Thursday, December 29, 2011

The phenomenon that is MMFF

MMFF na naman! 

MMFF according to Jessica Zafra:
What an appropriate acronym, it’s like the sound one makes when forced to consume something vile and putrid. Mmmfff!

i like!   hahaha!  at dahil diyan, parang gusto ko na rin panoorin lahat ng movies sa MMFF at gagawa ng review.  ito nga naman ang "much awaited" film festival every year kasi bigatin raw ang mga pelikula at mga artista na kasali.  this festival raw is the best representation of Philippine cinema.  sa sobrang bongga nya, mandatory na may float parade at kailangan may sariling video starring the MMDA chairman Francis Tolentino (di ko makita sa YouTube).

chos!

Ito ang lineup, so help me God.

Ang Panday 2
Enteng ng Ina Mo
Shake, Rattle and Roll
Segunda Mano
Manila Kingpin
Yesterday, Today Tomorrow
My House Husband

may naiwan ba ako?

hindi ko alam kung san ako kukuha ng oras para mapanood lahat ng yan.  pero susubukan ko.  gusto ko naman masabi na kahit papaano eh tumangkilik ako ng pelikulang Pilipino.  Plus, viable excuse ito para manlait.  kaya pwde na rin.

unang task:  panoorin ang trailers.

Buti na lang work from home ako ngayon.

mamaya na lang ulit!



Nagmamahal,
Pelomena

Sunday, December 4, 2011

Punyeta

Di ako pumasok ng 5 araw dahil kelangan ko ng bakasyon.

Kung may napala man ako sa bakasyon na ito, yun ay naisip ko na..
Tang ina gusto ko pang magbakasyon.

Buti na lang maraming alak sa aming ref.

Friday, September 16, 2011

di ko kaya pelomena

naisin ko man, ay di kaya ng aking kahihiyan na ipakita ang x-ray. ipagpaumanhin mo na.

ang nahihiya,
ako

Wednesday, September 14, 2011

kamusta kalabasa?

dear diary,

ayoko pumasok ng 16 hours ngayon.  pero kailangan.  sana pwdeng hindi pumasok bukas.  pero kailangan.

patayin mo na lang ako.



nagmamahal,
Pelomena

Friday, September 2, 2011

Hypomanic

Namiss kong tumawa, hanggang sa magmukang tanga.

Hindi laging mukang tanga,
generic

Wednesday, August 24, 2011

Zonrox! Zonrox! Pang-alis ng Anne-Anne

Huli na yata ang lahat. Hindi ko alam kung pwede bang bawiin ang pangalan ng baby na pinanganak sa ospital. Actually hindi pa yun ang problema ko, dahil kailangan ko pang kumbinsihin ang ate ko na pangit ang pangalan na gusto nya para sa anak nya.

Rox Anne. Hindi na lang ginawang Roxanne kung Roxanne. Tapos ang palayaw daw Rox. Hindi talaga cute. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na kung gusto talaga nya na nakahiwalay yung Anne, gawin na lang n'yang Roxy Anne. Sinisisi ko si Roxanne Ritchie (hindi si Tina Fey) ng Megamind. Siya ang nagbigay ng idea.


Hindi ko s'ya naman anak, so dapat 'di ko pinuproblema. Pero kawawang bata. Naranasan ko nang tawaging Irene Peste. Tsk tsk tsk.

Ang nagmamagandang loob,
marydaisy

P.S. Labing siyam na ang pamangkin ko. Aabot kaya sila ng dalawang dosena?


Update: Roxy Anne naman pala pinangalan sa kanya



Sunday, August 14, 2011

True Story

Kagabi nakapagdecide na ko. Tumatawa lang ako pag nagkekwento ako pero nahihirapan talaga ko. Ilang linggo ko din tiniis yung hindi nya ko pinapansin na parang hindi nya ko girlfriend. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para makipaghiwalay. Feeling ko tatanggapin lang nya, tapos aalis na. Pero tumayo sya, sabi mag-usap daw kame.

Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi pa masisira ang halos sampung taon na pagsasama.

Nagsorry sya sakin. Sinadya nyang lumayo, umiwas at wag ako pansinin. Gumaan ang loob ko. Tapos bigla nyang sinabi, na hindi nya lang magawang makipaghiwalay sakin, kaya iyon ang ginawa nya. Hindi ako emo. Pero sobrang bigat ng loob ko nang narinig ko yun. Nanlamig ang bibig ko. Hindi ko alam ang iisipin. Ayoko.

