Sunday, February 28, 2010

Leche!

Hahai... Akala ko ay magiging maayos ang takbo ng araw ng pahinga...
Hindi pala...

Pagdating ng aming bahay ay napansin kong ang kurtina namin ay nalaglag.. disaster... keber lang si kapatid... inintindi na lamang sapagkat may sakit. naghugas ng plato na hindi naman ako ang gumamit... leche!

pagkatapos nagkaroon ng mahabang diskusyon tungkol sa ibang bagay... sa sobrang inis at upang matapos na... sumangayon na lamang ako at nagpanggap na matutulog na... kaya natapos ang usapan. leche!

pagakyat sa kwarto nadabugan dahil sa bagay na hindi naman ako ang may kasalanan... leche!

akala ko magiging maayos ang araw na ito... dahil nagpalinis ako ng bahay kahapon... nagpaplantsa at nagpalinis ng ngipin ngayon... pero hindi pala... leche!

wag naman sana ako lechehin pagpasok ng lunes... sana may magandang balitang matanggap...

buhay nga naman.

bow.

March deadline

March na. May deadline kami in two weeks. Kinakabahan ako.

Ang dami pa kasing gagawin. Ang dami pang kailangang itanong sa kliyente. Tapos, parang bumabagal pa ang pagtrabaho ko nitong mga nakalipas na araw.

Para bumilis, kailangan kong lalong mag-focus sa ginagawa ko. Pero ng hindi pababayaan ang mga maliliit na bagay na gusto kong gawin: magtingin ng facebook posts, mag-update ng nilalaro kong facebook game, ang alamin kapag may mahalagang balitang dumarating sa aming kwarto, makipagbiruan sa mga kasama ko, maghanap ng makakain paminsan-minsan, atbp.

Ang labo. Basta. Kailangang bumilis ako ngayong linggo.

Saturday, February 27, 2010

Memory Gap

Ako ngayon ay nagbablog gamit ang akin ipod. Sa kadahilanan na tanga ako. Bukod sa tanga ay makakalimutin na din ako.

Ako ay umalis ng maaga para makapagshoot sa cubao.

Nagmadali ako kasi kinailangan ko dumaan ng bangko.

Maganda naman ang kinalabasan ng shoot. Magaling si "Art Eye".

Ipinangako ko sa aking partner sa krimen na ieedit ko na ang aming nga nagawa.

Nagmadali ako pauwi para makarami. Nasindak na lang ako ng malaman ko na naiwan ko ang firewire cable ng aking camera sa opisina. Tanga!

Tapos sabi ko sa sarili ko na ok lang kasi yung ibang kelangan ko na mga videoS ay nasa laptop ko na. Hinalughog ang bag. BAAAAAAAANG! Wala rin ang laptop charger! Woo!

Tatlong beses nangyari ang ganito ngayong araw. Shit. 23 pa lang ako matindi na memory gap ko. Pag 50 na ako makakalimutan ko na din siguro magmura. Hay....

Tanga buong araw,
Douglas

Friday, February 26, 2010

Party Pooper

"Is it dangerous to drink alcohol within 1 hour from taking paracetamol?"

"Taking them both anywhere remotely close to each other increases the effect on the liver. Not a good idea to use either of them anywhere near each other, particularly if you do not know how much alcohol you will be drinking."


- Magaling magaling. Biyernes ngayon, araw ng Alak at mga pagkain na pinapangarap lamang ng mga taong may High Blood. Meron akong Sinusitis at kelangan kong uminom ng Paracetamol.

"particularly if you do not know how much alcohol you will be drinking" - para sakin, parang joke itong linyang ito. Unintentionally sarcastic kumbaga.

Talo-talo na, patay kung patay ang atay

Kami ang nagwagi!

Wala na kaming bagong gaagawin!
Mabuhay!

Kanina kumain ako ng french fries... medyo matabang kaya kumuha ako ng salt sa counter.
Naubos ko yata yung large... pati yung konting regular. Hindi ako sure.
masaya naman sa Mcdo... napagusapan kung pano ako naalila dati.
yun lang naman.

Mamaya eh may ultimate gathering. sa gilidans...
aalis akong maaga... para umiwas sa ibang taong dadalo sa pagtitipon na magaganap sa opisina.
Tapos ng gilidans ako naman ay pupunta sa bertday parti ng aking barkada.
Binilhan ko sya ng choco lollipop... na iba yung korte.

yun lang.

Bow.

Ang Init x2

Putangina talaga. Ang init.

Sa aking katangahan nakalimutan ko dalhin ang charger ng aking mumunting camera kaninang umaga. Ang tanga pa dun ay nilista ko na ang mga gagawin ko kagabi pa. At sa lubos na katangahan nakalimutan ko ang isa sa pinakamahalagang parte ng camera.

Umuwi ako ng lunch time para kunin ang charger. Putangina! ang init talaga! Naglakad lang ako ng mga 10 tambling na distansya ay pinagpawisan na ako.

Ako ay may teorya. Kung gusto mo magpapayat ng tunay, ikaw ay lumabas sa Ayala, maglakad ng pabalik pablik at paikot ikot ng isang oras. Siguradong papayat ka! at magkakaron ka na din ng skin cancer!

Napaisip ako, gusto ko sa birthday ko may gawin ako na makakatulong naman sa marami, hindi yung pangsa akin lamang. Makaimpluwensya man lang ako bago ako mamatay sa 2012.

