Wednesday, April 7, 2010

Kape Amishuna

Hay. Dala ng aking pagbabalat kayo at pagpapanggap, hindi na din ako umiinom ng kape. Oo, hindi na. Dati sa aking past life ay nakaka tatlong baso ako ng malaasukal na kape. Ngayon, tubig at coke na lamang. Hindi ko naman nais na bitiwan ang paginom ng kape ngunit kailangan lang talaga. Ito ang mga dahilan.

  1. Sobra na ata ako sa asukal. Kapag ako nagkape may 3:1 ratio ang asukal sa kape.
  2. Walang MILO. Hindi ako umiinom ng purong kape kasi nakakapandilat yun ng sobrang sobra. Kailangan may halong MILO para hindi masyado matapang. Ang MILO ay pangontra sa pait, dapat may 2:1 ratio ang MILO sa kape.
  3. Walang MUG. Kelangan magdala ng sariling mug. At dahil malakas nga ako magkape, nakakahiya kung marami akong baso sa aking lugar (tubig, kape, kape, tubig, coke, coke, coke, coke)
  4. Ang paginom ng kape ay nakakapagpaihi ng bonggang bongga. At dahil nga common CR, nakakahiya na palabas labas ako lagi ng opisina para umihi lamang.
  5. Panghuli at pinakamahalaga. Nakakatae uminom ng kape. COMMON CR. TAE. MAHIRAP. Tangina this.
At dahil dyan, hindi na ako nagkakape. Ngayon ay naghahanap ako ng alternatibo.
  1. Tubig - nakakainom ako ngayon ng 4 - 6 anim na starbucks baso na tubig. Parang taymis TWO yun kasi malaking baso ang gamit ko.
  2. Coke - ano pa ba? bagama't di healthy, masarap naman. Wag nga lang bibili ng REGULAR COKE sa McDonald's kasi ang P25 pesos na coke sa kanila ay parang dalawang TAKAL lamang na coke.
  3. Gamot sa hika - nakakanginig din parang kape.
Mayron ba kayong masasuggest?

No comments:

Post a Comment