Ang sabi nya mahal nya pa din ako, importante ako sa kanya. Pero di na daw nya makita na magsasama kame habang buhay. Bago sya umalis hinawakan pa nya yung kamay ko. Lalo akong nahirapan. Di ko kayang bumitaw. Tinanong ko sya bakit ayaw nyang subukan ulit, kung mahal pa nga nya ko. Kailangan nya daw yun gawin, dahil kahit anong pilit daw nya, hindi na nya kayang isipin na kame pa din sa future. Ok, gets ko na. Hindi na nya talaga ko mahal. Bumitaw na ko.

Umiiyak ngunit di kawawa,
marydaisy

Friday, August 12, 2011

Kuma

pag ibang button ang mapindot mo kay Kuma, kadiri ang lalabas.

Yun lamang.

Nagtetekken,
Carl

Nakakatuwa naman pala

Mga limang minuto pa lamang ang nakakalipas at binasa ko ang ibang mga posts dito sa blog na ito.  Nakita ko kung papano ako kagalit noon at kung gaano ako masgalit ngayon.  Awaard.

Nabasa ko rin ang mga dating mga posts ni Pelomena at kung papano sya nagmukhang pera sa mga iba nyang posts.

Nabasa ko na masaya palang magpatuloy na magsulat dito, dahil ilang buwan o taon ang makalipas, nakakaliw pala syang basahin.  Nakakatuwa naman pala.

Ang natuwa ng Panandali,
Carl hindi Douglas

Friday, April 8, 2011

yuhuuu

buhay pa ba ang buhay ng JULIANS?

ano kaya ang developments ng mga taong nakalabas na sa selda?


rambutan...magpapakita ka ba ngayong summer?  (in english, will you bare all this summer?)

buhok...nagpa-rebond ka na ba ulit?

jhun...feel ko miss na miss na kami ng resort nyo.  kamusta na sya?

marydaisy...balita ko tumatae ka na raw ng pera?

peejee...member ka ba ng blog na ito?  parang di ko matandaan guys.  sorry in advance peejee!

kitCat....kamusta ang stretching natin ngayon lola?

jattorney...aminin mooo, naggwapuhan ka kay jason ivler!  (di ko alam kung san galing ang joke na yun)

bopeep...cute ba ang kangaroo in real life?

johnny bravo...may bago bang pelikula si ina feleo?

douglas...ikaw ang epitome ng phrase na "there and back again"  hahahaha joke!

enteng...kamusta na si poch?


yun lang naman!  mag-blog na tayong muli!


nagmamahal,
Pelomena

Thursday, April 7, 2011

Friday, October 15, 2010

6 na araw lang ba meron sa isang linggo?!!

Ang TANGA bow!
Ang tanga muntik na malate,
Kasi naman ang ulo ko tangina ang sakit,
Nawala sa isip ko na biyernes pa lang ngayon,
Kaya kung hindi naalala absent ako kung nagkataon.
Lagi ko na lang nakakalimutan na Friday pa pala,
Kasi ang feeling ko ang weekend ko ay napakahaba,
Turo dito turo doon,
nakaktamad ayoko na bumangon.
Kaso wala naman akong choice,
Kaya iniingatan ko aking voice,
Dahil ito lang ang puhunan,
Kapag nawala paano na lang.
Pera, pera, pera,
Tangina mo bakit nauso ka pa,
Kung wala ka simple lang ang buhay,
Kapag hindi nakakain eh di patay.
Ang masasabi ko lang ay 'nakakatamad',
Sana sa TV ngayon ay nakababad,
Antok na antok pa ako,
Putangina nyo patulugin nyo ko.

Tuesday, October 12, 2010

Makikibirthday this year!hahahha!

Kawawang bata. Makikibirthday muna ko this year. Pero sobrang happy ako. Kasi bagong experience tong taong to. Kasi si bahay ampunan kami magcelebrate ng birthday ni ate Shei. Oo na! Akala ng iba wala kaming puso.

Whatever!

Magaambag na lang ako ng pambili ng school supplies para man lang may share ako. At syempre para sa mga bata ito. Mas magandang bigyan sila ng magagamit nila. Lalong lalo na sa pag-aaral nila. Para matulungan sila sa magiging future nila after ng pag-aaral nila.

Naisip ko lang. Sobrang hirap sigurong tumira sa bahay ampunan. At naghihintay na maambunan ng konting atensyon sa mga taong dumadalaw sa kanila. Kaya dapat ishare ang blessing hindi dahil sa doble ang balik sayo nito o ipagmayabang kung anong meron ka. Pero para maniwala at makilala nila na meron talagang Diyos na pwedeng makinig sa kanilang mga dasal. (nakanaman)

Pero seryoso, maswerte tayo kasi may pamilya tayo. Nakakapagcelebrate ng mga birthdays kahit sa simpleng paraan. Nakakapamasyal sa kung saan kung kailan natin gusto. Kaya ayos din tong plan na to. Well sino ba naman kami? Hindi naman kami mga artista o pulitiko na kailangan pang magpapicture habang namimigay ng mga kung anu-ano sa mga bata. Simpleng tao lang. Ibig sabihin kahit sino pwedeng gawin to! Aja!

