Monday, April 12, 2010

Bumababang Kalidad ng Pagsasalita ng Filipino


Matagal na akong nababagabag ng issue na ito, at matagal ko ng gumawa ng write up tungkol sa issue ng pagbaba ng kalidad ng pagsasalita ng wikang Filipino. Hindi naman sa nagpapaka Nationalistic ako, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi natin gamitin ang bonggang wika natin kagaya ng bonggang paggamit ng mga Hapon sa wika nila. Kung hindi obvious yun ay, tingnan nyo na lang yung mga hapon channels nyo sa TV. Hapon na ang sinasalita, Hapon pa din ang subtitle. Sa atin, pagalingan magenglish.

Naalala ko dati nung ako ay 4th year college, nagsimula na ako magtrabaho. Nagturo ako ng (woo!) basic java programming (woo!) sa mga high school teachers. Dun sa isang tinuruan ko, natuwa ako at pinahirapan ang mga teacher. Hindi pa matapos ni teacher ang aking pinapagawa kaya ako muna ang nagturo sa isa nyang klase. Nagturo ako ng flow chart (woo!). Walang humpay akong nagtagalog ng nagtagalog hanggang sa malapit na akong matapos at kating kati na ako magbigay ng exercise nang biglang may nagsabi sa akin na kelangan ko ulitin ang sinabi ko "in English" kasi may mga Koreanong estudyante. Inulit ko. Sa isip isip ko. Kung gusto nyo magaral dito, dapat kayo ang marunong mag Filipino. Pero hindi, tayo ang nagaadapt. Wala lang.

Hindi ko din maintindihan kung bakit masaya magenglish. Nakakapagpatalino ba ito or nagmumukha kang mayaman o cute? nakakapagpaganda o nakakapagpagwapo ba ito? Maayos ako magenglish pero bakit pangit pa din ako at ang ID ko? Wala naman masama sa pagenglish. At wala naman nagbabawal na magenglish ang mga tao. Weird lang. Naalala ko may nakasabay ako sa bus. Tatlo sila, dalawang babae at isang lalakeng alanganin. Todo english sila, at halatang call center agents or team leads na sila, hamusha. "Bummer!", "like", "OH EM JI!", "like", "DARN IT!", "For real?", "like", "I know right?", "LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE...". Alam ko napakalaitero ko naman kung sabihin ko na nainis ako sa paguusap nila. Actually, wala naman ako pakielam kung ganun sila magusap, pero ewan ko lang ha, may accent pa. Ang dating sa akin ay trying hard. May pinsan ako na nagtatrabaho sa callcenter. Pero hindi sya ganun. May mga kilala din ako na nagcocall center. Pero hindi sila ganun. Tapos sila. Ganun. Like farrang sooooh i wanna make buhos them with wa-er. Konyo ba yun?

Kamakailan lamang ay kumain kami sa GT tower, ako si kepyas at si rambutan. Nagalit (as usual) si rambutan ng nakarinig sya ng "What is your pangalan?". O KAMON! isang word na lang hindi pa nya ginawang english lahat. Tsaka naman, of all the words, yung pangalan pa yung naisip nyang tagalugin. Wala lang ulit. Nakakainis lang.

Pero ang epidemyang kumakalat ngayon ay yung "Jejenism" o yung walang habas na pagpapacute at lantarang pagpapakita ng kabobohon sa pagtatype, sa facebook, sa email at lalong lalo na sa text. Nakaget over na ata ako dun sa walang humpay na pagaabbreviate ng mga salitat tulad ng "How r u?" o di kaya "Sn k n b? d2 n q". Nakagetover lang ata ako sa ganyan kasi may iba ng masnakakainis na nauuso.

Para malaman mo kung JEJEMON ang kausap mo, tingnan kung papano mag eevolve ang pangungusap na ito:

"Hi!, Ako si Douglas, 24 years old, mahilig uminom ng kape sa startbucks dati."
Note: naitype ko ang sentence na ito less than 5 seconds.

Symptom #1
Kakaibang pagcacapitalize ng random letters sa pangungusap.
"Hi! AkO si DoUglAs, 24 yeARs OlD, aT MahiLig umiNom Ng KaPE StaRBuckS DaTi."
Note: naitype ko ito ng mga 10 seconds

Symptom #2
Masyadong magalang. walang kamatayang paggamit ng PO.
"Hi! AkO pO si DoUglAs, 24 yeARs OlD pO, aT MahiLig pO umiNom pO Ng KaPE StaRBuckS DaTi pO."
Note: naitype ko ito ng mga 15 seconds

Symptom #3
Abbreviate! Gamitin ang Q - KO! Alisin na ang "A" pagobvious na.
"Hi! Aq pO C DoUglAs, 24 YrS OlD pO, n MhLg pO miNom pO Ng KPE StRBckS DTi pO."
Note: naitype ko ito ng mga 20 seconds

Symptom #4
pag abuso ng H, Z, C, Y, F!
"Hayzzz! Aq pFOh C DoUglAz, 24 YrZ OlD pfOH, n MhLgZ pfOh miNom pfOh Ng KPEh ZtRBckZ DTi pfOh."
Note: naitype ko ito ng mga 30 seconds

Symptom #5
Nagpapacute! parang nagbebaby talk kausap. Ang mga salitang nag tatapos ay waring nagtatapos sa "OW" o "OU"
"Hayzzz! AqHoW phOw C DoUglAz, 24 YrZ OulD phOw, n MhLgZ pHOw miNowHm phoW Ng KPEh ZtRBckZ DTi phOw."
Note: naitype ko ito ng mga 50 seconds

Symptom #6
Paguulit ng magkakatunog o magkakahawig na mga letra tulad ng F at P, C at K, C at Z, S at Z, V at B o pagpapalit ng mga letra sa mga kahawig nitong numero
"HayZzz! 4kqHoW ph0uW C DoU6l4sZ, 24 YrsZ OulD pfhOw, n4h M4hL6Z pfHOw miNowHm phoW Ng K4hPEh ZstRaVuckhZ Dz4hTih pfhOw."
Note: naitype ko ito ng mga 70 seconds

Symptom #7
Paggamit ng mga pacool na terms tulad ng chillax, o ng mga cringe worthy catch phrases
"HayZzz zSa m64 fUnS qHuoW! 4kqHoW ph0uW C DoU6l4sZ, 24 YrsZ OulD pfhOw, n4h M4hL6Z pfHOw meH Mha6CgiLLaXz zSah ZstRaVuckhZ Dz4hTih pfhOw."
Note: naitype ko ito ng mga 100 seconds

Kapag ako ay nakakatanggap ng ganyang mga messages, text messages o email ay nahihiwagaan ako. Napakahirap gawin, at napakahirap din intindihin. Naging issue na din dati na nakakabobo sa spelling ang pagtetext kasi nga nagaabbreviate palagi ang mga tao kapag nagtetext. Nakakalimutan kung ano ngang letra ang silent at kung anong mga letra ang dinodoble. Tapos ngayon ay nakaimbento na naman ang mga tao ng mas-ikabobobo pa nila. Una sa lahat. Walang maintindihan. Pangalawa nakakainis. Pangatlo, nakakapanggalit.

Nambabasag nga ako ng trip. Pero kapag kakilala ko ganyan, babasagin ko ulo.

2 comments: