Monday, February 22, 2010

Jynx Versus Vigoroth

Nadala na din sa kaadikan ng paglalaro ng pokemon, naisip ko na gawin ang post na ito. Natataon sya at pakiramdam ko ay makakarelate ang karamihan.

Gusto ko magkwento...

Unahin natin si Jynx. Si Jynx ay... err... tingnan nyo sya. malaalambre ang kanyang buhok, unat ngunit malaalambre. Mukha syang matandang babae na medyo may laman ng unti. Mahilig sya magpatulog gamit ang "ZZZZing" nya. Isang "ZZZZing" lang ay makakatulog ka na. Mukha din syang malumanay ngunit ikaw ay maging maingat sa kanya dahil maari ka nyan patigasin gamit ang kanyang "ICY" powers. Maganda ba sya gamitin? Mukhang OK naman. Ice at Psychic sya. Bukod sa nakapagpapatigas sya ay may pagka clairvoyant pa ang pokemon na ito. Ngunit sya ay lagi lang nagtatago sa lungga nya at sa malalamig na lugar at mahirap makita.

Ang susunod ay si Vigoroth. Si Vigoroth ay laging GUTOM. Siya rin ay may nagmood swing at minsan bigla na lang umiinit ang ulo. Ngunit ang kahanga hanga sa kanya ay hindi siya mapakali, lagi siyang kumiKILOS. Paghindi siya kumiKILOS siya ay nagiinit. Siguradong sa laban sya ay maghahaaik ng bagsik dahil sa kanyang lakas. Maganda ba sya gamitin? Siguro! Fighting sya, at malakas talaga. Siguradong lalaban, siguradong may aksyon.

Kung paglalabanin ang dalawa, malamang sa malamang, matatalo si Vigoroth. Mas may power OVER kasi si Jynx kay Vigoroth. Psychic kasi. Mahina ang fighting sa psychic types. Kaya napapaTALSIK ni Jynx si Vigoroth.

Kung ikaw ang papipiliin. Jynx o Vigoroth?

No comments:

Post a Comment