Friday, October 15, 2010

6 na araw lang ba meron sa isang linggo?!!

Ang TANGA bow!
Ang tanga muntik na malate,
Kasi naman ang ulo ko tangina ang sakit,
Nawala sa isip ko na biyernes pa lang ngayon,
Kaya kung hindi naalala absent ako kung nagkataon.
Lagi ko na lang nakakalimutan na Friday pa pala,
Kasi ang feeling ko ang weekend ko ay napakahaba,
Turo dito turo doon,
nakaktamad ayoko na bumangon.
Kaso wala naman akong choice,
Kaya iniingatan ko aking voice,
Dahil ito lang ang puhunan,
Kapag nawala paano na lang.
Pera, pera, pera,
Tangina mo bakit nauso ka pa,
Kung wala ka simple lang ang buhay,
Kapag hindi nakakain eh di patay.
Ang masasabi ko lang ay 'nakakatamad',
Sana sa TV ngayon ay nakababad,
Antok na antok pa ako,
Putangina nyo patulugin nyo ko.

Tuesday, October 12, 2010

Makikibirthday this year!hahahha!

Kawawang bata. Makikibirthday muna ko this year. Pero sobrang happy ako. Kasi bagong experience tong taong to. Kasi si bahay ampunan kami magcelebrate ng birthday ni ate Shei. Oo na! Akala ng iba wala kaming puso.

Whatever!

Magaambag na lang ako ng pambili ng school supplies para man lang may share ako. At syempre para sa mga bata ito. Mas magandang bigyan sila ng magagamit nila. Lalong lalo na sa pag-aaral nila. Para matulungan sila sa magiging future nila after ng pag-aaral nila.

Naisip ko lang. Sobrang hirap sigurong tumira sa bahay ampunan. At naghihintay na maambunan ng konting atensyon sa mga taong dumadalaw sa kanila. Kaya dapat ishare ang blessing hindi dahil sa doble ang balik sayo nito o ipagmayabang kung anong meron ka. Pero para maniwala at makilala nila na meron talagang Diyos na pwedeng makinig sa kanilang mga dasal. (nakanaman)

Pero seryoso, maswerte tayo kasi may pamilya tayo. Nakakapagcelebrate ng mga birthdays kahit sa simpleng paraan. Nakakapamasyal sa kung saan kung kailan natin gusto. Kaya ayos din tong plan na to. Well sino ba naman kami? Hindi naman kami mga artista o pulitiko na kailangan pang magpapicture habang namimigay ng mga kung anu-ano sa mga bata. Simpleng tao lang. Ibig sabihin kahit sino pwedeng gawin to! Aja!

~ang nagtry magpakaseryoso~
kepyas

Friday, October 8, 2010

Teacha! Teacha! Pinagiinitan kami o!

PUTANGINAKA! sabi ng mga ibon, halaman, upuan, lapis, computer, papel, alikabok, aircon na hindi gumagana sa paligid mo.
Sunod-sunod ng tinanggal ang members ng team. Dahil lang sa sila ay nagkakasakit. Pagkatapos kang gamitin, itatapon ka na lang kapag wala ka ng pakinabang. Tamang napkin lang. Hindi namin alam kung anong problema mo samin. Pero lagi mo na lang sinisira ang araw namin. Pagkatapos ibalita na may namatay saming teacher(cher Jhao RIP), tsaka naman ibinalita na tinanggal na si Cher Pau. AWWW! wala ka talagang patawad. Siguro hindi ka tinatablan ng sakit. Kasi kahit ang sakit ayaw dumikit sayo. Kasi ang baho ng ugali mo. Mas masahol pa ang sangsang ng ugali mo sa putok at alipunga COMBINED! Hmmm.. I wonder kung anong vitamins mo. O baka naman pinsan mo si Robocop o apo ka sa tuhod ni Iron Man. Sana lang hindi ka magkasakit. Kasi pagtatawanan talaga kita ng major major. Tatampalin kita ng dextrose. At susukahan kita sa muka. First day pa lang yun. Kaya magpray ka na 1 day ka lang magkakasakit. Kasi sa mga susunod na araw, baka hindi ka na makabangon.

punong puno na
-kepyas-

Monday, October 4, 2010

Malas sa trabaho?!O talagang maraming KUPAL sa mundo?!

Pinoy, Chinoy, Arabo, Hapon, Jejemon, Emo, Punkista, Matanda, Bata, May anghit o wala. Wala ng tatalo sa Koreanong kilala ko. Hindi ko nilalahat ang mga koreanong masasamang ugali. Dahil ibang-iba tong kilala ko. Dito na sya lumaki sa Pilipinas kahit wala syang dugong pinoy. Minsan nga naisip ko na baka nakasama pa paglaki nya sa Pilipinas kaya sya nagkaganyan. Ibig sabihin ba tayo ang nakaapekto sa kanila?! Hindi rin. Pakiramdam ko in born na ang pagiging KUPAL nya. Magingat sa behang ito dahil gagawin nyang miserable ang buhay nyo. Nagpower trip, may pinagiinitan, may pinipiling kausapin at ngitian. KUPAL for short. Dati yatang bading dahil patalikod ka nyang titirahin. Nagawa na nya ang gusto nya. Naalis na nya ang isa naming kateam ng walang kalaban-laban. Dahil lang sa nagkasakit ka. Ok ka lang? Ano kami robot na made in Korea? Kahit pusa nagkakasakit no! Wag kang tanga! Kung hindi ko lang kailangan ng pera. Hindi ako magtitiis dito. Pero try mo lang kantiin ako. Bibilog yang mata mo. Sa ngayon titiisin ko muna. Habang wala ka pang ginagawa direct na ginagawa sakin. At patukoy lang mambibwisit.

..ang galit sa palakang kokak...
kepyas

Wednesday, September 8, 2010

pera, asan ka na?

andito ako! hanapin mo me!


hindi ba puwedeng simple na lang ang buhay?

hindi ba puwedeng wag na lang magtrabaho?

hindi ba puwedeng wag na lang makisama?

problema sa trabaho. problema sa sarili. problema sa trabaho. problema sa sarili. problema sa trabaho. problema sa sarili. repeat til fade.

sa totoo lang, malulutas ang lahat (ok hindi lahat pero karamihan sa problema ko) pag nalutas ang problema sa pera. pag maraming pera, hindi na kailangan magtrabaho. mawawala ang problema sa trabaho. pag may pera, mas madaling maayos ang sarili. mawawala ang ilang problema sa sarili.

ayoko naman magmukhang pera. pero sa nakikita ko, ito ang sagot sa lahat ng hinaing ko sa buhay.

kelan ba malulutas ang problema sa pera? kelan ba?


Friday, August 27, 2010

3000-pc Jigsaw Puzzle



2am na ko natulog dahil sa putanginang puzzle. naalala ko dahil sa isang drawing mula sa isang sprint retro ng julia ay bigla kong ginustong bumuo ng puzzle na bonggang-bongga ang bilang ng piraso, mga 1000. ganun.. kaya ng madaan ako sa robinsons galleria kagabi at nakita na ang 3000-pc jigsaw puzzle ay P150 lang (sa naaalala ko P900+ yung 1000pc), hindi na ko nagdalawang-isip, binili ko na agad. kaya eto ko ngayon. bangag.



ang kulang sa tulog (at sex din),
marydaisy

Monday, August 16, 2010

ANG SAKIT NG PUSO KO.