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

hipokrito

ang aming agent 001 ay isang dakilang hipokrito.
taeng nilalang na pinagtatanggol ang mali ng isang amoy lupa
na kinamumuhian ng karamihan (professionally).

ang aking hinala ay silang dalawa ay nagkakan *toot* an
(pasensya na at kailangan i-censor daw po ang salitang ito) sa kanyang cubicle
kaya ganun na lang ang kanyang labis na pagtatanggol sa amoy lupa
kahit na maraming ng naghayag ng kanilang saloobin tungkol sa mga
bagay bagay na may kinalaman sa kabutihan ng sanglibutan

naway, isang araw magising sila sa kanilang kamangmangan
at kundi man naway sila'y pumanaw na sa mundong ibabaw

mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Double Choco Cake

Matagal ko ng pinagnanasahan ang Double Choco Cake ng Mister Pullman tuwing madadaan ako ng Ministop sa tapat ng office. At ngayon eto nga, nasubukan ko na at isa lang masasabi ko: Leche.

Kung ire-rate ko itech, 1.5 stars.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Masama Bang Tawaging Mike?!

Depende haha.

Ang komento ko lang naman ay di mo naman kontrolado kung tawagin kang Mike ng magulang mo noong ika'y isilang kaya wala kang magagawa doon. Pwede mo pa namang baguhin kung yun ay palayaw lang sa iyo. Pero kung ang tunay mong pangalan ay Mike ay talaga namang kailangan mo nang isilang muli para mabinyagan ulit at maiba ang iyong pangalan. Maari mo rin namang pagkagastusan para lamang mabago ang tunay mong pangalan sa iyong birth certificate. Hanap ka na ng pikser sa madaling panahon kung ganoon.

Kung ang tawag sa 'yong Mike ay may nakabuntot na kabastusan o katuksuhan at ikinatutuwa ng mga nakapaligi sa iyo. Aba eh nakakatawa este nakakainis nga 'yan. Magpunta ka na lamang sa ibang bansa; sa isang bansa na hindi nakakabasang mabuti ang mga tao para ma-realize na nakakatawa ang iyong pangalan.

Ang kabastusan ay pwede mong ihalintulad sa naiisip ng karamihan sa nasa ibaba:

K A N *toot* A N




Ayun. Di naman bastos pero iba ang naiisip ng karamihan. KANDUNGAN po ang titulo ng larawan sa itaas. Mabalik pala tayo sa paksa sa paskil na 'to. Masama nga bang Mike ang pangalan? Hala sige hayaan na natin ang larawan sa ibaba ang sumagot sa ating katanungan...



Ang nagpaskil,

Mike

Thursday, February 25, 2010

Bago maubos ang ice cream..

Bakit tanga si Superman?
Kase nagsusuot sya ng brief sa ibabaw ng pantalon.

Bakit mas tanga si Batman?
Kase ginagaya nya si Superman.

Bakit tanga si Zorro?
Kase akala nya, mas tanga tayo sa kanya.




Puta puta puta. Wala lang, gusto ko lang magmura. Awji!

Bakit ngayon lang????

Trabaho nanaman ito kaya pagpasensyahan nyo na.
Ito kasi ang sumira ng araw ko.

Isang buwan na ang nakalilipas ng kami ay magusap.
Parang nalimutan na nila ang mga dating pinag-usapan...
O sadyang hindi lang kami nagkaintindihan...
Wahahaha! wala lang.

May bago nanaman... yata.
Sana wala na...
Dahil paulit ulit na lang.
Nakakasawa na.

emo.

Bow!

JENGA!


May tatlong naglalaro ng JENGA. Yung isa ay yung kumikintab na bampira sa "Twilight"; yung isa ay editor sa dyaro, at isa ay yung matandang babae na nagmumulto sa "Drag Me To Hell". Magbespren ang bampira at ang editor sa dyaro, sila ang nagayos ng JENGA hanggang sa makatayo ito ng ayos. Nakisali ang matandang babae. Naglaro sila.

Hindi masyado makatira ang editor sa dyaro. Nagkakasundo ng maigi ang matandang babae at ang bampira. Sa sobrang tuwa nila, isa isa nilang inaalis ang mga bloke na nasa pundasyon ng JENGA. Gumewang gewang ito. Humina ang pundasyon. Patuloy nilang inalis ang mga nasa pundasyon hanggang sa tuluyan itong gumuho.

Natapos ang laro ng JENGA.

JENGA.

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

balikbayan

maayong buntag
good morning
magandang umaga

tatlong linguahe (language) or diyalekto (dialect)

whatever tatlong language or dialect ang ginagamit ko para makipagusap sa probinsya
nakakapagod ngunit masaya, hanggang sa muli

mabuhok ngunit makatas,

rambutan

ang nangyari

qoola. world chicken.

ayala triangle. FX. bahay.

sa amin sya natulog. sabay kame pumasok.
holding hands while walking.


ang napilitan magpost,
marydaisy

Hah!

Nagkasalubong kame ng isang kaibigan habang pauwi ako kagabi
pagkatapos kong ihatid ang aking kasintahan sa San Juan.

Hindi ko naman talaga siya gustong tawagin na kaibigan dahil
ang unang kong naiisip pag nababanggit ang kanyang pangalan ay:

Kupal.
Kupal na manyak.
Kupal na manyak na puro hangin.
Kupal na manyak na puro hangin pero wala naman kayang gawin sa buhay.

At eto ang highlight ng aming 3 minutong chit-chat.

Siya: Oi pare *hihit ng yosi* inom naman tayo minsan, just like the old days.
Ako: Di nako lasenggo katulad dati ehehehe... *ngiting umay*
pero sched nyo at baka makapunta ako. Lagi akong busy eh.
Siya: Wow! Iba ka na nga. Narinig ko nga kina utol. Pero lam mo pre, parang TUMATABA ka ah. AHAHAHA! *Blah blah blah.. kung ano anong kayabangan, shit, etc.*
Ako: Ah ganon ba? Kase PARE ako may pera kaya nakakain ako ng masarap na pagkain, NAGTATRABAHO KASE AKO. Ikaw chong, bat mukha ka pa ring DUKHA?
Siya: *Di mapintang tawa*

Sabay tingin sa kawalan. Bow


-------

At dahil kelangan daw magpakilala..
Ako po ay isang super commuter,
na hinulog ng bobong pelican/stork sa maling chimineya sa QC.
Dapat daw sa Cainta. Kung doon dapat,
eh hindi ko rin alam kung bakit.

