Thursday, December 29, 2011

The phenomenon that is MMFF

MMFF na naman! 

MMFF according to Jessica Zafra:
What an appropriate acronym, it’s like the sound one makes when forced to consume something vile and putrid. Mmmfff!

i like!   hahaha!  at dahil diyan, parang gusto ko na rin panoorin lahat ng movies sa MMFF at gagawa ng review.  ito nga naman ang "much awaited" film festival every year kasi bigatin raw ang mga pelikula at mga artista na kasali.  this festival raw is the best representation of Philippine cinema.  sa sobrang bongga nya, mandatory na may float parade at kailangan may sariling video starring the MMDA chairman Francis Tolentino (di ko makita sa YouTube).

chos!

Ito ang lineup, so help me God.

Ang Panday 2
Enteng ng Ina Mo
Shake, Rattle and Roll
Segunda Mano
Manila Kingpin
Yesterday, Today Tomorrow
My House Husband

may naiwan ba ako?

hindi ko alam kung san ako kukuha ng oras para mapanood lahat ng yan.  pero susubukan ko.  gusto ko naman masabi na kahit papaano eh tumangkilik ako ng pelikulang Pilipino.  Plus, viable excuse ito para manlait.  kaya pwde na rin.

unang task:  panoorin ang trailers.

Buti na lang work from home ako ngayon.

mamaya na lang ulit!



Nagmamahal,
Pelomena

Sunday, December 4, 2011

Punyeta

Di ako pumasok ng 5 araw dahil kelangan ko ng bakasyon.

Kung may napala man ako sa bakasyon na ito, yun ay naisip ko na..
Tang ina gusto ko pang magbakasyon.

Buti na lang maraming alak sa aming ref.

Friday, September 16, 2011

di ko kaya pelomena

naisin ko man, ay di kaya ng aking kahihiyan na ipakita ang x-ray. ipagpaumanhin mo na.

ang nahihiya,
ako

Wednesday, September 14, 2011

kamusta kalabasa?

dear diary,

ayoko pumasok ng 16 hours ngayon.  pero kailangan.  sana pwdeng hindi pumasok bukas.  pero kailangan.

patayin mo na lang ako.



nagmamahal,
Pelomena

Friday, September 2, 2011

Hypomanic

Namiss kong tumawa, hanggang sa magmukang tanga.

Hindi laging mukang tanga,
generic

Wednesday, August 24, 2011

Zonrox! Zonrox! Pang-alis ng Anne-Anne

Huli na yata ang lahat. Hindi ko alam kung pwede bang bawiin ang pangalan ng baby na pinanganak sa ospital. Actually hindi pa yun ang problema ko, dahil kailangan ko pang kumbinsihin ang ate ko na pangit ang pangalan na gusto nya para sa anak nya.

Rox Anne. Hindi na lang ginawang Roxanne kung Roxanne. Tapos ang palayaw daw Rox. Hindi talaga cute. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na kung gusto talaga nya na nakahiwalay yung Anne, gawin na lang n'yang Roxy Anne. Sinisisi ko si Roxanne Ritchie (hindi si Tina Fey) ng Megamind. Siya ang nagbigay ng idea.


Hindi ko s'ya naman anak, so dapat 'di ko pinuproblema. Pero kawawang bata. Naranasan ko nang tawaging Irene Peste. Tsk tsk tsk.

Ang nagmamagandang loob,
marydaisy

P.S. Labing siyam na ang pamangkin ko. Aabot kaya sila ng dalawang dosena?


Update: Roxy Anne naman pala pinangalan sa kanya



Sunday, August 14, 2011

True Story

Kagabi nakapagdecide na ko. Tumatawa lang ako pag nagkekwento ako pero nahihirapan talaga ko. Ilang linggo ko din tiniis yung hindi nya ko pinapansin na parang hindi nya ko girlfriend. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para makipaghiwalay. Feeling ko tatanggapin lang nya, tapos aalis na. Pero tumayo sya, sabi mag-usap daw kame.

Nagkaroon ako ng pag-asa na hindi pa masisira ang halos sampung taon na pagsasama.

Nagsorry sya sakin. Sinadya nyang lumayo, umiwas at wag ako pansinin. Gumaan ang loob ko. Tapos bigla nyang sinabi, na hindi nya lang magawang makipaghiwalay sakin, kaya iyon ang ginawa nya. Hindi ako emo. Pero sobrang bigat ng loob ko nang narinig ko yun. Nanlamig ang bibig ko. Hindi ko alam ang iisipin. Ayoko.

Ang sabi nya mahal nya pa din ako, importante ako sa kanya. Pero di na daw nya makita na magsasama kame habang buhay. Bago sya umalis hinawakan pa nya yung kamay ko. Lalo akong nahirapan. Di ko kayang bumitaw. Tinanong ko sya bakit ayaw nyang subukan ulit, kung mahal pa nga nya ko. Kailangan nya daw yun gawin, dahil kahit anong pilit daw nya, hindi na nya kayang isipin na kame pa din sa future. Ok, gets ko na. Hindi na nya talaga ko mahal. Bumitaw na ko.

Umiiyak ngunit di kawawa,
marydaisy

Friday, August 12, 2011

Kuma

pag ibang button ang mapindot mo kay Kuma, kadiri ang lalabas.

Yun lamang.

Nagtetekken,
Carl

Nakakatuwa naman pala

Mga limang minuto pa lamang ang nakakalipas at binasa ko ang ibang mga posts dito sa blog na ito.  Nakita ko kung papano ako kagalit noon at kung gaano ako masgalit ngayon.  Awaard.

Nabasa ko rin ang mga dating mga posts ni Pelomena at kung papano sya nagmukhang pera sa mga iba nyang posts.

Nabasa ko na masaya palang magpatuloy na magsulat dito, dahil ilang buwan o taon ang makalipas, nakakaliw pala syang basahin.  Nakakatuwa naman pala.

Ang natuwa ng Panandali,
Carl hindi Douglas

Friday, April 8, 2011

yuhuuu

buhay pa ba ang buhay ng JULIANS?

ano kaya ang developments ng mga taong nakalabas na sa selda?


rambutan...magpapakita ka ba ngayong summer?  (in english, will you bare all this summer?)

buhok...nagpa-rebond ka na ba ulit?

jhun...feel ko miss na miss na kami ng resort nyo.  kamusta na sya?

marydaisy...balita ko tumatae ka na raw ng pera?

peejee...member ka ba ng blog na ito?  parang di ko matandaan guys.  sorry in advance peejee!

kitCat....kamusta ang stretching natin ngayon lola?

jattorney...aminin mooo, naggwapuhan ka kay jason ivler!  (di ko alam kung san galing ang joke na yun)

bopeep...cute ba ang kangaroo in real life?

johnny bravo...may bago bang pelikula si ina feleo?

douglas...ikaw ang epitome ng phrase na "there and back again"  hahahaha joke!

enteng...kamusta na si poch?


yun lang naman!  mag-blog na tayong muli!


nagmamahal,
Pelomena

Thursday, April 7, 2011