Sunday, April 25, 2010

bagong trabaho. bagong buhay.

matagal na akong hindi nakapagsulat rito. masyadong busy. excuses, excuses etc. pero eto ang latest...

UNANG LINGGO

DAY 1
walang nangyari. pinapunta lang ako sa pesteng bangko para ako ang mag asikaso nung ATM ko. weird. nakuha ko ang laptop. wow windows xp. wow, naka-disable ang mga USB ports. wow ang daming password. may internet pero wag raw papahuli na nagb-browse. ang layo ng pwesto ko sa CR. at for some reason, nawawala ang pantry.

DAY 2
Eto ang mga natutunan ko:
1. walang gwapo. pero may SUPER gwapo. mukhang model (model nga ata talaga siya). Pag naglalakad siya eh parang naririnig ko yung mga tili ng mga babae. kaso hindi ko siya type. yun lang.

2. ang tahimik nila. hindi ako sanay. nakakahiya kumain ng malakas kasi rinig ito sa buong floor. at amoy ito everywhere. dyahe mag yakisoba.

3. may laptop nga ako pero di ko malagyan ng plants vs. zombies.

4. bawat galaw mo dapat may permission. kapag kailangan mo ng access sa isang SHARED folder, kailangan mo magpapirma ng form sa project manager mo tapos ibibigay ito sa IT. nawalan ng essence ang term na SHARED.

5. there is something ergonomically wrong with my seat. pagtayo ko masakit ang pwet ko. OO, pwet. hindi legs. hindi hita. PWET. ang labo.

DAY 3-5
binigyan ako ng task pero hindi ko alam kung paano gawin kaya hinulaan ko na lang. napasa ko naman sa temporary bossing ko kaya ramdam ko naman eh may nagawa akong may kwenta. may time sheet rin pala sila na web-based. kaso may problema sa account ko kaya hindi ako nakapag log ng oras.



PANGALAWANG LINGGO

Highlights:

nasa training ako nito sa ibang building at medyo mas maganda ang oras kasi mas maaga kami pinapalabas. pero dahil sa gusto ko muna magpa-cute, dumadaan muna ako sa office ko at nagch-check ng email.

nailagay ako sa delinquent list kasi hindi raw ako naglagay ng oras sa time sheet. putanginang time sheet. para akong minumulto.

nakuha ko rin yung ATM card ko pero nung papalitan ko na ng PIN, kinain ng ATM machine yung card.

panalo.

natapos ang training at pumasa naman ako. bukas magtutuos kami ng boss kong tunay.

sana mabait sya.

at eto pa pala nalaman ko......

hindi pala ako marunong mag-Excel.


ang dating kulot,
Pelomena




No comments:

Post a Comment