At putang ina oo, hindi ako marunong mag-bike.

Adbencha~!!!

Medyo maraming nangyari sa kin kahapon... May stressful, may masaya, may nakakapagod, may nakakashock... Hindi ko na ikukwento yung stressful, simulan ko na lang dun sa masaya at nakakapagod...

Nagsimula ang lahat sa pagpapababa sa min sa bus... Sumakay kami nina Douglas, Pelomena at Bow ng bus pa-Boni sa Ayala... Una namin napansin sa bus ay ang kakaiba niyang amoy... Hindi siya amoy ng nakakahilong air freshner kundi amoy MMDA men's public urinal... haha!!! Tas napansin ko yung maliliit na ipis na naglalakad sa kabilang upuan at tinignan ang bintanang katabi ko kasi baka andun lungga nila... Anyway, makalipas ang ilang minuto sa traffic, biglang lumiko ang bus pa-C5 habang sinasabing sarado daw mula Ortigas gang Santolan kaya magsi-C5 na lang daw siya at Santolan na raw labas niya... Wala kaming nagawa at napababa na lamang kami ng bus... Ika nga ni Pelomena, siguro dahil na rin sa Pancit Canton na kinain namin, napagkaisahan naming baybayin na lamang ang kahabaan ng EDSA hanggang Boni at makipag-unahan kay Sta. Rita (bus po ito, hindi yung santo...)

Habang binabaybay ang EDSA, kung ano-ano na ata ang napag-usapan para malibang na rin... Kung ano-ano na ring billboard ang aking nabasa at tinignan... Hanggang sa ang basa ko na sa Cito Beltran ay Otto Beltran at napaisip kung siya pa ang may-ari ng OTTO shoes... haha!!! Makalipas ang sandamakmak na usok, alikabok, batang nagtatanong kung kailangan namin ng taxi (ay! isa lang pala siya...) at pawis, naunahan na kami ni Sta. Rita... Kahit na ganun, ilang hakbang na lang nasa Boni na kami... Dahil doon na halos ang bahay nina Pelomena at Bow, dun na sila nagpaalam at umuwi na... At kami naman ni Douglas ay sinimulan na ang dahilan kung bakit kami nagtungo doon, ang magshoot ng mga bulang na kumakanta sa bangketa...

Makalipas makaiusap at magbigay ng donasyon, sinimulan na ni Douglas ang kanyang pakay habang ako'y nanonood sa kanyang ginagawa at sa mga taong dumadaan... Matapos ang kanta ni manong, nagpaalam na kami at tumungo sa susunod naming destinasyon, Robinson's Galeria... Ngunit bago yung nag-aya muna si Douglas sa Megamall para magmeryenda... Matapos ang ilang donut at bunwich sa Megamall, naglakad na ulit kami pa Galeria... At sa bangketa sa gilid ng Poveda, nakakita ulit kami ng bulag na kumakanta, tulad ng ginawa namin sa may Boni, kinunan ni Douglas yung bulag at "look-out" naman ako... Matapos ulit ang ilang minuto, nagtungo naman kami sa may overpass sa may Galeria para tignan kung andun yung sinasabi ni Douglas na madalas niyang makitang bulag...

Sa kasamaang palad, naka-leave ata siya kahapon or baka nag-relocate lang siya... Dali kaming bumababa mula overpass at sumakay ng bus dahil HINDI NAMAN SARADO MULA ORTIGAS HANGGANG SANTOLAN at ayaw na rin naming maglakad... Matapos mapag-usapan ang tungkol sa eleksyon at sa mga walang kwentang politiko, nakarating na kami ng Farmer's Plaza, eto na ang huli naming destinasyon... Agad naming pinuntahan kung saan lumalagi ang sinasabing bulag ni Douglas... Habang tumatawid sa overpass sa intersection ng Aurora at EDSA, medyo paranoid ako sa kwento sa kin ng kaopisina ko dito tungkol sa mga nag-aalok ng "gimik"... Nakababa naman kami sa overpass na walang nag-aalok sa kin ng kahit ano maliban sa shades... Pagbaba namin, wala kaming naririnig na kumakanta... Masama to mukhang wala ang pakay namin dito... Hinanap namin siya, ngunit tulad ng nasa Galeria, mukhang nagleave din siya... Dahil dito, nagpaalam na kami sa isa't isa at tumungo na kami sa magkabilang direksyon...

Habang naglalakad tungo sa overpass, naisip ko ulit yung kwento sa kin at kinabahan muli... At tulad nga ng nasa kwento ng kaopisina ko, habang mag-isa akong naglalakad sa overpass, may babaeng (o baklang) lumapit sa kin at hinawakan ako sa braso habang sinasabing, "Gusto mo ng gimik?" o parang ganun... Lalo ko ng binilisan ang lakad hanggang sa bitawan na niya yung braso ko... Nakahinga na ko ng maluwag... Hay!!! Stress... haha!!! Sabi ko sa sarili ko, totoo pala yun... Kasi pag dumadaan naman ako dun dati, walang ganun... Siguro nga kasi halos alas-dose o ala-una na nun... At yun yung pangyayari na nashock ako...

Dahil na rin sa pagod na ko, dagdag pa ang natural kong katamaran, nagjeep na lang ako pauwi... Katamad umakyat pa-lrt at pumila sa inspeksyon ng bag... At makalipas ang ilang minuto, nakauwi na rin ako... Sa wakas!!! haha!!!

Pangatlong araw ng bangag,
Emong

Wednesday, February 24, 2010

AaaaacHoOoOoOooooooo

eL0w pH0w! xEnXa nHa pH0w nGyN lNg q Ng-ph0wSt uLiT...

ok mahirap. wag na pala.

dahil sa napakalaking katangahan ng isang bus driver...teka teka...mali pala. dahil sa napakalaking KATAMARAN ng isang bus driver, eh nagsinungaling na lamang sya sa mga pasahero nya na sarado ang EDSA at bigla na lamang lumiko pa-kalayaan na wala kaming kamalay malay. binaba nya kaming lahat na pasahero doon dahil sa santolan na raw ang lusot nya. hindi na raw sya dadaan ng guadalupe-crossing dahil SARADO raw ito. samantalang nakikita naman ng LAHAT na ang daming bus na dun pa rin ang daan. tinatamad lang talaga siya at gustong umiwas sa trapik. PUTANGINANG bus driver. nagbayad kami HINDOT ka. KUPAL! ANG BAHO NG BUS MO! AMOY IHE! CHEEEEE! alskfgml;ajhglakngjsa!!!!!!!

anyway...

hindi ko rin alam, baka epekto ng meriendang pancit canton, pero naisip namin na lakarin ang EDSA hanggang makarating ng BONI. nung una pa lang...WOW ang layo. pero kinaya namin ang tindi ng usok at dumi na dumidikit sa malagkit naming pawis. nakakapagod. at nakakadiri. pero, nakarating naman kami ng maayos pero medyo mabaho (or ako lang ba yun?).


at pagkalipas ng ilang oras....MAJOR ALLERGY ATTACK.

aaarghhh!!!!


Ang Dating Kulot,
Pelomena...

Date

Tama na ang stuffed toy, tama na Mobius strip, tama na ang chocolate.

Ayoko na. Naghihintay pa din ako.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Char... Man... Der... Char! Charmander! Char Char Mander!

Sing with me!


Char...

Man...

Der...

Char!

Charmander!

Char Char Mander!


iba pa rin ang Mcdo.

kaninang umaga ginising ako ni dakilang yaya para maghanda na papunta sa opisina. tinanong ko sya kung ano ang ulam kagabi. hindi kasi ako naghapunan sa bahay dahil nung pauwi na kami nina mike at buknoy, kumakalam na ang mga tiyan namin at naghapunan kami ng maaga. Kaya paggising ko, naisipan kong ibaon na lamang ang tira tirang ulam kagabi.

ngunit, pagdating ng alas onse ng umaga, nag-iba ang aking pakiramdam. para akong buntis na naglilihi. yun lamang ang iniisip ko hanggang sa mainis ako kasi ayaw mananghalian ng maaga ang aking mga kasama. 1 pc chicken with spaghetti...1 pc chicken with spaghetti...

putangina. nakakabaliw.

buti na lamang at narinig ni douglas ang aking hiling. dumerecho kami ng Mcdo. kasama rin namin si buknoy (kaso may dala syang baon na isda at pakbet so hindi counted)

alam ko mas pinaghirapan ni yaya ang menudo na binaon nya para sa akin.

pero guys, iba pa rin ang Mcdo.

Ang Dating Kulot,
Pelomena...

May Nag-text...

Isang beses pa lang ako nakakapanuod ng Showtime pero hindi ko ipagkakaila ang sadyang sikat na ang komedyanteng si Vice Ganda at ang tangyag niyang pananalitang "May nag-text...". Kung maririnig mo ang mga text na sinasabing natatanggap ni Vice Ganda ay tiyak na mapapangiti ka o di kaya'y hahalakhak ka.

Pero sa totoong buhay, hindi naman lahat ng text na matatanggap mo ay nakakatuwa. Minsan sadyang panira ng araw ang mga text na mababasa mo. Sa sobrang panira ng mga ito, parang gusto mong hagilapin ang taong pinanggalingan ng text at ibato ang celfone niya sa mukha niya. Teka, parang hindi dapat ibato...dapat 'ata ipagsasampal sa mukha eh.

Hindi naman akong marahas na tao. Pinagpapalagay ko na normal ang pagkulo ng dugo ko sa isang taong hindi ko naman kakilala ngunit text ng text ng kung anu-ano tungkol sa isa sa mga matalik kong kaibigan. Sinabi ko sa aking FaceBook na malalaman ko din kung sino siya. Aba, mukhang may natamaan sa isa sa aking mga "kaibigan" sa FaceBook dahil, tulad ng sinasabi ni Vice Ganda, may nag-text...

*Ipinagpalit ang mga pangalan para maprotektahan ang mga taong kasangkot sa pangyayari*
"Wag ka masyadong mainggit sa sitwasyon ni *W*. Magpasalamant ka nalang na kahit nilalandee ni *K* si *C*, hnd siya kumakagat. *W* deserves this. *V* has the right to know. Hindi mo naman alam anung nangyari sa offsite. Hindi mo naman alam anung conversation nila sa text. Wag ka ng mangarap na mahuhuli mo ako."

Hindi ko na sana siya papatulan ngunit sinabit niya ang aking pinakamamahal na si Cesar (oo, siya si *C* sa text). Kahit na mas maputi at mas maganda nga si *K*, ako pa rin ang may magandang hinahaharap...este, kalooban. Isang linggo rin ang pang-e-epal ng di-kilalang texter sa aking buhay.

Ang huli niyang text sa akin:

"NAsAn NA fB pOstS mO! UmAgA Na! MAlAmAnG GiSiNg kA nA! NaSaN nA rEpLy KO!! MaMaYa HiNdI Na akO FB, NaKiKiTiNgIN lAng AkO sA fRiEnD ko! AYaw mO ko add! BAGAL mo!"