PAKIBUNOT PLEASE.

marydaisy

Sunday, August 8, 2010

grumpy mode.

ANG SAKET NG IPIN KO!!!!


GUSTO KO NA PUMATAY NG TAO!!!!



GRRRR.....

Wednesday, June 9, 2010

Ang buhay na madrama ay parang 1, 2, 3

  1. Two weeks ago, Martes, bumaba na ng barko ang demonyong asawa ng ate ko.
  2. Nang dumating ang Friday ay pumunta sila ng Sual, Pangasinan kung saan nakatira ang nanay ng demonyo.
  3. Lunes, bumalik na ang demonyo pero wala ang ate ko. Naglayas daw at tangay ang lahat ng kinita sa barko.
  4. Unang linggo na wala ang ate ko: nagpapaawa ang demonyo. Hindi daw makakapag-aral ang tatlo nilang anak na nag-aaral. Nagsisimula na kong mabuwiset sa ate ko, dahil ako ang sumasalo sa ibang gastusin ng mga anak nya.
  5. Makalipas ang ilang araw pumayag ang isa ko pang ate na kunin ang isa sa anak nila.
  6. Makalipas ang ilang araw pumayag na akong kunin ang baby (pang-apat na anak)
  7. Makalipas ang ilang araw nagbago ang isip ng demonyo. Naiinis na dahil hindi pa nagpapakita ang ate ko. Kinausap ang nanay ko at sinabing "Sunugin ko na lang kaya tong bahay kasama yang mga anak ng anak mo".
  8. Makalipas ang ilang araw nalaman ko na ang totoo. Nagtatago ang ate ko dahil nabugbog sya ng bonggang-bongga nang nasa Pangasinan pa sila. Hindi pa lumalabas dahil naghahanap ng tulong dahil baka bugbugin lang sya ulit at baka idamay pa ang magulang namin (nanunugod ang demonyo ng itak)
  9. Ni minsan hindi pumunta ang mga pamangkin ko sa bahay namin kahit kapitbahay lang namin sila at normal naman na lagi silang nasa bahay namin.
  10. Nang maghahalos dalawang linggo na ang nakakalipas dumating ang ate ko na may kasamang dalawang pulis. Takot ang demonyo mamatay. Sumama ng maayos.
  11. Sa byaheng papuntang presinto kasama ang isang anak (yung grade 3). Hindi pinapansin ang nanay nya. Kahit nang dumating na sa presinto hindi pa din umiimik.
  12. Sinabihan ng pulis ang bata na magpaalam na sa nanay nya dahil pinili ng bata na sumama sa tatay. Yumakap ang bata sa nanay nya at bigla nang nag-iiyak.
  13. Mas magaling umarte ang matanda. Hindi iniimik ng dalawa pa nilang anak ang ate ko. (First year college at third year highschool)
  14. Umalis ang demonyo papuntang probinsya para kunin ang bunso (utos sa kanya ng pulis). Isinama ang panganay para may hahawak sa bata pag pabalik.
  15. Sinamantala ang pagkakataon, kinausap ang anak na naiwan. Umamin. Tinuturuan daw sila kung anong gagawin at anong sasabihin. Umamin din na isang beses nang galit na galit na ang demonyo, sinabi sa kanila na kapag dumating ang nanay nila, bugbugin daw nila.
  16. Marami akong natuklasan: 1) Yung aksidente ng ate ko na nadulas daw at nabali ang kaliwang kamay, hindi talaga aksidente. Hinahampas ng walis tambo ang ate ko at naimpansalag nya ang kaliwang kamay nya. 2) Minsan nang nangyari na inutusan ng demonyo ang mga anak nila na pagpapaluin ng sinturon ang ate ko. Wala silang magawa, inutos na din ng ate ko na sumunod sila. 3) Hindi kinuha ng ate ko ang pera. Alam ng pamangkin ko dahil sya ang may hawak ng pera. 4) Sinabihan sila ng demonyo na kapag inamin nila na sinasaktan nya ang nanay nila ay makukulong sya.
  17. Humarap na sa DSWD ang mga bata, hindi  ko pa alam kung ano ang balita.
  18. Pero hanggang ngayon nangingilag pa din ang panganay.
  19. The End.

P.S. Putangina kayong mga demonyo kayo. Mamatay na kayong lahat!

Monday, May 24, 2010

Glenn Ha!


Buking ka na!

Nambuking,
Douglas

Friday, May 21, 2010

Try lang magpakaseryoso today..

The ABCs of achieving your dreams. :)

Avoid negative sources, people, places, things and habits.

Believe in yourself.

Consider things from every angle.

Don’t give up and don’t give in.

Enjoy life today, yesterday is gone, and tomorrow may never come.

Family and friends are hidden treasures, seek them and enjoy their riches.

Give more than you planned to.

Hang on to your dreams.

Ignore those who try to discourage you.

Keep trying no matter how hard it seems; it will get easier.

Love yourself first and most.

Make it happen.

Never lie, cheat or steal, always strike a fair deal.

Open your eyes and see things as they really are.

Practice makes perfect.

Quitters never win and winners never quit.

Read, study and learn about everything important in your life

Stop procrastinating.

Take control of your own destiny.

Understand others.

Visualize it.

Want it more than anything.

Xcelerate your efforts. (tindi ng spelling. HAHAHA!)

You are unique of all God’s creations, nothing can replace you.

Zero in on your target and go for it!

Thursday, May 20, 2010

Ang Pagkain ng mga Shushal


Para maging shushal, kumain ng shashimi kashi ang shashimi ay, Shobrang Sharap! Dinaig pa ang shobrang sharap na shinabawang shinigang!

Shige Kain Tayo,
Douglas

Wednesday, May 12, 2010

Casting Call: Berto

Dahil sa hindi ako makahanap ng cast para sa aking naunang ideya para sa Pilot episode ng aking pet project na web series, inisip ko na palitan muna ang pilot episode. Ito na ang bagong episode: Berto.

Berto - Sintu sintong Magkakariton na nangungulekta ng kung anu anong shit na pwede ibenta sa junk shop. - Ang unang naisip ko dito ay ang TOTOONG kasintahan ni KEPYAS, ngunit naisip ko na pwede din si RAMBUTAN sa role na ito.

Mary - teenager (o mukhang teenager) na nagpaabort ng baby.

2 Housewife - kung sino mang nanay ang willing makisali.

NOTE: bawal sumali dito si GENERIC, MARY DAISY, PELOMENA dahil sa iba kayong webisode.

Tuesday, May 11, 2010

Voting Rights

nag exercise ako ng rights ko as a Filipino at binoto ko
ang sa tingin kong magpapaunlad sa Pilipinas pero...


PUTANG INA!


binoto ng karamihang Pilipino ang isang retarded
na tao sa pagka Prez (duh! like u didn't alam what Prez means).
bukod sa kahihiyan na yan pumapangalawa pa ang
matalinong tao na ito (so talino talaga)

punyeta mukhang bobong presidente (in WoW jargon Rtard)
na naman ang papalit sa eleksyon na ito.

no offense pero kung ikukumpara mo po sa isang computer,
parang ipinagpalit mo ang isang CoreDuo na Computer
sa isang Pentium 2 (abNoy) at PC 286 (/gg)

sige mga pinoy! subukan niyo mag facebook, mag friendster
at magpaka jejemon sa Pentium 2 at PC 286, ewan ko lang
matutuwa kayo sa bilis ng mga computer na yan.


mga punyeta!

rambutan

Monday, May 10, 2010

Di Ako Bumbay

Matagal na akong nagpahiram.
At matagal ko na siyang siningil.
Matagal nang di ako binayaran.

Humiram siya ulit.
Binigyan ko naman.

Hihiram daw ulit.
Siningil ko muna.
Aba, magkano daw yung utang nya?

Kahit papaano naman sana tinatandaan niya hinihiram niya di ba?
Di naman kasi dapat siya kasali sa budget pero ayun....

Buti alam ko na ang paggagamitan nya ay hindi talaga kinakailangan.
Walang mawawala sa kanya pag di nya yun nabili.

Medyo kuripot nga siguro kaya may naitatabi at may naipapahiram.
Pero bawal ang abuso! Bawal!

Hay naku....

- Ang Nagpaskil (Just thinking out loud)

Friday, May 7, 2010

I LOVE MY NEW GIRLFRIEND

Grabe guys, I'm committed!

Alam ko mali pero tama lang na KARELASYONG ang PINSAN! OO kami na ni WENDY RIKKA BRILLANTES ECHAGUE, lagi ko syang inaakbayan at nagpapaksweet kami sa jeep. We have to make pakita it to BOYLIE HINDUTAN. Thanks din sa pagsabi na chubby ako, you are soooo not making it to your next birthday.

Nagmamahal ng Pinsan,
Douglas

I LOVE MY NEW BOYFRIEND!

guys may bago na nga pala kong bf ngayon!his name is CARL JOSEPH ECHAGUE PAPA.grabe love ko sya. at napakasweet naman.forever and ever babe!


nabiktima ng chismosa,
kepyas

Bieber Biri Bobo



Wow Bieber, You're so bibo. GERMAN? Magbasketball ka na nga lang.

Wag Kang Bieber,
Douglas

Thursday, May 6, 2010

Sabi ni Lady Gaga

Fa-fa-fa-fuck her face, Fa-fa-fuck her face
Fa-fa-fa-fuck her face, Fa-fa-fuck her face


kahitanona,
marydaisy

Wednesday, May 5, 2010

nakakatamad.

hay

bat ang hirap kumita ng pera?


Ang taong ginitna sa dalawang steel cabinets,
Pelomena

Casting Call: Jane

Humihingi po ako ng tulong sa mga butihin kong ex co workers. Ako po ay may proyekto na web series. Ang unang episode ay gusto ko ng ishoot. may script na at lahat.

eto ang mga characters.

Jane (Taba) - Matabang babae. mga 20ish years old.
Jane (Payat) - Payat na babae. Payat na version ng matabang Jane
Joseph - 18 Years old - kapatid ni Jane
Jessica - 15 years old - kapatid ni Jane
Inay - 50ish years old - Nanay nila
Dealer - Babae mga 25 ish years old. nagbebenta ng slimming coffee.
Taumbayan - dadaan daan lang.
IRENE - babangga kay jane sa daan. Babae. maliit mga 24 years old.

Irene - Ikaw yung next episode.

Help pfouh.

Naghihinaing,
Douglas

Ate Marian, Ate Marian



Maniniwala ba kayo sa kanya at sa mga sinasabi nya?

Byutipul,
Douglas

pangalawang post ^_^

unang beses kong magtuturo ngayon.
medyo nakakakaba.
sana lang maging maayos mamaya.

oo nga pala. 2 taon na kong nagtatrabaho.
pero wala pa rin akong ipon.
kelangan ng pera. madaming pera.

ang batang nawawala,
sayuri

Kahapon nabinyagan ako

Alas nuebe ako dumating ng opisina.
Dahil traffic.

Binigyan ng task ng ng 9:30.
Hindi gumagana ang project ko sa hindi ko alam na kadahilanan.
5:00 pm hindi pa din nila alam kung bakit hindi gumagana.
Nakigamit ng ibang workstation.

10:00 nakauwi.

Wahahahahahahaha!
OT wala pang 2 linggo sa trabaho.
Leche!


Bow.

Friday, April 30, 2010

3 dAyS lNg pH0w...

tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapus na


hindi ko na siya crush.

in other words....

bad Squishy! baaaaad Squishy!!!


Ang dating kulot,
Pelomena

Tuesday, April 27, 2010

Protesta Laban Kay Justin Bieber

Ako ay sobrang iritang irita sa singer na batang ito na si Justin Bieber. Ang liit ng boses. Parang nakaipit ang titi habang kumakanta. At ang nakakapagtaka ay sikat siya at walang araw na hindi ko sya naririnig sa mga ligaw na radio na nadadaanan ko, o sa bus, jeep, tv , internet, katrabaho blah blah. Ang sakit sa ulo! Mas ayaw ko pa sya kay Miley Cyrus at Jonas Sisters.n Nasa utak ko pa din yung "wan taymm... wan tym..." AARRRRGH!


Kaya ako ay magpepetition na magprotesta laban kay Justin Bieber. Ang nais lumahok ay ilagda lamang ang pangalan sa comments.

Wag Kang Bieber!
Douglas

Sunday, April 25, 2010

bagong trabaho. bagong buhay.

matagal na akong hindi nakapagsulat rito. masyadong busy. excuses, excuses etc. pero eto ang latest...

UNANG LINGGO

DAY 1
walang nangyari. pinapunta lang ako sa pesteng bangko para ako ang mag asikaso nung ATM ko. weird. nakuha ko ang laptop. wow windows xp. wow, naka-disable ang mga USB ports. wow ang daming password. may internet pero wag raw papahuli na nagb-browse. ang layo ng pwesto ko sa CR. at for some reason, nawawala ang pantry.

DAY 2
Eto ang mga natutunan ko:
1. walang gwapo. pero may SUPER gwapo. mukhang model (model nga ata talaga siya). Pag naglalakad siya eh parang naririnig ko yung mga tili ng mga babae. kaso hindi ko siya type. yun lang.

2. ang tahimik nila. hindi ako sanay. nakakahiya kumain ng malakas kasi rinig ito sa buong floor. at amoy ito everywhere. dyahe mag yakisoba.

3. may laptop nga ako pero di ko malagyan ng plants vs. zombies.

4. bawat galaw mo dapat may permission. kapag kailangan mo ng access sa isang SHARED folder, kailangan mo magpapirma ng form sa project manager mo tapos ibibigay ito sa IT. nawalan ng essence ang term na SHARED.

5. there is something ergonomically wrong with my seat. pagtayo ko masakit ang pwet ko. OO, pwet. hindi legs. hindi hita. PWET. ang labo.

DAY 3-5
binigyan ako ng task pero hindi ko alam kung paano gawin kaya hinulaan ko na lang. napasa ko naman sa temporary bossing ko kaya ramdam ko naman eh may nagawa akong may kwenta. may time sheet rin pala sila na web-based. kaso may problema sa account ko kaya hindi ako nakapag log ng oras.



