kase feeling ko ilang minuto lang pag-alis ng FX sa terminal ay nakatulog na ko. At pagbukas ng mata ko, nasa Insular na. Kailangan ko na bumaba. At bumaba nga ako. Nang di nagbabayad.

Sorry po manong driver. Mababayaran din kita balang araw.

ang napilitan magpost,
marydaisy