Monday, April 12, 2010

Free Basic Guitar Lesson


















Nag-umpisa na kahapon ang Libreng Guitar lesson para sa mga bata sa aming subdivision. Iminungkahi ito ng aking dakilang ina sa board para may magawa ang mga bata ngayong summer imbis na mangamoy araw at pamugaran ng mga kuto ang ulo. At syempre kami ni Dinno ang naisip nyang magturo sa mga bata kasi kami lang ang papayag magpabayad ng sago't gulaman at kamote cue (cheap!). Ayos lang naman din kung makakatulong sa mga batang may gusto at mahirap din namang walang ginagawa tuwing linggo sa bahay. Pero ang nakakalungkot lang ay 2 lang ang may gustong matuto. Pareho namang babae kaya cool pero mas masaya sana kung madami. Pero naisip naman namin na ok na din ito para mas madali namin silang matutukan at madali silang matututo dahil wala pa talaga silang background sa pagigitara. Challenging ang isang bata na nagngangalang Sarah (10 yrs. old) dahil matitigas ang kanyang daliri. Pero pursigido sya matuto kaya choks lang. Ang isa naman ay si Kaye (14 yrs. old) madali sya makapick-up ng tinuturo namin kagaya ng pagbabasa ng chord chart na talaga namang importante sa pagigitara dahil dito ka matututo. At ang isa naman ay ang aking kapatid na si Maco na nagsilbing pamparami lang. Mas gusto nya nag pagdadrums kaya nagmistula syang tuod sa tabi ko kahapon. Sana ay madagdagan pa kami next week. At kapag nabawasan pa kami ng isa, tigilan na lang ang kalokohang ito.

Ang apo ni Pepe Smith,
Kepyas.

No comments:

Post a Comment