PANGALAWANG LINGGO

Highlights:

nasa training ako nito sa ibang building at medyo mas maganda ang oras kasi mas maaga kami pinapalabas. pero dahil sa gusto ko muna magpa-cute, dumadaan muna ako sa office ko at nagch-check ng email.

nailagay ako sa delinquent list kasi hindi raw ako naglagay ng oras sa time sheet. putanginang time sheet. para akong minumulto.

nakuha ko rin yung ATM card ko pero nung papalitan ko na ng PIN, kinain ng ATM machine yung card.

panalo.

natapos ang training at pumasa naman ako. bukas magtutuos kami ng boss kong tunay.

sana mabait sya.

at eto pa pala nalaman ko......

hindi pala ako marunong mag-Excel.


ang dating kulot,
Pelomena




Pormal pormalan

Pers day ko nuong Biyernes.
Nakakapanibago.
Ang tahimik. Ang pormal ng suot. Masyadong malinis ang buong lugar.
Desktop. Blocked sites at scheduled bus.
Ang daming bago.

Ang hindi na bago... Wala akong pera. Its official. Wahhahahaha
Sana makasweldo ako sa bago kong kompanya.

Ayun lang.

Singit.
Maganda sa centerstage.
wahahahaha
videoke ulit!
patak patak na...
hahahaha


Bow

Thursday, April 22, 2010

GIBO


ATING IBOTO!

ang ayaw masabihan ng putanginanyo,
marydaisy

Wednesday, April 21, 2010

TANGINANYO

magblog kayo

pretty please

Douglas

Tuesday, April 20, 2010

Sa Mayo Kayo Ay Matakot

Halos dalwang buwan na lang, eleksyon na. Tae. Tapos ngayon ang laman ng mga balita ay naacquit na ang magkapatid na Ampatuan sa mass murder na pinaratang sa kanila. Hindi ba yun nakakatakot?

Wan. Sure win na si Gloria sa pagkacongresswoman. Ibig sabihin, sa susunod na national election, maaring tumakbo si Gloria uli. Matutupad na ang kanyang hiling na maging prime minister o mas-malala, maging queen ng Pilipinas.

Tu. Alam ng lahat na ally ng mga Ampatuan si Gloria. At dahil malapit na ang eleksyon, kakailanganin ni Gloria ang tulong ng mga Ampatuan para masunod ang kanyang diabolic plans. Tanda nyo nung na-zero si FPJ sa Mindanao? Exactly.

Tri. Sino nga ba ang ineendorso ni Gloria? Si Gibo ba talaga o si Villar? Sa tingin ko si Villar. At dahil dun lahat ng mga bahay natin ay papatayuan ng kalsada.

Por. Pagnaisakatuparan na ang mga diabolical plans, gugunaw na ang Pilipinas.

Kailangan magingat. Delikado na.


Nangangamba,
Douglas

Monday, April 19, 2010

Friday, April 16, 2010

Morning Breakfast

I like milk, as matter of fact I use it every morning
on my cereal but when it comes to my coffee I
like this even better

potek kasalanan ng butter na yan, tumalon
at natunaw agad sa nag-iisa kong serving ng coffee,
mukha tuloy ginisang kape ang kinalabasan


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Thursday, April 15, 2010

Douglas' President Pick


Sa darating na Mayo, itaga nyo po sa bato, assuming na boboto ako, ang iboboto ko ay si

PECK CANTAL

bukod sa ang pangalan nya ay parang kontrobersyal (pekpek na may pantal), kung nababasa nyo ang pinangako nya sa campaign ad na ito, yayaman tayo at aahon tayo sa kahirapan gawa nya. Ayaw nyo ba ng pangulo na nagbibigay ng isang libo kada buwan? Kung gusto nyo, halina at sabay sabay natin ipangampanya at iboto si Kep.. Peck Panta.. Peck Cantal!

Desedidong Bumuto,
Douglas

P.S.
Para sa mga hindi makabasa ng kanyang ad, ito ang nakasulat

Peck Cantal for President, maawa po kayo sa akin iboto ninyo si CANTAL pagka presidente ng Pilipinas, bata at matanda bibigyan ng sampung libo kada buwan at habang buhay.
Walang Halong Pek,
Douglas

Wednesday, April 14, 2010

Make Nuod



Panuorin nyo

Douglas

May Nagping...

Kinausap akong bigla...

Kakaiba...

Weird...

Ewan...

Pilit????

Ewan...

Hindi ko alam...


Tinatamad,
Emong

Monday, April 12, 2010

Free Basic Guitar Lesson


















Nag-umpisa na kahapon ang Libreng Guitar lesson para sa mga bata sa aming subdivision. Iminungkahi ito ng aking dakilang ina sa board para may magawa ang mga bata ngayong summer imbis na mangamoy araw at pamugaran ng mga kuto ang ulo. At syempre kami ni Dinno ang naisip nyang magturo sa mga bata kasi kami lang ang papayag magpabayad ng sago't gulaman at kamote cue (cheap!). Ayos lang naman din kung makakatulong sa mga batang may gusto at mahirap din namang walang ginagawa tuwing linggo sa bahay. Pero ang nakakalungkot lang ay 2 lang ang may gustong matuto. Pareho namang babae kaya cool pero mas masaya sana kung madami. Pero naisip naman namin na ok na din ito para mas madali namin silang matutukan at madali silang matututo dahil wala pa talaga silang background sa pagigitara. Challenging ang isang bata na nagngangalang Sarah (10 yrs. old) dahil matitigas ang kanyang daliri. Pero pursigido sya matuto kaya choks lang. Ang isa naman ay si Kaye (14 yrs. old) madali sya makapick-up ng tinuturo namin kagaya ng pagbabasa ng chord chart na talaga namang importante sa pagigitara dahil dito ka matututo. At ang isa naman ay ang aking kapatid na si Maco na nagsilbing pamparami lang. Mas gusto nya nag pagdadrums kaya nagmistula syang tuod sa tabi ko kahapon. Sana ay madagdagan pa kami next week. At kapag nabawasan pa kami ng isa, tigilan na lang ang kalokohang ito.

Ang apo ni Pepe Smith,
Kepyas.

Bumababang Kalidad ng Pagsasalita ng Filipino


Matagal na akong nababagabag ng issue na ito, at matagal ko ng gumawa ng write up tungkol sa issue ng pagbaba ng kalidad ng pagsasalita ng wikang Filipino. Hindi naman sa nagpapaka Nationalistic ako, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi natin gamitin ang bonggang wika natin kagaya ng bonggang paggamit ng mga Hapon sa wika nila. Kung hindi obvious yun ay, tingnan nyo na lang yung mga hapon channels nyo sa TV. Hapon na ang sinasalita, Hapon pa din ang subtitle. Sa atin, pagalingan magenglish.

Naalala ko dati nung ako ay 4th year college, nagsimula na ako magtrabaho. Nagturo ako ng (woo!) basic java programming (woo!) sa mga high school teachers. Dun sa isang tinuruan ko, natuwa ako at pinahirapan ang mga teacher. Hindi pa matapos ni teacher ang aking pinapagawa kaya ako muna ang nagturo sa isa nyang klase. Nagturo ako ng flow chart (woo!). Walang humpay akong nagtagalog ng nagtagalog hanggang sa malapit na akong matapos at kating kati na ako magbigay ng exercise nang biglang may nagsabi sa akin na kelangan ko ulitin ang sinabi ko "in English" kasi may mga Koreanong estudyante. Inulit ko. Sa isip isip ko. Kung gusto nyo magaral dito, dapat kayo ang marunong mag Filipino. Pero hindi, tayo ang nagaadapt. Wala lang.

