- Two weeks ago, Martes, bumaba na ng barko ang demonyong asawa ng ate ko.
- Nang dumating ang Friday ay pumunta sila ng Sual, Pangasinan kung saan nakatira ang nanay ng demonyo.
- Lunes, bumalik na ang demonyo pero wala ang ate ko. Naglayas daw at tangay ang lahat ng kinita sa barko.
- Unang linggo na wala ang ate ko: nagpapaawa ang demonyo. Hindi daw makakapag-aral ang tatlo nilang anak na nag-aaral. Nagsisimula na kong mabuwiset sa ate ko, dahil ako ang sumasalo sa ibang gastusin ng mga anak nya.
- Makalipas ang ilang araw pumayag ang isa ko pang ate na kunin ang isa sa anak nila.
- Makalipas ang ilang araw pumayag na akong kunin ang baby (pang-apat na anak)
- Makalipas ang ilang araw nagbago ang isip ng demonyo. Naiinis na dahil hindi pa nagpapakita ang ate ko. Kinausap ang nanay ko at sinabing "Sunugin ko na lang kaya tong bahay kasama yang mga anak ng anak mo".
- Makalipas ang ilang araw nalaman ko na ang totoo. Nagtatago ang ate ko dahil nabugbog sya ng bonggang-bongga nang nasa Pangasinan pa sila. Hindi pa lumalabas dahil naghahanap ng tulong dahil baka bugbugin lang sya ulit at baka idamay pa ang magulang namin (nanunugod ang demonyo ng itak)
- Ni minsan hindi pumunta ang mga pamangkin ko sa bahay namin kahit kapitbahay lang namin sila at normal naman na lagi silang nasa bahay namin.
- Nang maghahalos dalawang linggo na ang nakakalipas dumating ang ate ko na may kasamang dalawang pulis. Takot ang demonyo mamatay. Sumama ng maayos.
- Sa byaheng papuntang presinto kasama ang isang anak (yung grade 3). Hindi pinapansin ang nanay nya. Kahit nang dumating na sa presinto hindi pa din umiimik.
- Sinabihan ng pulis ang bata na magpaalam na sa nanay nya dahil pinili ng bata na sumama sa tatay. Yumakap ang bata sa nanay nya at bigla nang nag-iiyak.
- Mas magaling umarte ang matanda. Hindi iniimik ng dalawa pa nilang anak ang ate ko. (First year college at third year highschool)
- Umalis ang demonyo papuntang probinsya para kunin ang bunso (utos sa kanya ng pulis). Isinama ang panganay para may hahawak sa bata pag pabalik.
- Sinamantala ang pagkakataon, kinausap ang anak na naiwan. Umamin. Tinuturuan daw sila kung anong gagawin at anong sasabihin. Umamin din na isang beses nang galit na galit na ang demonyo, sinabi sa kanila na kapag dumating ang nanay nila, bugbugin daw nila.
- Marami akong natuklasan: 1) Yung aksidente ng ate ko na nadulas daw at nabali ang kaliwang kamay, hindi talaga aksidente. Hinahampas ng walis tambo ang ate ko at naimpansalag nya ang kaliwang kamay nya. 2) Minsan nang nangyari na inutusan ng demonyo ang mga anak nila na pagpapaluin ng sinturon ang ate ko. Wala silang magawa, inutos na din ng ate ko na sumunod sila. 3) Hindi kinuha ng ate ko ang pera. Alam ng pamangkin ko dahil sya ang may hawak ng pera. 4) Sinabihan sila ng demonyo na kapag inamin nila na sinasaktan nya ang nanay nila ay makukulong sya.
- Humarap na sa DSWD ang mga bata, hindi ko pa alam kung ano ang balita.
- Pero hanggang ngayon nangingilag pa din ang panganay.
- The End.
P.S. Putangina kayong mga demonyo kayo. Mamatay na kayong lahat!
grabe! hindot na demonyo yan!!!!
ReplyDelete