~ang nagtry magpakaseryoso~
kepyas

Friday, October 8, 2010

Teacha! Teacha! Pinagiinitan kami o!

PUTANGINAKA! sabi ng mga ibon, halaman, upuan, lapis, computer, papel, alikabok, aircon na hindi gumagana sa paligid mo.
Sunod-sunod ng tinanggal ang members ng team. Dahil lang sa sila ay nagkakasakit. Pagkatapos kang gamitin, itatapon ka na lang kapag wala ka ng pakinabang. Tamang napkin lang. Hindi namin alam kung anong problema mo samin. Pero lagi mo na lang sinisira ang araw namin. Pagkatapos ibalita na may namatay saming teacher(cher Jhao RIP), tsaka naman ibinalita na tinanggal na si Cher Pau. AWWW! wala ka talagang patawad. Siguro hindi ka tinatablan ng sakit. Kasi kahit ang sakit ayaw dumikit sayo. Kasi ang baho ng ugali mo. Mas masahol pa ang sangsang ng ugali mo sa putok at alipunga COMBINED! Hmmm.. I wonder kung anong vitamins mo. O baka naman pinsan mo si Robocop o apo ka sa tuhod ni Iron Man. Sana lang hindi ka magkasakit. Kasi pagtatawanan talaga kita ng major major. Tatampalin kita ng dextrose. At susukahan kita sa muka. First day pa lang yun. Kaya magpray ka na 1 day ka lang magkakasakit. Kasi sa mga susunod na araw, baka hindi ka na makabangon.

punong puno na
-kepyas-

Monday, October 4, 2010

Malas sa trabaho?!O talagang maraming KUPAL sa mundo?!

Pinoy, Chinoy, Arabo, Hapon, Jejemon, Emo, Punkista, Matanda, Bata, May anghit o wala. Wala ng tatalo sa Koreanong kilala ko. Hindi ko nilalahat ang mga koreanong masasamang ugali. Dahil ibang-iba tong kilala ko. Dito na sya lumaki sa Pilipinas kahit wala syang dugong pinoy. Minsan nga naisip ko na baka nakasama pa paglaki nya sa Pilipinas kaya sya nagkaganyan. Ibig sabihin ba tayo ang nakaapekto sa kanila?! Hindi rin. Pakiramdam ko in born na ang pagiging KUPAL nya. Magingat sa behang ito dahil gagawin nyang miserable ang buhay nyo. Nagpower trip, may pinagiinitan, may pinipiling kausapin at ngitian. KUPAL for short. Dati yatang bading dahil patalikod ka nyang titirahin. Nagawa na nya ang gusto nya. Naalis na nya ang isa naming kateam ng walang kalaban-laban. Dahil lang sa nagkasakit ka. Ok ka lang? Ano kami robot na made in Korea? Kahit pusa nagkakasakit no! Wag kang tanga! Kung hindi ko lang kailangan ng pera. Hindi ako magtitiis dito. Pero try mo lang kantiin ako. Bibilog yang mata mo. Sa ngayon titiisin ko muna. Habang wala ka pang ginagawa direct na ginagawa sakin. At patukoy lang mambibwisit.

..ang galit sa palakang kokak...
kepyas

Wednesday, September 8, 2010

pera, asan ka na?

andito ako! hanapin mo me!


hindi ba puwedeng simple na lang ang buhay?

hindi ba puwedeng wag na lang magtrabaho?

hindi ba puwedeng wag na lang makisama?

problema sa trabaho. problema sa sarili. problema sa trabaho. problema sa sarili. problema sa trabaho. problema sa sarili. repeat til fade.

sa totoo lang, malulutas ang lahat (ok hindi lahat pero karamihan sa problema ko) pag nalutas ang problema sa pera. pag maraming pera, hindi na kailangan magtrabaho. mawawala ang problema sa trabaho. pag may pera, mas madaling maayos ang sarili. mawawala ang ilang problema sa sarili.

ayoko naman magmukhang pera. pero sa nakikita ko, ito ang sagot sa lahat ng hinaing ko sa buhay.

kelan ba malulutas ang problema sa pera? kelan ba?