Hindi ko din maintindihan kung bakit masaya magenglish. Nakakapagpatalino ba ito or nagmumukha kang mayaman o cute? nakakapagpaganda o nakakapagpagwapo ba ito? Maayos ako magenglish pero bakit pangit pa din ako at ang ID ko? Wala naman masama sa pagenglish. At wala naman nagbabawal na magenglish ang mga tao. Weird lang. Naalala ko may nakasabay ako sa bus. Tatlo sila, dalawang babae at isang lalakeng alanganin. Todo english sila, at halatang call center agents or team leads na sila, hamusha. "Bummer!", "like", "OH EM JI!", "like", "DARN IT!", "For real?", "like", "I know right?", "LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE...". Alam ko napakalaitero ko naman kung sabihin ko na nainis ako sa paguusap nila. Actually, wala naman ako pakielam kung ganun sila magusap, pero ewan ko lang ha, may accent pa. Ang dating sa akin ay trying hard. May pinsan ako na nagtatrabaho sa callcenter. Pero hindi sya ganun. May mga kilala din ako na nagcocall center. Pero hindi sila ganun. Tapos sila. Ganun. Like farrang sooooh i wanna make buhos them with wa-er. Konyo ba yun?

Kamakailan lamang ay kumain kami sa GT tower, ako si kepyas at si rambutan. Nagalit (as usual) si rambutan ng nakarinig sya ng "What is your pangalan?". O KAMON! isang word na lang hindi pa nya ginawang english lahat. Tsaka naman, of all the words, yung pangalan pa yung naisip nyang tagalugin. Wala lang ulit. Nakakainis lang.

Pero ang epidemyang kumakalat ngayon ay yung "Jejenism" o yung walang habas na pagpapacute at lantarang pagpapakita ng kabobohon sa pagtatype, sa facebook, sa email at lalong lalo na sa text. Nakaget over na ata ako dun sa walang humpay na pagaabbreviate ng mga salitat tulad ng "How r u?" o di kaya "Sn k n b? d2 n q". Nakagetover lang ata ako sa ganyan kasi may iba ng masnakakainis na nauuso.

Para malaman mo kung JEJEMON ang kausap mo, tingnan kung papano mag eevolve ang pangungusap na ito:

"Hi!, Ako si Douglas, 24 years old, mahilig uminom ng kape sa startbucks dati."
Note: naitype ko ang sentence na ito less than 5 seconds.

Symptom #1
Kakaibang pagcacapitalize ng random letters sa pangungusap.
"Hi! AkO si DoUglAs, 24 yeARs OlD, aT MahiLig umiNom Ng KaPE StaRBuckS DaTi."
Note: naitype ko ito ng mga 10 seconds

Symptom #2
Masyadong magalang. walang kamatayang paggamit ng PO.
"Hi! AkO pO si DoUglAs, 24 yeARs OlD pO, aT MahiLig pO umiNom pO Ng KaPE StaRBuckS DaTi pO."
Note: naitype ko ito ng mga 15 seconds

Symptom #3
Abbreviate! Gamitin ang Q - KO! Alisin na ang "A" pagobvious na.
"Hi! Aq pO C DoUglAs, 24 YrS OlD pO, n MhLg pO miNom pO Ng KPE StRBckS DTi pO."
Note: naitype ko ito ng mga 20 seconds

Symptom #4
pag abuso ng H, Z, C, Y, F!
"Hayzzz! Aq pFOh C DoUglAz, 24 YrZ OlD pfOH, n MhLgZ pfOh miNom pfOh Ng KPEh ZtRBckZ DTi pfOh."
Note: naitype ko ito ng mga 30 seconds

Symptom #5
Nagpapacute! parang nagbebaby talk kausap. Ang mga salitang nag tatapos ay waring nagtatapos sa "OW" o "OU"
"Hayzzz! AqHoW phOw C DoUglAz, 24 YrZ OulD phOw, n MhLgZ pHOw miNowHm phoW Ng KPEh ZtRBckZ DTi phOw."
Note: naitype ko ito ng mga 50 seconds

Symptom #6
Paguulit ng magkakatunog o magkakahawig na mga letra tulad ng F at P, C at K, C at Z, S at Z, V at B o pagpapalit ng mga letra sa mga kahawig nitong numero
"HayZzz! 4kqHoW ph0uW C DoU6l4sZ, 24 YrsZ OulD pfhOw, n4h M4hL6Z pfHOw miNowHm phoW Ng K4hPEh ZstRaVuckhZ Dz4hTih pfhOw."
Note: naitype ko ito ng mga 70 seconds

Symptom #7
Paggamit ng mga pacool na terms tulad ng chillax, o ng mga cringe worthy catch phrases
"HayZzz zSa m64 fUnS qHuoW! 4kqHoW ph0uW C DoU6l4sZ, 24 YrsZ OulD pfhOw, n4h M4hL6Z pfHOw meH Mha6CgiLLaXz zSah ZstRaVuckhZ Dz4hTih pfhOw."
Note: naitype ko ito ng mga 100 seconds

Kapag ako ay nakakatanggap ng ganyang mga messages, text messages o email ay nahihiwagaan ako. Napakahirap gawin, at napakahirap din intindihin. Naging issue na din dati na nakakabobo sa spelling ang pagtetext kasi nga nagaabbreviate palagi ang mga tao kapag nagtetext. Nakakalimutan kung ano ngang letra ang silent at kung anong mga letra ang dinodoble. Tapos ngayon ay nakaimbento na naman ang mga tao ng mas-ikabobobo pa nila. Una sa lahat. Walang maintindihan. Pangalawa nakakainis. Pangatlo, nakakapanggalit.

Nambabasag nga ako ng trip. Pero kapag kakilala ko ganyan, babasagin ko ulo.

JULIA BUCKET LIST

JULIA BUCKET LIST
(minus Mike)

***
Magpaaral ng bata for one academic year.
    Dapat ang pangalan ay Julia.

***
Mag-inom.
    ...Like super.

***
Mag-comedy bar.

***
Out of town.
    Somewhere South na walang putukan.

***
Out of the country.
    Ang target ay next year. Within SEA.


Ito ang napag-usapan. Pero pwede pang baguhin.

ako,
marydaisy

Thursday, April 8, 2010

How to Report Sexual Harassment by A Co-Worker

MANYAK KANG PUKINGINANG HINDOT KA! BABANGASIN KO NA MUKHA MO!AKALA MO HINDI AKO GAGANTI! UNGGOY! HINDI MO KAKAYANIN! BWAHAHAH!