Aba, aba, aba...mula sa mga texts na napakaayos at puro Ingles, biglang iniba niya ng todo! Inaakala niya bang malilinlang niya ako?! Pero iniisip ko, baka hindi naman niya ako nililinlang. Nabasa ko kasi ang naisulat ni ka-tropang Douglas nung isang araw. Baka naman napadaan ang aking di-kilalang texter sa "zTarVuckZ" kung saan nagtitipon ang mga katropa ni Li'l Khupz. Hmmm...

Pinagpapalagay kong kilala ko na ang anonymous texter. At naiisip ko na ring alam niyang alam ko kung sino siya dahil tumigil na ang kanyang mga mensaheng puno ng kabaliwan at tinanggal na niya ako sa listahan niya sa FaceBook. Kung 100% ngang malaman kung sino siya, tsaka ko na kukunin ang celfone niya at isasampal sa mukha niya. Pero sa ngayon, mag-ingat siya at baka naman sa kanya ang may mag-text.

Napakwento lamang,
Kuting.

Kahit pa magtambling tayo...

Dahil ang tagal magbuild ng project ay naisipan kong ilista ang mga natitira pang task para mag live na ang project... At napakarami pa nya... imposible ang date na gusto ng kliyente... wahahahahaha!! ang dami dami dami dami dami dami pa... nakakalula...

tama na ang trabaho.
kahapon nagluto ulit ako...
gulay.. wahhahahahaha hindi ko alam ang lasa... mamaya ko pa malalaman.

Bow!

Mas Masaya Kasi Daria...

Paano naman kasi?? Hindi naman hamak na mas masayang manood ng Daria kesa gumawa ng slides.... Pasensya na....

Dahil dapat may pagbabalik-aral kami para sa isang pagsusulit at ako ang nagboluntaryo para sa kabanata, kailangan kong gumawa ng slides. Para hindi matulog habang nagbabasa, nanonood ako ng isang episode ng Daria kapag pakiramdam ko matutulog na ko o pag-ayaw ng gumana ng utak ko...

Sa kabuuan, halos nakaapat na slides lang ako sa halos tatlong oras na paggawa... Wala akong magagawa eh... Kaantok magbasa... Mas nakakatuwa si Daria eh... Yun lang...

Bangag kahapon pa,
Emong

Byaheng FX again

Tumutulong pawis. Masikip. Mahinang aircon. Trapik. Sobrang init. Nakakahilo. Nakakasuka. Nararamdaman ko na naglalaway na ko. Kinakabahan ako. Feeling ko hindi ko na mapipigil na masuka. Kung anu-ano na naiisip ko. Papara na ba ko kahit medyo malayo pa? O kakainin ko na ba yung baon kong hotdog para dun sa plastik sumuka? Nakakahiya. Makikita nila yung kakakain ko lang na hotdog sa plastik.

Nagconcentrate na lang ako. Focus. Mind over matter dude. At nagawa ko naman sya. Pagbaba ko ng FX nag-inhale-exhale muna ko bago tuluyang maglakad papuntang opisina. Nasusuka pa din ako, pero at least ngayon presko na at walang matabang babae na nang-iipit sakin.

Moral of the story: Pumasok ng maaga. Hindi mainit at hindi trapik.

ang napilitan magpost,
marydaisy

Tuesday, February 23, 2010

Byaheng FX

Nalate ako ng gising. Inaantok pa ko pero kailangan ko ng bumangon. Kahit naligo na ko, inaantok pa din ako. Nagmadali na lang ako umalis para makatulog sa FX. Mahigit isang oras din ang byahe. Makakatulog ako ng mahaba-haba.

Kahit masikip sa gitna, dun ako umupo. Gusto ko ng nakasandal at ayokong mahirapan kung sakaling bongga mag-gas at bonnga mag-break ang driver.

Ang galing, kase feeling ko ilang minuto lang pag-alis ng FX sa terminal ay nakatulog na ko. At pagbukas ng mata ko, nasa Insular na. Kailangan ko na bumaba. At bumaba nga ako. Nang di nagbabayad.

Sorry po manong driver. Mababayaran din kita balang araw.

ang napilitan magpost,
marydaisy

zTarVuckZ

Dati ay lagi akong bumibili ng kape sa "zTarVuckZ". Lalo na nung malapit na magpasko dahil hinangad ko ng bonggang bongga ang kanilang planner. Ngayon nasa akin na ang planner ay hindi ko na masyado binibisita ang "zTarVuckZ". Pero pumunta pa din ako paminsan minsan. Masarap naman kasi.

Ngunit ngayon ako ay nagtataka kung ano ang meron sa
"zTarVuckZ" at dinudumog sila ng mga taong katulad nito:

Li'l Khupz

Na nagsasabi ng:
h3lL0W f03 gUyZ! LetZ cHilLaX zA zTaRvUCkZ

At wag nyo kalimutan si Lil Zuplado:
na mukhang bestfriend si Lil Khupz na nag "zTarVuckZ". Saang branch kaya sila nagtitipon? Pagtitipon ng mga taong hamog. Ayos.

Hindi naman sa pagiging elitista. Ngunit ako ay nababahala sa patuloy na pagbaba ng pagpapahalaga sa pagsasalita ng MAAYOS na Filipino. Kahit Taglish ay OK lang pero may mga mumunting twist and turns na nakakapagpaturn off talaga. Ito ang mga senyales:

  1. PaG CaPiTaLIZe ng RaNDom PaRTs nG PanguNGuSap
  2. PagZprinkHle ng LettHer "H", "J" at "Z" ZaH mga wordzzzz.
  3. Paggamit ng "PHOW" kahit saan lang maisipan.
  4. Wlng 2mpk n pgabbrv8 ng mga txt.
  5. Pagpapalit ng "OWH" -> "O" sa mga salitang nagtatapos sa "O" tulad ng "Phow", "Khow", "Akhow" at iba pa.
  6. P@66@|V|i+ n6 m6@ $ym8oL$ @t NUM|V|8er$ !|V|8i$ n@ Le++er$.
Kaunti pa lamang yan. Marami pa, sa totoo lang. Makikita sila sa mga facebook status, friendster, text messages at marami pang mga lugar. Sa totoo lang ako ay asar na asar pagnakakatanggap o nakakakita ako ng ganitong mga mensahe sa facebook o sa text messages.

Uulitin ko. Hindi sa nagpapaka-elitista ako. Ngunit talagang nababahala lang ako sa mga ganitong gawain. Nakakainis lang. Tanggap ko kung typo error pero yung ganito ay hindi ko mapalagpas. Ako lang naman yun. Ewan ko kung natutuwa ang iba o naasar din tulad ko.

Ang masasabi ko lang. Ayaw ko na atang mag-"zTarVuckZ".

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

Ang Init

Putangina!

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

Sweldo nasan ka!?

Sa Biyernes pa ang sweldo... Ngaun pa lamang ay wala na akong salapi...
Hinigop ng inidoro... kinain ng lupa... hindi ko alam kung saan napunta... hahahah!
Ang daming bayarin.... Lecheng tax yan! 12000!!!!!
Eh kukurakutin lang naman... Sabi nila discounted na daw yan... Pero ang mahal pa din.
Sana yung sweldo ko hindi nagkakasya sa wallet ko... Hai...

Kagabi medyo mainit.
Pero lumamamig na nung nag alas dose na...
Nakatulog akong may ilaw.
Nalimutan ko ding alisin yung nilabhan kong mga medyas sa washing machine.
Mabango pa rin sila.


Bow!

DFA: Panimula ng araw

Ang aga nagsimula ang araw ko... Halos alas-tres y medya pa lang ng daling araw, gising na ko... Well, gising pa lang pero wala pang planong bumangon.... Makalipas ang ilang pagbalik sa tulog, napag-isipan ko na rin bumangon, mag-ayos at yumao papunta sa DFA.

Matapos ang isang sakay sa jeep, lrt, mrt at taxi, nakarating din ako sa aking destinasyon. Dumating ako ng sobrang aga na hindi ko akalain. Nagtanong ako sa naka-uniporme ng Teleserve, mga alas-otso pa daw sila magsisimulang magtrabaho. Nang tignan ko ang aking orasan/psp, ala-sais pa lamang ng umaga. O di ba? maaga kung sa maaga... Wala akong nagawa kundi maghanap ng mauupuan at dun pumatay ng oras gamit ang aking psp...

Makalipas ng isang quest sa Monster Hunter 2 at isa o dalawang kanta sa Project Diva, naisipan ko ng kumain ng agahan. Hamonadong tapa at itlog ang aking napiling kainin. Na-weirduhan lang talga ako sa tapa nilang lasang hamonado, kaya ko siya tinawag na hamonadong tapa (duh?!). At sa wakas, alas-otso na!!

Lumapit ako ulit sa booth ng Teleserve at ginabayan na nila ako sa buong proseso... Isang pirma at tig-isang thumbmark galing sa magkabilang hinlalaki ang unang pinagawa sa kin. At dahil MALABO DAW yung binigay kong litrato, nagpakuha pa ko sa kanila. Matapos akong kuhanan ng litrato, siningil na ko nung parang bossing nila. Nagulat ako sa presyo, tumataginting na 150 pesos daw yun. Nagulat ako kasi akala ko tatlo lamang yun. Ano yun, SINGKWENTA ISA??? Nang ipasa ko yun at pinauwi na ko, tinignan ko kung ilan ba talaga yun. Anim pala sila!! Pero san ko naman gagamitin yung natitira pa???

Anyway, nakarating naman ako sa opisina ng halos mag-aalas-otso... Eto ako ngayon bangag, antok... Pero at least nagawa ko misyon ko sa araw na ito.

Naglalaslas,
Emong

Monday, February 22, 2010

Jynx Versus Vigoroth

Nadala na din sa kaadikan ng paglalaro ng pokemon, naisip ko na gawin ang post na ito. Natataon sya at pakiramdam ko ay makakarelate ang karamihan.

Gusto ko magkwento...

Unahin natin si Jynx. Si Jynx ay... err... tingnan nyo sya. malaalambre ang kanyang buhok, unat ngunit malaalambre. Mukha syang matandang babae na medyo may laman ng unti. Mahilig sya magpatulog gamit ang "ZZZZing" nya. Isang "ZZZZing" lang ay makakatulog ka na. Mukha din syang malumanay ngunit ikaw ay maging maingat sa kanya dahil maari ka nyan patigasin gamit ang kanyang "ICY" powers. Maganda ba sya gamitin? Mukhang OK naman. Ice at Psychic sya. Bukod sa nakapagpapatigas sya ay may pagka clairvoyant pa ang pokemon na ito. Ngunit sya ay lagi lang nagtatago sa lungga nya at sa malalamig na lugar at mahirap makita.

Ang susunod ay si Vigoroth. Si Vigoroth ay laging GUTOM. Siya rin ay may nagmood swing at minsan bigla na lang umiinit ang ulo. Ngunit ang kahanga hanga sa kanya ay hindi siya mapakali, lagi siyang kumiKILOS. Paghindi siya kumiKILOS siya ay nagiinit. Siguradong sa laban sya ay maghahaaik ng bagsik dahil sa kanyang lakas. Maganda ba sya gamitin? Siguro! Fighting sya, at malakas talaga. Siguradong lalaban, siguradong may aksyon.

Kung paglalabanin ang dalawa, malamang sa malamang, matatalo si Vigoroth. Mas may power OVER kasi si Jynx kay Vigoroth. Psychic kasi. Mahina ang fighting sa psychic types. Kaya napapaTALSIK ni Jynx si Vigoroth.