Friday, August 27, 2010

3000-pc Jigsaw Puzzle



2am na ko natulog dahil sa putanginang puzzle. naalala ko dahil sa isang drawing mula sa isang sprint retro ng julia ay bigla kong ginustong bumuo ng puzzle na bonggang-bongga ang bilang ng piraso, mga 1000. ganun.. kaya ng madaan ako sa robinsons galleria kagabi at nakita na ang 3000-pc jigsaw puzzle ay P150 lang (sa naaalala ko P900+ yung 1000pc), hindi na ko nagdalawang-isip, binili ko na agad. kaya eto ko ngayon. bangag.



ang kulang sa tulog (at sex din),
marydaisy

Monday, August 16, 2010

ANG SAKIT NG PUSO KO.

PAKIBUNOT PLEASE.

marydaisy

Sunday, August 8, 2010

grumpy mode.

ANG SAKET NG IPIN KO!!!!


GUSTO KO NA PUMATAY NG TAO!!!!



GRRRR.....

Wednesday, June 9, 2010

Ang buhay na madrama ay parang 1, 2, 3

  1. Two weeks ago, Martes, bumaba na ng barko ang demonyong asawa ng ate ko.
  2. Nang dumating ang Friday ay pumunta sila ng Sual, Pangasinan kung saan nakatira ang nanay ng demonyo.
  3. Lunes, bumalik na ang demonyo pero wala ang ate ko. Naglayas daw at tangay ang lahat ng kinita sa barko.
  4. Unang linggo na wala ang ate ko: nagpapaawa ang demonyo. Hindi daw makakapag-aral ang tatlo nilang anak na nag-aaral. Nagsisimula na kong mabuwiset sa ate ko, dahil ako ang sumasalo sa ibang gastusin ng mga anak nya.
  5. Makalipas ang ilang araw pumayag ang isa ko pang ate na kunin ang isa sa anak nila.
  6. Makalipas ang ilang araw pumayag na akong kunin ang baby (pang-apat na anak)
  7. Makalipas ang ilang araw nagbago ang isip ng demonyo. Naiinis na dahil hindi pa nagpapakita ang ate ko. Kinausap ang nanay ko at sinabing "Sunugin ko na lang kaya tong bahay kasama yang mga anak ng anak mo".
  8. Makalipas ang ilang araw nalaman ko na ang totoo. Nagtatago ang ate ko dahil nabugbog sya ng bonggang-bongga nang nasa Pangasinan pa sila. Hindi pa lumalabas dahil naghahanap ng tulong dahil baka bugbugin lang sya ulit at baka idamay pa ang magulang namin (nanunugod ang demonyo ng itak)
  9. Ni minsan hindi pumunta ang mga pamangkin ko sa bahay namin kahit kapitbahay lang namin sila at normal naman na lagi silang nasa bahay namin.
  10. Nang maghahalos dalawang linggo na ang nakakalipas dumating ang ate ko na may kasamang dalawang pulis. Takot ang demonyo mamatay. Sumama ng maayos.
  11. Sa byaheng papuntang presinto kasama ang isang anak (yung grade 3). Hindi pinapansin ang nanay nya. Kahit nang dumating na sa presinto hindi pa din umiimik.
  12. Sinabihan ng pulis ang bata na magpaalam na sa nanay nya dahil pinili ng bata na sumama sa tatay. Yumakap ang bata sa nanay nya at bigla nang nag-iiyak.
  13. Mas magaling umarte ang matanda. Hindi iniimik ng dalawa pa nilang anak ang ate ko. (First year college at third year highschool)
  14. Umalis ang demonyo papuntang probinsya para kunin ang bunso (utos sa kanya ng pulis). Isinama ang panganay para may hahawak sa bata pag pabalik.
  15. Sinamantala ang pagkakataon, kinausap ang anak na naiwan. Umamin. Tinuturuan daw sila kung anong gagawin at anong sasabihin. Umamin din na isang beses nang galit na galit na ang demonyo, sinabi sa kanila na kapag dumating ang nanay nila, bugbugin daw nila.
  16. Marami akong natuklasan: 1) Yung aksidente ng ate ko na nadulas daw at nabali ang kaliwang kamay, hindi talaga aksidente. Hinahampas ng walis tambo ang ate ko at naimpansalag nya ang kaliwang kamay nya. 2) Minsan nang nangyari na inutusan ng demonyo ang mga anak nila na pagpapaluin ng sinturon ang ate ko. Wala silang magawa, inutos na din ng ate ko na sumunod sila. 3) Hindi kinuha ng ate ko ang pera. Alam ng pamangkin ko dahil sya ang may hawak ng pera. 4) Sinabihan sila ng demonyo na kapag inamin nila na sinasaktan nya ang nanay nila ay makukulong sya.
  17. Humarap na sa DSWD ang mga bata, hindi  ko pa alam kung ano ang balita.
  18. Pero hanggang ngayon nangingilag pa din ang panganay.
  19. The End.

P.S. Putangina kayong mga demonyo kayo. Mamatay na kayong lahat!