Wednesday, April 7, 2010

Wish Ku-Lang.. (The Timawa Edition)


Dear Wish Ku-Lang,

Sumulat po ako para sa aking matalik na kaibigang si Anita Linda-muho dahil ako po'y naawa sa kanya sa tuwing pinagtatawanan ang kanyang ID. Daig pa nya ang may ketong kung sya ay pandirihan at alipustahin ng mga taong akala mo ay may perpektong katauhan (at kami yun ni rambutan). Sa hindi po kasi sinasadyang (o talagang sinasadyang) pangyayari, may nambaboy po ng kanyang larawan sa kanyang ID. Hindi ko na po ipapakita ang nasabing larawan dahil ito po ay karumal-dumal. Hayaan na lang po natin itong maging isang palaisipan sa mga nanonood.

Nung minsan nga po ay kanyang naiwanan ito sa aming kinainan sa ayala at dali-dali kaming bumalik upang kunin ito dahil baka may iba pang maapektuhan ng masamang karanasang ito. Nang aming balikan, inabot sa amin ito ng isang mama na wari inipit sa kanyang dalawang palad ang ID na parang itinatago nya ang larawan. Malamang po ay ayaw na nyang maulit pa ang pagkabiglang muntik ng kumitil sa kanyang buhay. Talaga pong ako'y awang-awa sa kanya dahil nasiraan na po yata ng bait ang aking kaibigan. Dahil sa tuwing makikita nya ang sariling mukha sa ID ay hindi na nya mapigilan ang pagtawa.

Mayroong hindi mapaliwanag na sumpa sa likod ng ID na ito. Sana po ay matulungan nyo po kaming matuklasan ito. At mangako po kayo sa puntod ng inyong yumaong lola na hinding hinding hindi po kayo bubungisngis o ngingiti man lang.

Lubos na Humahalakhak,
Kepyas.







Kape Amishuna

Hay. Dala ng aking pagbabalat kayo at pagpapanggap, hindi na din ako umiinom ng kape. Oo, hindi na. Dati sa aking past life ay nakaka tatlong baso ako ng malaasukal na kape. Ngayon, tubig at coke na lamang. Hindi ko naman nais na bitiwan ang paginom ng kape ngunit kailangan lang talaga. Ito ang mga dahilan.

  1. Sobra na ata ako sa asukal. Kapag ako nagkape may 3:1 ratio ang asukal sa kape.
  2. Walang MILO. Hindi ako umiinom ng purong kape kasi nakakapandilat yun ng sobrang sobra. Kailangan may halong MILO para hindi masyado matapang. Ang MILO ay pangontra sa pait, dapat may 2:1 ratio ang MILO sa kape.
  3. Walang MUG. Kelangan magdala ng sariling mug. At dahil malakas nga ako magkape, nakakahiya kung marami akong baso sa aking lugar (tubig, kape, kape, tubig, coke, coke, coke, coke)
  4. Ang paginom ng kape ay nakakapagpaihi ng bonggang bongga. At dahil nga common CR, nakakahiya na palabas labas ako lagi ng opisina para umihi lamang.
  5. Panghuli at pinakamahalaga. Nakakatae uminom ng kape. COMMON CR. TAE. MAHIRAP. Tangina this.
At dahil dyan, hindi na ako nagkakape. Ngayon ay naghahanap ako ng alternatibo.
  1. Tubig - nakakainom ako ngayon ng 4 - 6 anim na starbucks baso na tubig. Parang taymis TWO yun kasi malaking baso ang gamit ko.
  2. Coke - ano pa ba? bagama't di healthy, masarap naman. Wag nga lang bibili ng REGULAR COKE sa McDonald's kasi ang P25 pesos na coke sa kanila ay parang dalawang TAKAL lamang na coke.
  3. Gamot sa hika - nakakanginig din parang kape.
Mayron ba kayong masasuggest?

Tuesday, April 6, 2010

SERYOSO!?!

ANAK NG !@#$%!!! 10 MINUTO BAGO MAG-1. HINDI MO PA TALAGA NAHINTAY BAGO AKO GUMISING! AT SA SOBRANG IMPORTANTE BA NG IPAPAGAWA MO NANGGISING KA! PARA LANG MAGPAPRINT NG 2009-2010 NA POLICIES NA DAPAT HINDI KO NA GINAGAWA DAHIL MAY RECORD NAMAN KAYO! MGA BURARA! LAHAT NA LANG KAMI DITO INUTUSAN MO NA! DAIG MO PA BOSS KO ANIMAL KA! KAININ MO LAHAT TONG PINAPRINT MO O IPAPASOK KO SA TUMBONG MO! WAG KA PAPAHULING NATUTULOG SAKIN! UUTUTAN KO BUNGANGA MO! KAYA MADAMING GALIT SAYO KASI HALIMAW KA! MUKA KANG PERA! BUTI SANA KUNG BINIBIGYAN MO KAMI! EH HINDI NAMAN! PERO KUNG MAKAUTOS KA PARANG IKAW NAGPAPSAHOD SAMIN! PATI LALAMUNIN MO PINAPABILI MO PA SA MESSENGER SAMANTALANG NAKABABA KA NGA PARA UTUSAN SYA! HINDI MO MAN LANG BINIGYAN NG PANGKAIN! ANG LUPET MO! SANA MASAYA KA SA PAGPAPAHIRAP SAMIN!

CONGRAAATULATIONS!!!

ANG GALIT NA GALIT NA GALIT,
Kepyas.

pagkakaroon ng silbi

nais ko lamang ipabatid sa madlang people na meron na phow me silbi sa company i'm working phow. yesterday phow xe like kahapon they gave me task na as in task like work noh


un lang phow


mabuhok ngunit makasta este makatas

rambutan

Monday, April 5, 2010

5...4...3...2...1...

isa-isa na silang nag-aalisan.
nalalagas na parang bulbol ni Lola Carmelita de Francia y Azuzena.
inunahan pa nila ko.
samantalang last year pa ko nagpaplano.(hindot!)
paalam na lang mga kaibigan.
hindi nyo na makikita ang pagaalsabalutan ko.
nag-iinar kasi kayo.
sana ay maging masaya kayo sa tatahakin nyong bagong landas.
adios!

inunahan na naman,
Kepyas.

Gastos

Bibilin ko na ba ang aking pangarap na gitara bukas?
O sa susunod nang sweldo...

Shet ang mahal...

1 Month Down

5 more to go bago ko maabot ang rurok ng kasiyahan. Ipagdasal nyo ako na kayanin ko pa ang aking ginagawa. Katulad nga ng pinost ko sa facebook, hinihintay ko yung araw na gugustuhin kong gumising kada weekdays (di ko alam tagalugin, a e linggong araw?). Sana yun ay hindi pangarap lamang.

Umagang Kay-init,
Douglas

Wednesday, March 31, 2010

Follow Up: Rampant na pagtae

gaya ng naikwento ko sa inyo kanina.
pagkadating ko dito at pagpunta sa CR
may tumatae heheh



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Tuesday, March 30, 2010

Walang Gana

may natanggap na mail...

nalungkot...

nawalan ng pag-asa sa isa pa...

nawalan na ng gana...


kailangan ng Appebon,
Emong

ECG results

Nagpatingin ako nung Wednesday last week ng puso ko kasi sumasakit ang hindot at nagpapalpitate ako ng bonggang bongga. Masakit. Shit.

Tapos sinabi sa akin na bumalik na lang daw ako ng friday para sa results. Galing no? Pano kung may butas na pala puso ko at mamamatay na ako sa friday, sa friday ko pa malalaman na mamamatay ako ng araw na yun kasi sa friday pa yung results.

E di bumalik ako ng friday. Kasama si kepyas. Inabot ang claim stub shit para makuha ang results. Umupo at naghintay. Tapos biglang balik ng stub sa akin na may numero na nakalagay at sabi sa akin na sa lunes na lang daw kasi walang titingin ng results ng ECG ko. Tawag daw muna ako bago ako pumunta. Nice.

Tumawag ako ng Lunes. Wala pa din.

Ngayon Tuesday, pumunta na lang ako ng walang tawag tawag. nakuha ang results. Ang sabi.

"Normal naman ang heart mo, mabagal nga lang"

Kelangan ba ako matakot?

Mabagal ang Puso,
Douglas

muni muni

nakakatuwa sa kadahilanang may dereksyon ang buhay ko ngayon.
sa kadahilanang maayos kausap ang team lead ko, so far...




mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Monday, March 29, 2010

------------------------------

Kanina natatawa....

Kanina natutuwa....

Ngayon naiinis...

Ngayon nanggagalaiti...

Nababaliw na ata ako...


Nasisisa,
Emong

"JUMANJI"

Biyernes. Alas singko ng hapon. Naglalakad pauwi sa walkway papuntang edsa. May nakasabay na sobrang sexy. Hindi malaman kung babae o lalake sa kadahilanang madami na ding nakapanlolokong bading ngayon. Kaya ninais kong iconfirm ito bago manghusga. Ngunit hindi sya maabutan dahil sa bilis nyang maglakad at tila nagmomodel sa runway ang drama ng lola mo dahil sa gitna pa talaga sya naglalakad at tinodo ang pagkafierce nya. Lahat ng nakakasalubong namin at nauunahan nya sa paglalakad ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kanya dahil na din siguro sa angkin nitong alindog. Pero ako'y napabulalas ng bigla syang lumingon at ako'y namangha. Ang tangi ko na lang nasambit ay "MAMA! TSUP! TSUP!" Dambuhalang joga ang muntik ng sumampal sa aking pagmumuka. Kaya naman pala nagsisipagtinginan sa kanya ang mga tao dahil tinatawag ang kanilang pansin ng mahiwagang bola. Mapa-babae o lalake ay hindi maiwasang magcomment sa nakikita. May mga nagbubulungan at natatawa. May edad na ang babae. Mga nasa 40 na sya. At halatang operada ang iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Pati na din ang kanyang ilong. Kawangis nya si Anita Linda (Douglas). Sobrang liit ng kanyang bewang kaya lalong lumulutang ang dalawang globo. At ang laki ng kanyang pwet at balakang. Nagpupumilit na maging barbie ang kanyang katawan ngunit hindi nagaya ang mukha. Ang highlight ng kaganapan na ito ay ng may nakasalubong kaming grupo ng bading at isang babaeng bakla. Hindi nya napigilan matawa at biglang nasambit, "JUMANJI!"

Proud sa ga-tigyawat na boobs,
Kepyas.

ano na nga ulit?

hay paulit ulit na lang. nakakapagod na.

ayoko na.
ayoko na.
ayoko na.

(repeat 10x then fade)


Ang Dating Kulot,
Pelomena.

Day 6

sana naman sa araw na ito, pumasok na ang
aking team lead kundi mukha na naman akong
tanga kaka-research ng mga bagay bagay na
di ko alam



mabuhok ngunit makatas,

rambutan


p.s. naghihintay pa rin ako sa reply nila regarding sa trip ko

Saturday, March 27, 2010

Ako ay Nagahasa...

... ang ID ko, nagahasa.

Dapat di ko na pinakita kay RAMBUTAN at kay KEPYAS kasi imbis na maawa sila sa akin ay pinagtawanan pa nila ako.

Ngunit... ako ay natatawa din, parang ibang tao ang nasa ID ko, nakakatakot.

Didikitan ko ng ibang 1x1 na picture, tapos papalaminate ko uli.

Ang nagahasa,
Douglas

Ang Buhay ay parang gulong ng isang sasakyan

nakakasagasa ka ng tae



yun lang



mabuhok ngunit makatas

rambutan

Friday, March 26, 2010

Taxi Drama No. 187 - Epilogue

Mula nung sumakay pa lang kame sa cab ng damuhong driver
eh kinuha na namin ang plate number at phone number ng operator.

Matapos ang kagilagilalas na mga pangyari, pagbaba namin ng cab
at habang nag-aattempt sumuot sa mga kanto ng san juan ang
tarantadong driver:

Diane: Tignan mo yung plate number
Ako: O? Anong meron?
Diane: Iba dun sa nakasulat sa loob.


At doon ko na naisip, na sana nga ay kinaladkad ko na
ang gago sa presinto. Tinawagan ko ang number na nakuha namin sa cab
at pinaalam sa kanila ang nangyari sa aming byahe.

Ako: Ah teka, so wala kayong taxi na PXI155?
TaxiOperator: Nako sir, wala po.
Ako: So sinasabi mo ba sakin na iba yung plate number
sa loob ng taxi nyo sa nakasulat sa labas?
TaxiOperator: ...
Ako: Sige, alam naman na natin pareho na may posibleng may
modus kayo, kaya sabihin mo jan sa gago mong driver kung me
plano syang rumesbak eh idadamay ko kayong lahat jan. Ayos?
TaxiOperator: Ayos po.


Kay ingat po sa taxi operator na ito:
Jonaanne Cab.
Ang plate number ng gagong driver na si Mr. Bonaohan ay
PXY156
Green na sedan, muka pang bago

Taxi Drama No. 187

Nung Lunes, tulad ng araw araw na ginagawa namin ng aking
commander-in-chief eh nag-taxi kame pauwi. At tulad ng karamihan
ng mga taxi sa Maynila, ito ang drama noong araw na yon:

Driver: San kyo?
Ako: Sa San Juan, bago lang mag Blumentrit.
Diane: Boss, pwedeng wag tyo dito sa gitna ng kalsada mag-usap,
nasa gitna ka kase sa kalsada sa Makati.


At sinakay naman nya kame. Pero sa kalandian ng manong
driver eh hindi namin maintindihan kung bakit sya nagte-text
at tumatawag pa gamit ang kanyang celphone habang nagmamaneho.

Diane: (bulong sakin)bawal magtext
habang namamaneho, diba?
Ako: Yep, bayaan mo na, traffic naman eh.


Paglagpas namin ng traffic, habang humaharurot kame sa tulay ng Makati-Mandaluyong:

Ako: Ser, hindi ba bawal mag telepono habang nagmamaneho?
Driver: Ah, oo, pag nahuli, pag nakita..
Ako: O, eh diba nakikita kita? Ano pang ginagawa mo?
Driver: ah, cge po..
Ako: (sabay tingin sa metro) At yang metro mo mabilis.
Araw araw akong nagtataxi pauwi at 60-80 pesos ang pamasahe,
kasama na traffic don. Wala pa tayo sa kalahati ng byahe 82.50 na yan?
Diane: (pabulong sakin) Ah shit, oo nga no..
Ako: Pag umabot ng 120 yan hindi kita babayaran.


At biglang ayos si gagong driver.

Ang normal na binababaan namin ay sa bahay mismo,
ngunit sa pagkakataong iyon, sa ibang lugar namin planong magpababa.

Pagdating sa bababaan:

Ako: (tingin sa metro, sabay abot ng saktong 100 pesos)
Sisingilin mo pa ba kame nyang sobrang 12 pesos
kahit alam nating pareho na dinudugas mo kame?
Driver: Kung mabigat sa loob nyo eh..
Ako: Eh gago ka pala eh, tinatarantado mo kame,
malamang mabigat sa loob ko.
Diane: (*!*&!*^!(!)%^%&^!$!
Ako: *sabay bagsak ng pinto*


At dahil hindi naman siya makapalag, nag-attempt na lang
syang mag-asar. Binaba na lang nya ang kanyang bintana:

Driver: Baka naman po mabasag yung bintana,
konting ingat naman po *kupal na ngiti*
Ako: Aalis ka na ba? O babasagin ko muna yang muka mo bago
kita kaladkarin dyan sa prisinto?


At nagulat na lang siya na prisinto nga ng pulis ang pagtawid ng
aming binabaan. Sabay liko at tago sa kung sang kanto.

Sir Douglas

wag na phow ikaw tampo. post naman me

kung excitement sa buhay ang hinahanap mo saken
sa palagay ko eto na un, ang mag post dito at
sumabay maglunch sayo.

technical side: punyemas! inaaral ko ang hibernate
ng walang spring! kasi need ko sya potek.



ang pinagkaitan ng ym, gmail, gtalk at facebook
mabuhok ngunit makatas

rambutan

Post

Matagal na din ako hindi nakakapagpost dito. Lalo na yung iba jan hindi na talaga nagpopost. Sa bagay. Mahirap magpost lalo na kung wala naman magandang nangyayari sayo. Lalo na yung kakwento kwento.

kahapon, may sakit ako. Nung isang araw, depressed ako. Ayan. Yan na ang summary ng buhay ko sa mga nakaraang araw. Ang saya.

Dakila ngunit hindi lumpo,
Douglas

Thursday, March 25, 2010

2nd Shift

T_T kasalukuyan ginawa po akong 2nd shift na ang oras ay 8:30-5:30 instead of 7:30-4:30. hindi ko na madalas makikita ang Araw sapagkat may malaking chance na umalis na sya paglabas ko ng building.


on the other side: learning EJB3 phow me eh.



ang pinagkaitan ng gmail, gtalk, facebook at ym
at ang mabuhok ngunit makatas

rambutan

Wednesday, March 24, 2010

Sa Bahay ni Kuya

Kumakailan lang ang nagbabadyang ma-evict ang ilan sa kasambahay ni Kuya.
Nakatatlong strikes na kasi ang mga kasambahay.

Bagama't iyon ay bahay ni Kuya, ang kanyang butihing maybahay, si Ate, ang namamahala nito. Alamin natin sa mga larawan ang kanyang mensahe.

Strike I
Isa ako sa may gustong laging nakasara ang pinto at ito'y alam ni Ate. Pero ba't nga kaya di magawang isara ito palagi ng mga kasambahay. Nababale-wala kasi ang mga screen sa bintana kaya gusto ko ring nakasara ito palagi. Sa ganitong paraan walang bumubulong-bulong na lamok sa tainga ng luhat tuwing matutulog na sa gabi.

Strike II
Kung may oras para kumain ay siguro naman may oras din para makapaghugas ng kinainan. Di na dapat hintayin ang mga ipis para linisan ang mga plato sa lababo. Nakapagsumbong 'ata ang mga ipis kay Ate kaya niya ito nalaman.

Strike III
Ay wala po akong alam diyan. Sa labas ako kumakain parati. Natuto ako sa amin kung paano maglinis at di na dapat sinasabihan ang mga tao sa bagay na ganyan.

Talagang lumalabas ang mga tunay na ugali
pag matagal na magkakasama na sa bahay ni Kuya. Haaaay....

Ating abangan ang susunod na kabanata....

- Ang Nagpaskil
P.S. Di ko alam kung anong mga font ang ginamit ng may-ari. Pero maayos naman ang pagkasulat ng mga titik. :)

TRIVIA:
Si Ate
ang asawa ng kuya ni S.
Si S yung umalis
matapos pagtulungan ni Z
at ng kanyang mga inakay
na Uruk-khai
sa lupain ng ____R.
Gets?

3rd day

@_@ confirmed no ym, gtalk, gmail



mabuhok ngunit makatas

rambutan

Tuesday, March 23, 2010

Ang Paglisan

Aalis na si Nanay sa Charity.

Sa pagkakaalam ko ay dalawa ang kadahilanan.
Una, siya ay nasampal. Sino ba namang hindi aalis kung ikaw ay biglaang masampal sa panahong di mo inaasahan.

Pangalawa, bagama't sa tingin ko ay kasama ito sa unang dahilan ay ilalagay ko na lang dito sa pangalawa.
Magsi-sixty na kasi siya. Sa madaling salita, siya magiging ganap nang senior __________.
Nais niya man o hindi ay kailangan na talaga niyang mag-sixty.

- Ang Nagpaskil

Hindot na Bus Driver, Hindot na Taxi Driver, Hindot

Kanina ako ay may "pinuntahan" para sa ikasasaya sana ng akin buhay ngunit hindi natuloy dahil sa kahindutan nila. Hay. Hindot. Yung ang pinakahindot ngayong araw. Ayaw ko muna ikwento kasi sobrang hindot. Pero uunahin ko muna yung mga naunang mga hindot ngayong araw.

Maaga aga ako umalis. tumambay sa madalas kong tambayan para maghintay ng taxi. Pumara sa taxi. Pagkasakay, sabi ko "Buendia, MRT". Makalipas ang malamang na isang kilometro at pagkatapos mabungaran ng kahindot hindot na dami ng sasakyan, sabi ng hindot na taxi driver "LRT Buendia kayo diba sir?", sagot ko "M-R-T". Pinababa ako ng hindot na taxi driver kasi akala nya "L-R-T". Ang masasabi ko lang ay hindot sya. Hinihindot nya ang tambutso ng hindot nyang taxi. Hindot sya. Hindot.

Nasa Buendia na ako. Ayaw ko na magtaxi. Nagbus ako. Sobrang puno. Siksikan parang sardinas na walang sabaw. Pinipilit kami isiksik sa gitna kahit na hindi na kami kasya. Pano ba naman. Ang hindot na bus driver ay nagpapapasok pa din ng pasahero. Punung puno na ang bus. Nung magbabayad na ako. Sabi ko "pababa na ako". Sabi ng driver "Dyan lang dyan lang, pag dyan na lang bumaba na kayo kagad, lakarin nyo na lang!". Sagot ko "kaya nga ako sumakaya para makarating dun sa pupuntahan ko tapos paglalakarin mo ako? tsaka di pa ako nagbabayad, ano pababain mo na ako? Gago ka pala e!". Sabay baba. Takbo. Baka sagasaan ako. Ang putanginang hindot na bus driver. Bastos! Mukhang high! MERSAN BUS Plate Number PYJ-815! Wag kayo sasakay dyan kung ayaw nyo mahindot ang araw nyo.

Yun lang.

Ang sira na ang araw,
Douglas