Kung ikaw ang papipiliin. Jynx o Vigoroth?

Saturday, February 20, 2010

sakit sa ulo.

ako ay nakahiga lamang buong araw.

nag desisyon kasi ako na hindi ako gagalaw or iimik masyado ngayon. gawa lamang ito ng katamaran at hindi isang "social experiment". paggising ko, inayawan ko agad ang paglilinis ng kwarto. tanghali na nun kaya kumain ako saglit...naligo...at humiga muli. hindi pa ako bumabangon simula nun.

ngayon tinatawag na ako para sa hapunan. masakit na ang ulo ko.


yun lang.


Ang Dating Kulot,
Pelomena.

Buhok...

Ako si Buhok.
At ito ang aking unang post.

Ako ay laging late pumapasok.
At kaya akong paiyakin ng mga ngera.
Lagi daw akong may sakit sabi ng aking mga kaopisina
at tumutunog daw akong tao... yun ang sabi nila.

Bow!

Friday, February 19, 2010

magkahalong lungkot at kaligayahan

sa ngayon, masaya ako at magkikita na ulit kami ng aking ina.
halos siyam na taon kaming di nagkikita, at sa ilang oras na lamang
magkakasama na kami.

subalit may halong lungkot ang aking nararamdaman ngayon sapagkat
ang aking lola ay pumanaw na, gayundin ang lola ng aking katipan
kaninang umaga lamang


May their souls rest in eternal peace


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Thursday, February 18, 2010

Putang Ina

May malungkot akong balitang natanggap. Meron na namang pinagtulungan ang "mag-iina" ayon sa aking source. Sabi ng katabi ko, ang putang ina ay tinatanggal ang mga taong di malapit sa kanya. Nauna na ang emplayadong may bonggang resume... at eto nga meron na namang kasunod.

Hindi ko maintindihan bakit pumayag ang mga tao sa taas na tanggalin sya. Masipag naman, madaling hingan ng tulong, mabilis umaksyon. Sayang, isa pa naman sya sa mga taong "acceptable". Tsk tsk tsk. Hindi ko na alam kung anong mangyayari. Sabi nga ni Heidi Klum, "One day you're in. The next day you're out". Auf wiedersehen.

ang napilitan magpost,
marydaiZy

Kaligayahan sa panandaliang kapayapaan

sa mga oras na ito, wala na ang mga kamag-anak ko sa bahay namin

panandaliang magiging tahimik ang buhay ko sapagkat
di ko makikita ang maingay kong tiyahin

inaanyayahan ko po kayo namakipagdiwang sa natataamasa kong
kaligayahan at kapayapaan sa aming munting tahanan



mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Feeling Ostrich

Hindi ako nakatanggap ng email. Marami nagsasabi ang swerte ko. Sabi ko din ang swerte ko. Pero meron akong disappointment na nararamdaman. Nung evaluation ko, tinanong ako kung gusto ko pa rin ba sa team namin kahit sobrang tagal na. Sabi ko oo. Mabilis akong sumagot ng oo. Ayokong maalis sa team, unang-una dahil sa mga tao sa team, pangalawa, dahil sa manager namin na lubos kong ginagalang (noon), pangatlo dahil sa mga sa ibang team at panghuli dahil nag-uumpisa ko palang maintindihan ang project.

Hindi ko alam kung anong basehan. Pero nalulungkot ako... somehow.

Ostrich ako kase wala kong email at di ko alam yung robot.

ang napilitan magpost,
marydaisy

ako ay kapitbahay ninyo...

bawal daw magpost ng di ka pa nagpapakilala, kaya't magpapakilala muna ako

ako po si rambutan, anak ng aking ina na itago na lang natin sa pangalang Ina.
ipinanganak ako nung hindi pa isinisilang ang mga kasama ko sa blog na ito
sa lugar na kung saan ang punto ng tagalog ang syang pinagtatawanan sa halip
na ang punto ng ibang probinsya.

o sya tama na muna at may iba pa ako na gustong isulat


mabuhok ngunit makatas,

rambutan

Walong Oras na Tulog o El Gwaping?

Kagabi. Himala. Nakatulog ako kagad. Mahigit sa walong oras ang aking tulog. Kaya nung nagising ako kanina, putangina, ang sama ng pakiramdam ko.

Wala pa naman ako nababasa kahit saan na pagnasanay ka matulog ng tatlong oras lamang sa isang araw at pagnatulog ka ng higit dun ay sasakit na ang iyong ulo. Dapat yata natulog na lamang ako ng maiksi. Sakit lamang sa ulo.

Ngunit.

Bago nangyari yun, nakita ko ito...

http://www.facebook.com/pages/eL-GwaPing/274286715936?v=wall&ref=share
si EL GWAPING!

at sinabi nya ito....

HeY GuYz!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! i'M VaCK!!!!!!!!!!!!!!! jeJEjej ;) sOwee p0 kUng n0w LaNg mE naKaFaG FaCeBook....nALimUtAn k0 Po Kaze FasTworD k0...jeJeje mIzZzz U gIrLs....


HUWAW! Dapat na bang ipahinto ang pagpost ng makulkay na bokabularyo sa facebook? Fastword? BAAAAAAAAAAAANG!

HeY mGa FuNs kO....GagaWa p0 AQ nG wEBSigHt. "fAcESTeR" FAcEbooK nA FriEndSTer p0! AstEEg! jOin p0 KaU hA! jOLOGZ roCKS! yeAaah!


Funs! Websight! BAAAAAAAAAAAANG!

Baka kaya sumama ang pakiramdam ko....

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

Wednesday, February 17, 2010

misteryo.

ang aming team ay nababalot sa isang misteryo ngayon. hindi ko rin malaman kung ano ang mga pwdeng mangyari....at infernez, kinakabahan ako.

dahil rito, kailangan na namin umaksyon...

ano sa tingin niyo mga kasama?


ang dating kulot,
Pelomena

Siga sa Banketa

ang larawan na ito ay hindi ako ang kumuha. nakuha ko lamang ito sa net. ngunit nakakatuwa silang tingnan na nagmomotor na walang helmet.

pag traffic enforcer, bakal ang ulo!



Kaninang umaga, papunta sa trabaho. Sakay sa aming butihing malapit nang masirang sasakyan. Nakakita ako ng SIGA SA BANKETA. Grabe. Kung may definition ng astig at siga sa kanto ay yong nakita kong yun ang pinaka definition na yun.

Bakit?

Magkekwento ako ng background saglit. Napadaan kami nun sa Pasong Tamo, Makati. Malapit sa McDonald's at ExportBank. Napatigil kami dun sa area na yun kasi nga, trapik.

TAPOS!

Sa banketa sa amin kanan ay nakakita kami ng SIGA! Nakakapanindig balahibo! Sigang MAPSA. Sigang traffic enforcer! Nagmomotorsiklo sa banketa! Kasabay ng mga taong naglalakad! Kung sa EDSA ay may daanang pantao na hindi nadadaanan ng mga sasakyan (unless aksidente), sa MAKATI (oh well, ganito kami sa makati) PWEDE! WOO!

Kung makasagasa sila or may aksidenteng makabangga, makasagi, makasakit dahit sa kakaibang gawain nila, pananagutan kaya nila yon? O isisisi kasi hindi tumitingin sa daanan ang mga tao? Ang laki nga naman ng motorsiklo para hindi makita, so TANGA ka pagnabangga ka ng motor sa banketa. Pero kakaiba pag nakalagay ka sa headline ng tabloid o ng mga dyaryo at iba pang pahayagan na:

"Lalake Nabangga Sa Banketa!"
Isang lalake ang naaksidente sa banketa nang masagasaan ng sigang MAPSA na nagmomotorsiklo ang lalakeng ito. Ang catch! MAPSA + motorsiklo + banketa! WOO!

BAAAAAANG!


Kakaibang pangyayari. Ang Saya.

Dakila Ngunit Hindi Lumpo,
Douglas

Tuesday, February 16, 2010

alas sais.

kapag ako ay indi umabot ng alas sais:

  • lilipad ako sa america at pipigilan ko ang pagkapanalo ni Sandra Bullock sa Oscar.
  • wawasakin ang bahay ng gumawa ng Sony Vegas.
  • susunugin ang bahay ng kapitbahay
  • iihian ang computer ng aking mga "kaibigan"
  • kakain ng alambre with spaghetti sauce.
ipagdasal nyo ako.

Dakila ngunit hindi lumpo,
Douglas

Sinopsis

Tae.

Ang highlight ng araw ko ay paggawa ng synopsis in Filipino. Nakakainis. Pakiramdam ko OK naman ako magFilipino pero nung gagawa ako ng pagkaikli ikling sinopsis ay hindi ko magawa. Nakakatanga.

Ayaw ko kasi magsulat ng pamigay na sinopsis. Yung parang mga trailer pinoy na anduun na yung kwento nung buong palabas. Gusto ko yung tamang tikim lang. Parang foreplay kumbaga bago sumabak sa masmainit na aksyon.

Ngunit hindi lang yun ang problema ko ngayon. Tangina. Hindi ako makapagburn. Hindot na AVI format yan na iba iba pa ang versions. Kelangan ko na magburn. SOS. may deadline. putangina.

got to go.

Dakila ngunit hindi lumpo,
Douglas

Unang Post : Ako

Sabi ang unang post daw ay dapat tungkol sa sarili. Sige pagbibigyan kita...

Ako ay programmer: overworked at underpaid. Hindi mahilig magprogram pero nabubuhay sa pagpoprogram. Ang lungkot no? "Mind over matter... Mind over matter"..... Hindi pala malungkot.

Pangarap kong maging writer. Ibig sabihin, hindi ako writer. Kaya nga pangarap eh, guni-guni lang kung baga.

Mahilig magbadminton at magpingpong. Pero palagay ko kahit anong sports basta meron akong kalaro at di magastos ay papatusin ko.

At wala na kong maisip.

Ang napilitan magpost,
marydaisy

Monday, February 15, 2010

buhay sa bahay ng kliyente.

sa di inaasahang pagkakataon, kami ay nasa kliyente ngayon para magpanggap na nagtatrabaho.

pero buti na lang kasi ako ay tanghali na nagising. walang kamalay malay na lunes pala. madilim kasi ang kwarto ko. hindi ko alam na may araw na sa labas.

kaya dumerecho na ako sa kliyente...at nakita ko ang bonggang bonggang signage na "I LOVE <insert company name here>" with matching hearts hearts design. Kadiri.

Buti na lang nag kape ako. Kundi, dinuraan ko sila.

Wahahahah!!! joke lang.

sa ibang araw muli.

dating kulot,

Pelomena...

Ang Laro Sa Buhay Namin... Phow

Unang entry woo.

Uhhhmmmm. Ako pa lang ang tao. Madadagdagan. Abangan. SOON!

WOO!

Ang silbi ng blog na ito ay para magkwento lamang ng kung anu anong mga nangyayari sa buhay ko at sa mga buhay ng mga sasali pa sa blog na ito. Uhmm. OK.

Wala ako masabi.

Ako ay magrerecruit pa.

By the way, nakakita ako ng malaking signage sa kumpanya ng aming kliyente ng aking pinagtatrabahuhan, nakalagay "I LOVE ". Ang galing. Ang unang pumasok sa utak ko "kalokohan". Bakit mo gagawin yun? With matching hearts backdrop! Bongga! BAAAAAAANG!

Ayun. Yun na muna ngayon. More to cum

Dakila ngunit hindi lumpo,
Douglas...